Napatahimik ako ng panandalian ng maalala ko ang sinabi ni Rachel sa akin kanina.

"And she ask me for a second chance." Mahinang sabi ko na sapat na para marinig ni Yuan. "Do you think, she deserved it Yuan?"

Bahagya ako nitong liningunan through her shoulder.

"Can you give an advice Yuan."

"For me, honestly I think.... Dapat isa sa inyo ang kaylangan mag pakumbaba." Napatingin na ito sa harapan at muling umikot to face me. "Kahit masakit ang nakaraan mo kay Rachel, I think it's more better kung mag simula ka ng mag move on sa past mo, and start your new life with your daughter." Paninimula nito.

"Wala akong alam, sa nakaraan mo sa kamay ni Rachel, but all I can say is forget and forgive. Hindi habang buhay mabubuhay ka sa takot, galit at pagkamuhi sa isang tao dahil lang sa isang pag kakamali o sinaktan ka niya. Every people deserved a second chance Athena."

Nakatulalang nakatitig at taimtim na nakikinig lang ako sa sinasabi ni Yuan sa akin.

"Rachel starting to moving forward with her new family. Kaya ano pang kinatatakutan mo?"

"I don't trust her Yuan, kilala ko ang babaeng yun, kapag masyadong tahimik may pinaplano."

"Wag kang judgemental Athena, baka nakakalimutan mo, wala kayong pinag kaiba ni Rachel."

"What do you mean?" Kunot noo kong tanong.

"Your also like her Athena, Isa ka ding ganid and selfish. Remember? The time we're you deeply in love with Jade Tanchingco, nagawa mo ding saktan si Althea. Ang pinag kaiba lang, ang bilis ng karma mo kasi bumalik agad sayo ang ginawa mo noon kay Althea, Nakahanap ka ka-agad ng katapat mo."

"Noon yon. Nag bago na ako--"

"That's my point. Baka nag bago din si Rachel. Bakit di mo gayahin si Althea, she gave you a second chance to show her that you totally change..... Why don't you just give Rachel also a chance Athena."

I'm much older than her pero napaka matured niya talagang mag isip, her sense of humor and word of wisdom really helping me.

"Tulad ko, napikot ako ng asawa ko, do you ever know how much I hate her nung una? More than you think. Pero dahil din sa anak namin nagawa ko siyang patawarin, and give her a second chance to changed. And she never failed me...... Doon ko din natutunan mahalin si Apple, pinakita niya sa akin na she deserved my heart, and I can picture it out my self growing old with that woman, na walang pag sisi, How about you?"

Napatingin muli ako sakanya habang naka kunot ang noo.

Narinig ko na lang ang pag tawa nito para mapakunot ang noo ko.

"Sa tingin ko kasi sa edad mong yan, hindi kana hahanap ng katuwang mo sa pag papalaki sa anak mo."

"Oy grave ka naman, bat napunta sa edad ko? Porket bata kang tingnan! bata pa ako noh--"

"Gusto mo hanap kita ng sugar baby."

"Tsk!!! Gago!!" Pabirong tinulak ko ito sa bar stool para mapatawa na kame ng malakas to catch more attention.

Napatigil lang kame sa pag tawa ng tumunog ang telepono ni Yuan, and it's Apple.

"I think that's my cue.... Hinahanap na ako ni kumander."

"Pshhh under."

"Tumahimik ka. Umuwi kana din at matulog ka nga. You look like a zombie. Ang laki ng eye bags mo, Get some sleep."

"Oo na, halika na nga." Hinila ko na agad ito palabas ng bar.

"Oy, bakit ako ang mag da-drive?" Pag rereklamo nito.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant