C7: LEVEL UP

Mulai dari awal
                                    

" Wag mo akong saktan Marsela. Mahal na mahal kita!."

" A-Abelaine...Hi..Hindi Hindi ka si Abelaine!!!."

" Baby please."

Bumuntong hininga ako, at agad kong hinila patayo ang Robot at saka ko siya hineadlock. Binali ko ang leeg niya, napansin ko ang controller niya sa likod kaya sinira ko ito ng tuluyan.

" A-Abelaine Shu-Shutting Down." Hinagis ko siya at pinunasan ko ang mga luha ko.

" Hindi ka si Abelaine! Dahil ang totoong Abelaine hindi ako kayang saktan at patayin."

Agad kong kinuha ang baril na hinawakan ng Robot kanina at agad na tumakbo papunta kay Gabb. Matagal ko nang isinara ang Kabanata namin ni Abelaine. Si Gabrielle na ang buhay ko ngayon, at hinding hindi ko hahayaang mawala din sya saken.

Gabb's P.O.V

" Lisa Bernardo, You are so Gorgeous." Naririndi na ako sa lalakeng toh. San kaya nila dinala si Marsela ko?

" Tha-Thank you Boss. If I may ask po, Saan niyo po dinala si Ms. Jennie Chiu po?." Pagtatanong ko

" You mean? Lieutenant Col. Marsela Rai Guia?." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko

" Gulat na gulat ka ba? Major Gabrielle Keith Skribikin?. " Sambit niya

" HAYOP KA! SAAN MO DINALA SI RAI??!!." Galit kong sambit

" Malamang isa na siyang malamig na bangkay ngayon." Mas lalong uminit ang buong sistema ko sa narinig ko, napakuyom ako.

" Akala niyo talaga maiisahan niyo kami? Hahahaha." Sambit niya

" Bossing! Nakarating po dito si Lieutenant Col Guia po.! Napatumba po niya ang mga tauhan natin."

Natuwa naman ako sa narinig ko.

" Akala niyo rin na mapapatumba niyo ang Marsela ko? Well nagkakamali kayo! Ngayon tayo naman magtuos!." Sambit ko

" Hindi pa ito ang tamang panahon para tayo'y magtuos Skribikin. Kaya hahayaan ko munang ang mga alagad ko ang unti unting papatay sayo!." Sambit nung lalake at biglang nagsidatingan ang mga tauhan niya at naglaho naman siya.

" Kala niyo siguro natatakot ako sa inyo!." Pumwesto na ako para ihandang makipaglaban.

Nilabanan ko ang mga lalakeng ito, wala naman palang binatbat tung mga toh. Wala na akong oras kailangan kong hanapin si Rai. Kaya gumamit na ako ng isa sa mga explosive beads. Nagsuot muna ako ng Mask saka ihinagis sa kanila ang beads na ikinatumba nilang lahat, kaya agad akong tumakbo palabas.

Marami din akong mga nakasalubong na kalaban at matagumpay na napatumba sila lahat. Nasan na kaya ang Fiancé ko?

Napadpad ako sa isang area kung saan marami akong nakikitang mga babae. Marahil mga biktima nila ito.

" Girls! Don't worry I'll save all of you. Come follow me!." Sambit ko kaya sumunod naman sila lahat saken.

Agad ko silang pinasakay sa isang Rubber Boat. nang sa ganun ay malayo sila sa Barko. Tumatakbo na kase ang Barko pero di pa masyadong malayo sa Daungan.

" Be safe Ladies. Once you arrive there, make sure to run immediately to the nearest Police Station Okay?." Pag-iinstruct ko

" Pulis po ba kayo?." Napatingin naman ako sa isang babae na tila namumugto na yung mga mata.

" Opo, Pinay ka pala, wag kang mag-alala ligtas ka na." Sambit ko

" Si Ella po, Iligtas niyo si Ella." Natigilan naman ako sa tinuran ng babae, sa dinami dami ng pwedeng ipangalan?

HEART ARREST II (PAGSUKO O PAGSUGAL?)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang