♥first love never dies but true love buries it alive ▬ 1.1♥

Start from the beginning
                                    

Natapos yung lunch namin ng hindi ko nakaka usap si James, pero nung pabalik na ng room sumabay na s'ya sa amin ni Alyna, may pupuntahan daw kasi si Kevin.

Habang nag lalakad kami, humiwalay sa amin si Alyna, pupunta daw s'ya saglit sa library, mauna na daw kami ni James. Pumayag na lang ako, kawawa si James, baka walang makasama pag pina una ko.

"Pretty girl!" bumulong sa akin si James. 

"Ha? Pretty girl? Sino?" sino ba kasi ang tinutukoy nito eh. 

"Ikaw, pretty girl." OMG a--ako daw??? SH*T 

"Pretty girl? Naman?" 

"Bakit? ayaw mo?" 

"Ha? Ano.. Hindi naman sa ga--" 

"Gusto naman pala eh"

ok, pinutol nya yung sinasabi ko. -.-"

"Pretty girl pala muna itatawag ko sa'yo, friends naman tayo diba?"

tapos nag wink s'ya. 

"Ah ganun? Sige. Pero para QUITS Pretty boy muna itatawag ko sa'yo" 

"Hahaha. Gwapo pala ako para sa'yo." 

"Maganda kasi tingin mo sa akin eh. :)"

When I looked at him I smiled tapos naka smile din s'ya. Mukhang magiging friends talaga kami nito.

After ng conversation na yun, we headed to our room. Pagtingin ko sa loob ng classroom, andun na si Alyna, naunahan pa kami? Grabe, ang bagal pala naming maglakad.

Nung makapasok na kami, may biglang nag salita na kaklase namin.

"Airiza ha, first day palang ni James talagang getting close na kayo, baka mamaya in a relationship na ulit ang status mo."

aba? nilagyan ng malisya ang pagiging friendly ko? 

"Angeline, hanggang friends lang kami ni James"

I looked at James then he nodded.

"And well, I'm not yet interested in having a relationship again, mahirap masaktan."

I smiled on my classmate then walked towards my seat.

Hindi nagtagal, nagstart na rin yung subject after lunch. Hindi ko masyadong kinausap si James, naka concentrate lang kasi ako sa discussion. Later on, hindi ko na napansin ang oras, 3:45 na pala, 4:00 ang uwian namin, 15 minutes left! Mukha namang walang assignment kaya pwede akong mag internet.

Right after 10 minutes nag ring na yung bell. Nakita kong umalis na si James, he seems like he's in hurry. Well, I'm already arranging my things nang lumapit sa akin si Alyna.

"Airi, mauna na ako ha? iniintay na ako ni mama sa may gate eh, may pupuntahan pa kasi kami." 

"Ah, ganun ba? Hm, sige, I can handle to go home alone naman." then I smiled. 

"Great, so I have to hurry na, kilala mo naman si mama, ayaw na pinag iintay s'ya. Annyong BF!"

then she waved good bye and I waved back.

Mag isa akong bumaba ng building namin. Nang makarating na ako sa may gate may nakita akong lalaki na parang may iniintay. Parang si....

"Pretty girl!" 

...ok, si James nga. (^^) 

"James? Ya! Ano pang ginagawa mo dito? Akala ko kanina ka pang umalis." 

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Eh di iniintay ka, kita ko kasi si Alyna na umuna na, mukhang wala kang kasabay pag uwi kaya sasamahan na kita na lang kita, wala din naman akong ibang kasabay." 

"Duh?! You don't even know my house, pano mo ako masasamahan?" 

"Paano kung sabihin ko sa'yo na alam ko?"

kakakilala n'ya lang sa akin tapos sasabihin n'ya alam n'ya ang bahay ko? i don't believe! 

"As if..." 

"Ayaw mong maniwala ha. Di ba sa Althea Village ka nakatira, sa may Shine Street?" omo, how did he know that? I believe we just met now. 

"Ya! Pano mo nalaman yun? Stalker ka no?!" 

"Feeling mo naman!!!" 

"Tsss.." 

"So ano? Tara na, baka gabihin tayo pareho."

ano pa bang magagawa ko, kelangan ko din naman ng kasama. 

"Sige na nga, tara na"

Iba din 'tong si James, parang ang tagal na naming mag kakilala kung kumilos. Kung sa bagay,ganun din naman ako, siguro friendly lang talaga kami.

While we were walking, s'ya na yung nagstart ng conversation.

"Pretty girl! Ano nga ulit ang tunay na panagalan mo?"

hala. Tss... Ayan kasi Pretty girl pa ang tawag sa akin kaya nalimutan na ang tunay kong name.

"Naku nakalimutan na agad, hm, i'm Ariza Yuri."

with matching smile!

Then nag smile din s'ya. Ang cute n'ya talagang mag smile! The best smile ever!

"Hm, na realize ko na masyadong mahaba kapag Pretty girl ang tawag ko sa'yo kaya Airiza na lang ang itatawag ko ha?"

as if I care kung anuman ang itawag nya, basta ba hindi nakaka offend eh, aish.

"Buti naman narealize mo ano? Kung bakit kasi pretty girl ang gusto mong itawag sa akin eh."

haay naku! 

"Ang ganda mo kasi!!"

WHAAAAAAAT! ako daw maganda sa paningin n'ya?!!omo! i'm so flattered!!! Para yatang nag bblush na ako. Shocks!

"Hoy Airiza! Naniwala ka naman?" 

"HA?!"

hala. bakit nga ba agad akong naniwala! i'm so I.D.I.O.T.!! 

"HAHAHA! Ang dali mo palang mapaniwala!" 

"Ano? H-Hindi kaya!" AMP naman oh. 

"Naman? Halatang paniwala ka! Tingnan mo nag bblush ka!"

bigla kong tinakpan ang face ko. 

"As if! Kung EX ko ang mag sasabi n'yan baka maflatter ako"

wait? did i just mention my EX??!! Uh ttoh ke?? 

"Ex? Nag ka boyfriend ka na?"

what a stupid question! 

"Whatever! Please, kunwari wala ka na lang narinig ha? I don't wanna remember him anymore." 

"Ha? Bakit naman?"

you don't care James! 

"Stop asking questions, basta ayoko!"

tapos napansin ko na nasa tapat na kami ng bahay ko.

"Hm, andito na pala tayo sa tapat ng bahay ko. Sige, salamat sa pag hatid, bye."

papasok na sana ako ng gate kaso naalala ko na baka malayo ang bahay ni James, ipapahatid ko na s'ya sa driver namin, nakakahiya kasi eh. 

"James, saan ang bahay n'yo? Ipapahatid na kita sa driver namin para hindi ka mag isa."

then nag smile ako. 

"Naku, wag na, magpapahatid pa ba ako kung yan lang ang bahay ko?"

tinuro n'ya yung bagong gawang bahay sa tapat ng bahay namin. 

"Y-yan ang b-bahay n'yo??!" OMO!

----------------------------------------♥♥♥♥♥♥♥♥♥---------------------------------

♥first love never dies but true love buries it alive♥ (on hold)Where stories live. Discover now