3

4 0 0
                                    

TAEYONG

Hanggang ngayon shookt parin ako sa katotohanang pati ang kaibigan kong si Jungwoo ay may gusto rin sa kay Jaehyun. I mean, oo, hindi ko siya masisisi. Crushable naman talaga si Jaehyun. Jowable pa nga eh.

Pero why naman ganon? Kapag nalaman ni Jungwoo yung tungkol sa kumakalat na balita, baka magalit siya sakin at isipin niya inagawan ko siya ng crush! Di ba pwedeng hati kami, ganon? Joke lang.

Ngayon tuloy namomroblema ako kasi papasok na kaming apat mamaya sa Univ. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Jungwoo, kapag nalaman niya na...

"Kumalma ka nga bakla. Nahihilo ako sa palakad lakad mo, bwisit ka!" Reklamo ni Doie bago ako hinila paupo sa tabi niya. Kanina pa kasi kinakabahan.

"Dons, pano pag nalaman ni Uwoo? Baka hindi na niya ako kausapinNaiiyak na talaga ako. Hindi man halata pero mahalaga saakin ang mga kaibigan ko. They're with me since High School. Parte na sila ng buhay ko. Kapag nagalit si Jungwoo saakin baka madepress ako. Ayokong may tampuhan o kung ano paman kami ng mga kaibigan ko...

"We'll help you explain. Maiintindihan naman siguro niya why you resorted to doing that. Pero kung pipiliin niyang isara ang tenga niya para sa mga paliwanag mo, then jokes on him. Hahayaan niyang ang petty crush niya sa lalaki ang maging dahilan para masira ang matagal nyong pagkakaibigan...Napayakap ako kay Dons dahil ngayong umaga maraming sense ang mga sinasabi niya. Ano kayang nakain nito?

"Hoy ano yan? Aga aga sad hours kayong dalawa dyan" Saway ni Ten saamin ni Doie.

"Natatakot ako sa magiging reaksyon niya, Ten" Pag-amin ko kay Chittaphon. Nakakaunawang pinisil naman niya ang kamay ko.

"He'll understand----" Positibong sabi naman ni Ten.

"TAEYONG! WHAT'S THE MEANING OF THIS?!" Napaigik kaming tatlo sa kinauupuan namin ng marinig namin ang matinis na sigaw ni Jungwoo. Kalalabas lang niya sa kwarto niya at kapit niya ang cellphone niya kung saan nakabukas ang twitter at starring kaming dalawa ni Jaehyun sa picture. Shit. Patay ka talagang bata ka!

"Or maybe he won't understand. Patay tayo dyan..." Nakangiwing sabi ni Ten saming dalawa ni Doie.

"Uh, Woo. Let me explain okay?" Tumayo ako at akmang lalapitan siya pero agad siyang lumayo. He looked betrayed. Kitang-kita ko kung papanong kumislap ang mga mata niya dahil sa luha. Gosh. What have I done?!

"Jungwoo, please. Let him explain. Hindi niya naman sadya. It's all a misunderstanding" Nagsalita na rin si Ten at pumagitna sa aming dalawa. Nabaling tuloy sakanya ang tingin ni Jungwoo.

"Alam mo din? Alam nyo ni Doie pero hindi nyo sinabi saakin? Bakit? Akala ko ba magkaibigan tayong apat dito?" Iyak ni Jungwoo habang nakatingin saming tatlo. Akala niya siguro pinagtutulungan namin siya.

"Oo, alam namin. Pero gusto namin kay Taeyong manggaling yun. Kasi siya lang naman ang nakakaalam ng buong storya..." Tinatry ni Ten na pakalmahin si Jungwoo pero wala yata iyong epekto. Lalo nga lang yata siyang nagalit saamin, sakin dahil tinraydor ko siya. In my defense, hindi ko naman kasi alam!

YOURSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora