"Ba, I missed you!" Sabi ni ate Gia habang yakap parin siya.


"I missed you too." Sabi naman ni ate Ella at bumitaw na sa pagkakayakap.


"Kamusta naman si Tito?" Tanong naman ni ate Ella.


"He's not getting better." Maikling sagot ni ate Gia.


"Buti pinayagan kang umuwi? Hindi parin pala okay si Tito." Sabi naman ni Ate Ella.


"1 week vacation lang, pinilit ko si Mom dahil sobrang miss na miss kita." Sabi naman niya, napatingin naman si Ate Ella kay Gabb pero nag-iwas tingin si Ate Gabb.


"Can I spend my one week vacation with you?" Ate Gia asked, nag-aalangan naman na sumagot si Ate Ella.


"Please? I need you. I need my bestfriend." Dagdag pa ni Ate Gia.


"Sige." Sagot naman ni ate Ella. Agad namang tumayo si Ate Gabb at sinuot ang hoodie niya.


"Una na ako." Sabi nito at lumabas na ng bahay, narinig ko naman ang pagstart nito ng sasakyan niya, akmang susundan siya ni Ate Ella pero nakaalis ito agad.


"Luv, una na kami. Pasabi nalang kay ate Ella na kami na ang bahala kay Gabo." Sabi naman ni Jaydee saakin at niyakap ako. Sunod-sunod na silang naglabasan sa bahay pati na rin si Ate Lara na kakarating lang.




Umakyat muna ako sa kwarto ko at hinayaan na mag-usap yung dalawa.






























After ng ilang minutes ay nagchat na saakin si Jaydee.


After ng ilang minutes ay nagchat na saakin si Jaydee

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








Jaydee's POV




I called queen at agad na kinwento sakanya ang nangyari.


*OTP*

*Flashback*


Nandito kaming lahat sa pool area nila ate Gabb dahil doon siya umiinom.


"Naiinis ako! Sa tagal nating nandun hindi manlang tayo pinakilala, parang hangin lang tayo." Panimula naman niya, hinayaan lang namin na magsabi siya, mukhang tipsy na rin kasi dahil mukhang inistraight yung boteng hawak niya eh.


"Malakas ang kutob ko, may gusto yung Gia na yun sakanya. Kitang-kita kung paano niya tignan si Ella." Sabi pa nito. Aww, Ella lang ang tawag niya kay ate, that means nasasaktan talaga siya. Kilala ko si Gabo, kabisado na namin yan.


"Gabbi naman, wag kang mag overthink, wala ka namang proof na gusto ni Gia si Ella eh." Sabi naman ni ate Sela at nilapitan siya.


"Pero kitang-kita sa mga mata niya yun. I've been like that before, kung paano siya kumilos ngayon. Ganun ako nung tago palang yung feelings ko kay Ella." Sabi naman nito at niyakap ang ate niya.


"Hindi ko matanggap ate eh, ganun ba kahirap na ipakilala ako? O natatakot lang siyang masaktan ang damdamin nung Gia na yun dahil mahal niya rin." Dagdag pa niya..


"Gabbi, wag kang mag-isip ng ganyan, pag-usapan niyo ng maayos ang lahat." Sabi naman ni Ate Abby.


Nagulat naman kami ng bigla niyang inistraight ang kalahating alak pa na natitira. Sinubukan siyang pigilan ni Ate Sela pero hindi ito nagpatinag at tinuloy pa rin ang pag inom.



Nang maubos na niya ang inumin ay binato niya ang bote sa pool, buti nalang hindi ito nabasag. Nahiga siya sa tabi ng pool. Hinayaan nalang muna siya namin na ganun at pinagmasdan, kitang-kita mo sa mata ni Gabo na nasasaktan siya. Kahit nakahiga na ito, umaagos parin ang luha niya.




*End of Flashback*




"I'll tell you something, luv." Sabi niya sa kabilang linya.


"Just don't tell ate Gabb muna about it. It might worsen the situation, antayin natin na si Ate Ella ang magsabi sakanya if ever man mag confess na si ate Gia ngayon." Dagdag pa niya. Ano raw? Confess?


"Huh?" Confused na sabi ko.


"3 years ago, ate Gia confessed to me that she likes ate Ella pero wala siyang lakas para sabihin ito." Sabi ni Queen sa kabilang linya. Shit! tama nga ang hinala ni Gabo.


"This will be a problem, luv. Pero sana naman wag ideny ni Ate Ella ang relasyon nila ni Gabo nang dahil lang malungkot yung Gia." Sabi ko naman.


"I'll try to talk to ate Ella mamaya." She said


"Sa lahat ng naging karelasyon ni Ate Gabb si ate Ella palang ang pinakaminahal niya at hanggang ngayon minamahal parin. Nakita namin kung paano tumino si Gabb nang dahil kay ate Ella, sana wag dumating sa point na bumalik siya sa dati at mas lumala pa." I said.


"Sige na luv, aakayin pa namin si Gabo papuntang kwarto, nakatulog na eh." Sabi ko pa ulit.


"Bye, luv, I love you." Sabi niya.


"I love you too." I said and ended the call.

-----------------------------------







































Thank you for your support guys!! Eto na pambawi oh!! Vote kayo, if we reach 50 votes tonight, gagawa na ako agad ng next update.

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now