02

12 2 0
                                    

Napamulat ako ng may marinig akong nagkakalkal sa labas kaya bumangon ako para tignan yon.
Nakita ko si daniel na may inaayos don habang nakatopless.

   "Babe goodmorning! Ayusin ko lang tong gripo natin nasira eh kain kana. andyan na yung almusal mo " bati nito sakin kaya napaiwas ako ng tingin

Ilang beses ko nang nakikita yung katawan nya pero parang naninibago pa din ako pag nakikita ko ulit.

Hindi ko nalang sya sinagot at nagtungo na sa labas para maghilamos.

Nang matapos ko ng gawin yon nagtungo na ko sa lamesa at binuksan yung pagkain na nakatakip.

Napairap ako dahil tuyo at itlog na naman kaya inis na hinagis ko yun

  "TANGINANG PAGKAIN YAN PAULIT ULIT! AYOKO NYAN!" inis na sabi ko tsaka binato yung baso

  "Babe.. pasensya na mamaya pa kasing hapon yung sweldo ko eh.. hayaan mo uutang na muna ako sandali lang" natatarantang sabi nito

Inis na napatingin ako sa kanya " WAG NA! NAWALAN NA KO NG GANA! PUNYETANG YAN. DAPAT PALA DI NA KITA SINAMAHAN!" malakas na sigaw ko

Naiinis ako. Hindi lang dahil sa ulam na to kundi sa nabasa ko kagabi.. Pano ba naman nabuksan ko yung fb nya kagabi sa phone nya tas nakita ko may chat sila ng ex nya. Naiinis talaga ako!

Hindi sya sumagot kaya napatitig ako sa kanya
Nakatingin lang sya sakin ng malungkot

  "A-alam ko naman. Ramdam ko naman.. Sa loob ng isang taon ramdam ko.. Kaya nga ginagawa ko lahat para kahit papano.. mapanatag ako na masaya ka sa napili mo.. kaso mukhang hindi ko magawa. Hindi mo ko minahal... Alam mo bang sa bawat pagtaboy at pagtanggi mo palagi sakin Nasasaktan ako.. pero tinitiis ko kasi mahal kita eh Kinakantyawan na nga ako ng mga katrabaho ko eh.. Iwan na daw kita.. kaso sabi ko ayoko hindi kita kayang mawala eh.. kala ko kasi ganun ka din sakin.. Hindi pala. " sambit nito at tuloy tuloy na umagos yung luha sa mata nya

First time ko syang nakitang umiyak..

Lalapit sana ko sa kanya kaso bigla syang umiwas..

Mali.. Mali yung pagkakaintindi nya

  "Babe.. Hindi ganon. " mahinang sabi ko at hinawakan sya sa mukha

Hindi sya nakatingin sakin at tinanggal nya yung kamay kong nakahawak sa mukha nya. "Naiintindihan ko Ayana.. Pasok na ko" paalam nito tsaka umalis

Napabuntong hininga ako ng malalim tsaka napaupo.

Nabigla lang naman ako eh.. Nainis lang naman ako.. Nagseselos ako.. Hindi totoo yun. Mahal ko sya at masaya ako
Hindi ko lang talaga kaya iparamdam at ayun ang kinaiinis ko.

Agad kong tinawag yung bestfriend kong si shaeira para ikwento lahat

  "ANG GAGA MO PUNYETA KA!" inis na sabi nya matapos kong ikwento lahat

  "Alam ko okay? nagselos nga ako. Bat nya pa nirereplayan yun? Dapat hindi na diba?! " inis na sabi ko

  "Ewan ko sayo. suyuin mo BOYFRIEND mo gago ka wag kanang maarte. ilabas mo yung totoong nararamdaman mo. bago mahuli ang lahat" pagpapangaral nya

  "Yes mam. salamat" sagot ko tsaka binaba ang kabilang linya

Naglinis muna ako ng bahay tsaka naglaba.
Inantay ko maggabi kasi susuyuin ko na sya. Ready na ko.. Ipaparamdam ko na yung totoo kong nararamdaman para sa kanya..

Nagsaing na din ako at nagluto ng ulam may pera naman ako di ko lang ginagastos. nagluto ako ng sinigang na paborito nya
Nang matapos kong gawin yon nag antay lang ako ng oras

Lumipas ang alas siete alas otso alas nuebe. Wala pa sya.. Hanggang sa mag 11 nalang

   "Asan kana ba!" inis na bulong ko sa sarili ko 

Nag-antay pa ko ng ilang oras hanggang sa mag ala una na..

Dun palang sya dumating.

  "San ka galing?" takang tanong ko

   "Trabaho" sagot nito tsaka nilapag yung bag nya at dumiretso sa kwarto

    "Uminom ka ba?" inis na tanong ko ng maamoy ko sya pag daan nya

Pero hindi sya sumagot.

   "Kumain na tayo" aya ko

   "Kumain na ko don"

    "Babe..." Ilang na tawag ko sa kanya "Yung tungkol sa kanina.. " panimula ko

   "Yaan mo na. naintindihan ko matutulog na ko"

   "Babe.. galit ka pa ba?" Ilang na tanong ko tsaka lumapit sa tabi nya

   "Hindi. tulog na ko" sagot nito tsaka tumalikod

Napahingang malalim nalang ako tsaka pilit na ngumiti. "Okay goodnight" sambit ko at nahiga na rin sa pwesto ko

~K I N A B U K A S A N ~

Maaga akong gumising para magluto ng almusal.
Ininit ko na din yung sinigang na hindi namin nakain kagabi
Babawi ako sa kanya..

Habang nagluluto ako napansin kong gising na sya kaya nakangiti ko syang binati

  "Babe. goodmorning kain ka muna" aya ko sa kanya pero Hindi sya sumagot at kinuha yung bag nya

  "Babe?" tanong ko "pasok na ko. wag kana magluto mamaya don na ko kumakain wag mo na din ako antayin late ako makakauwi " paalam nito

Napahinto ako sa pagluluto at malungkot syang tinitigan.

  "Babe.. galit ka pa din ba? kausapin mo naman ako.. " naiiyak na sabi ko "Sorry na.. sorry na babawi na ko.. babe wag kana mang ganyan" nanginginig na sabi ko habang nakahawak sa kamay nya

Hindi sya sumagot at inalis yung kamay ko na nakahawak sa kanya "pasok na ko"

Napaupo nalang ako habang umiiyak..

Bat ang sakit.. Bat nagbago sya.. Ang sakit..

Ilang minuto kong umiyak nang umiyak hanggang sa medyo lumuwag yung dibdib ko at niligpit nalang yung mga pinagkalatan ko.

Ganun na naman ang routine.. katulad kahapon inantay ko sya pero ang tagal nya umuwi..

Alas dos na sya nakauwi ngayon at lasing na lasing..

Hindi nya ko pinansin at derederetso lang sya sa higaan.

Hindi ko na rin sya nagawang kausapin.
Inantay ko nalang sya makatulog para kahit papano matabihan ko sya..

Nang maramdaman kong tulog na sya tumabi ako sa kanya

   "Baby.. Love.. Babe? namimiss ko na yung dating ikaw balik kana.. Wag kang ganyan nasasaktan ako eh.. Mahal mo pa naman ako diba? ako pa din ? " tanong ko sa kanya habang inaayos yung hibla ng buhok nya na nakaharang sa mukha nya

Napaluha ako habang tinititigan sya..

   "Baby.. balik kana sa dati ah? Itatama ko na pangako .. " bulong ko tsaka sya hinalikan

Aalis na sana ako ng maramdaman kong pinulupot nya yung braso nya sa bewang ko at madiing inilapit sa katawan nya

Ramdam na ramdam ko yung mainit nyang hininga at ang tibok ng puso nya

Napapikit nalang ako at hinayaan ang sarili kong matulog sa tabi nya..

Sana maging maayos na kami..

MAKE IT RIGHT (ONE SHOT)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant