Prologue

29 0 0
                                    

"Sha, ano kaba! Antagal tagal ng walang kayo nung Chase na yon. Magpaparty lang naman tayo! 'tong gagang to! Move on move on Shanelle Gomez Asilo!." Pangangaral ng kaibigan kong si Anna na akala mong siya ang nanay ko!

Simula kasi nung araw na umalis si Chase ay nag deactivate na ako ng account. Nung araw na iniwan niya ako,inalis ko na rin siya sa buhay ko. Kinalimutan ko lahat ng mga bagay na makakapagpaalala sa kanya.

"Eh ayoko nga mag party! Bat ba namimilit ka jan?".

"Tara na kasi! Wala naman don yung ex mo. Natatakot ka bang magkita ulit kayo? Natatakot ka bang mainlove ulit sa kanya?" Tanong ni Anna na ansarap apakan ng mukha. CHAROT!

"Hayup! Iba ka mamilit ha? Gusto mo lang makita ex mo eh." Pang-aasar ko naman sa kanya, at akala mong may sasabog na bulkan nung nabanggit ko yong hate na hate niyang "ex" na akala mong pati bahay ay muntik na niyang ibigay. Mayaman ang Lola niyo sis. Hihi

"Joke lang. Sige na, sige na sasama na 'ko."

"Yes naman! Lilibre kita ng mani para may pulutan ka mamaya." Aba tong gaga na 'to! Parang hirap hirap sa buhay ah.

"Gago!

"Di ka naman mabiro Ms. Engineer." Pang-aasar niya sakin."Daanan nalang kita mamaya dito sa condo mo, wag ka ng gumala! May tatapusin lang ako sa opisina ko, saglit lang yon, sleeping beauty ka muna jan! Ikalma mo muna yang paa mo dahil mapapagod na naman yan mamaya. Sige bye na!." Sabi ni Anna na hindi na ako hinayaang magsalita at tumakbo na paalis sa condo ko na katapat lang ng condo niya. Ayos diba? Till death do us part kami ng Lola niyo mga mare. HAHAHAHA

Naligo muna ako at ginawa ang routine (skin care sis, para iwas tigidig sa face) at binisita ang Instagram ko, pero natigilan ako ng merong mag pop sa notification ko at nakita don ang pangalan ng lalaking ayoko ng makita kahit kailan.



Chase Dwayne Haskins Garcia sent you a friend request.

Loving From DistanceWhere stories live. Discover now