"Alam mo girl. Kung malakas ang magnet ni Zack, doblehin mo si Andrew."

I rolled my eyes.

"Ayan na naman! Why do you keep on inserting that guy! Wa me paki sa kanya. Period!"

"Owwwssss... Sinasabi mo lang yan. hahahaha!"

Aba itong si Charlie, gumaganti!

"Hay nako. I'll go get myself some punch. " Tumayo ako at pumunta sa bar.

Hindi pa ako nakakarating ay may humila sa akin na isa sa mga coordinator, at dinala ako sa gitna ng dancefloor kasama ang ibang mga babae, yung iba mga bridesmaids. Ano ba to? Bakit ako nasali dito, wala naman akong kakilala dito a, sabit nga lang ako dito.

"Ok single ladies. It's time for us to choose whose going to be the lucky 'IT' girl." sabi nung emcee

HUWAT!!!! Nanalaki mga mata ko. Is this the part where they choose the single ladies and single men and then they will force them to do the things that the couple will do. Most of the time Parental Guidance ang pinagagawa!

OH NO!!!!!

What have I gotten myself into? Napaka wrong timing naman ng pagpunta ko sa bar! Ttatakas sana ako kaso pinigilan naman ako nung isang coordinator. Sige na nga. Sa dami naman ng babae na nandito. Chances are, napakababa ng probability na ako ang magiging taya. Saka bakit ko ba sasaluhin yung bouquet? wala pa naman akong balak magpakasal? Magpa-pa-cute na lang ako. Dahil sa stage nakatingin ang mga tao. I know I look glamorous tonight just like what Zack pointed out earlier, sa tinagal-tagal ba naman namin ni Charlie sa parlor, dapat lang! Ahem... hahaha... ego trip lang... I’m Gorgeous and Sexy and I know it! Hahahaha!!! walang basagan ng trip!

Isa isa kaming pinakuha ng white rose na dala dala ng coordinator. Ang bongga, lahat naman pala kami may rose.

"Ok ladies, there's a ribbon with a note tied around your rose. Please read it  and we’ll find out if you are the luck girl."

Aaaaa ok.. Hindi na pala saluhan ng bouquet ang uso ngayon. Sorry a, hindi naman kasi ako uma-attend ng mga weddings, taga bundok ako e! Hahaha! Well anyway, let's find out.

I untied the reibbon and read the note.

'Congratulations. You are the lucky one!

Weh! This can't be happening! Out of all the girls!  WHY ME!!!

Kinalabit ko yung babaeng nasa tabi ko.

"Miss, gusto mong makipagpalit?"

Hindi ako pinansin, nang-isnub pa! ABA! Hmmmmp! Chura mo lang! Kala mo kung sinong maganda mukha namang impakta! Kinalabit ko yung nasa kabila side ko. Mukhang mas mabait naman ito kesa sa swangit na nang-isnub sa akin.

"Miss... gusto mong makipagpalit?"

"Ummmm ok. " She said smiling. Bakit ganon, kung sino yung pangit sya ang masungit? Kung sino ang maganda iyon ang mabait.

Makikipagpalit na sana ako ng mapansin kami ng emcee.

"Ladies, please stick to your rose... "

Dahil sa pagiging pasaway ko, Ako tuloy ang unang nilapitan ng emcee at tinignan yung note.

"I knew it! You are the 'IT GIRL'! let's all give her a warm of applause... "

Nyeeeekkksss!

"And the gorgeous lady is?"

Gorgeous daw o.. hehehehe... dyan ka hindi nagkamali! Hahahaha!

"Tanya... " smile na nga lang. Wala na akong magagawa, nandito na ito e, make the most out of it. Magpapa-cute na lang ako sa camera. Hehehehe.

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBWhere stories live. Discover now