LOVE
O sa tagalog, Pagmamahal.
Kapag 'yan ang topic, maraming nakaka-relate. Iba't ibang klase naman kase ang pagmamahal, pagmamahal sa kaibigan, pamilya, o kaya naman sa nagiisang tao na handa nating ibigay ang lahat. Lahat tayo dito sa mundo ay nakaramdam o nakaranas na nito.
Maraming IN LOVE o nagmamahal. Pero kahit ganon, hindi pa rin natin alam ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal. Mahirap hanapin ang ibig sabihin 'nan, kahit tignan mo pa sa diksyunaryo hindi mo pa rin maiintindihan kapag ikaw na mismo ang nakaranas.
Sabi sa Wikipedia;
Love is an emotion of a strong affection and personal attachment. Love is also said to be a virtue representing all of human kindness, compassion, and affection —"the unselfish loyal and benevolent concern for the good of another".
Sa dinamirami ng ibig sabihin ng pagmamahal, paano mo nga ba malalaman kung nagmamahal ka? Kapag ba tumitibok ng malakas ang puso mo? Kapag ba may kuryenteng dumadaloy sa katawan mo? Kapag ba may mga paru-parong naglalaro sa tiyan mo? Kapag ba lagi mo na siya naaalala? Kapag ba nagaalala ka sa kanya tuwing hindi kayo magkasama? Kapag ba handa ka ng ibigay lahat-lahat para sa kanya?
Ang pagmamahal ba sa iba ay ang pag-ubos ng pagmamahal sa sarili?
Sa dalawang taong nagmamahalan, meron bang mas nagmamahal? Paano mo masasabi kung sino ang mas nagmamahal? Kung sino ba ang handang magbago para sa taong minamahal nila ang mas nagmamahal?
O ganon lang talaga kapag nagmahal ka?
Magbabago ka sa ayaw at sa gusto mo. Hindi na importante kung paano mo siya minahal at kung sino ang mas nagmamahal. Kahit masakit titiisin na lang, dahil mahal mo.
Bakit ba kailangan masaktan kapag nagmamahal?
Bakit nga ba kailangan pa mag-mahal?
Hindi ba pwedeng sarili nalang ang mahalin?
Ano ba ang kayang gawin ng pagmamahal?
Hanggang saan ba ang nagagawa ng pagmamahal?
Kasalanan ba ang magmahal?
Kailan ba masasabing mali ang pagmamahal?
Sana kapag nagmahal ka, sa tamang tao at tamang oras mo siya matagpuan. Para hindi mo na kailangan pang hanapin ang mali sa kanya. Para hindi mo na kailangan pigilan ang sinisigaw ng puso mo. Para pwede mo ng akuin ang nararamdaman mo para sa kanya. Para hindi na magkasalungat ang sinasabi ng puso at utak mo. Para pwede ka ng sumugal.
At sana kapag nagmahal ka, handa ka na.
---
Tinititigan niya ang mala anghel na mukha na natutulog sa harapan niya, kahit na nakakasulasok ang amoy nito dahil sa alak, mala anghel pa rin ang itsura nito. Lub dub lub dub, napahawak siya sa kaniyang dibdib ng bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ano 'to? Bakit ganito? Pumikit siya at umiling-iling para matanggal ang kaba sa kaniyang dibdib.
"Hmmmm," tumagilid ito na siyang nagpalapit lalo ng mukha nila sa isa't isa.
Lubdublubdublubdub, lalong bumilis ang puso niya at napigil na rin niya ang kaniyang paghinga. Ano ba 'to? napakagat siya sa labi niya at nagtangka ng tumayo ng biglang dumilat ang mata ng nasa harapan niya. Napasinghap siya sa gulat at bigla nitong hinawakan ang kaniyang mukha na nagpabato sa kaniyang kinauupuan.
"Saan ka pupunta?" nakatuon ang paningin nito sa kaniyang mga mata na dahilan para lalo siyang manghina, kaunti na lang eh bibigay na siya sa kaniyang kinauupuan. "Huwag mo 'kong iwan," sambit nito tsaka dahan-dahang lumapat ang malambot na labi nito sa kanya.
YOU ARE READING
I'm in love with a Lesbian [EDITED VERSION]
RomanceEDITED VERSION (2021). --- AUTHOR'S LETTER: I wrote this when I was first-year high school. I know that there are a lot of things that happened in the storyline that doesn't seem realistic, I just let my imagination run wild. I want to apologize to...
![I'm in love with a Lesbian [EDITED VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/270622695-64-k578320.jpg)