"Yes?" I awkwardly answered. Si Vincent ang tumawag.

"Oh my god! May himala ba sa islang 'to? Is that really you?" Pola hysterically said. Dinig ko pa ang bulungan ng iba.

I just shrugged my shoulder. "Can I eat now?" Tanong ko sa kanila.

Hindi ko na sila hinintay sumagot dahil nagsimula na akong kumain. Ramdam ko ang paninitig sa 'kin ng dalawa ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

"Anong nangyari sa'yo? Kaya ba ang tagal mong lumabas dahil naghanda ka? Anong mayroon?" I heard Rafa asked.

"I... uh... just tried the clothes that Yerim bought for me yesterday. Sayang naman kung hindi ko gagamitin," paiwas na sagot ko sa kanya.

"Really, huh? Who are you trying to impress here?" Bulong sa 'kin ni Yerim kaya muntik na akong mabilaukan.

Rafa handed me a glass of water immediately habang naririnig ko ang paghalakhak ni Yerim. Napairap na lamang ako sa naging asal niya.

I'm not trying to impress anyone. Noong hindi ko sinusunod ang sinasabi niya, panay ang reklamo niya. Ngayon namang sinunod ko ay heto siya't malakas mang-asar.

The dinner went smoothly. We had an urgent short meeting regarding sa task na gagawin namin habang narito kami sa isla which is magpahinga at kumuha ng bagong inspirasyon para sa bagong ilalabas na libro. Nang matapos iyon ay naghiwa-hiwalay na kami. Ang iba ay nagdesisyong mag night swimming habang ang iba ay nagsimula nang mag inom at gumawa ng bonfire.

"You can take this. Hindi naman ito hard drink," pagpupumilit sa 'kin ni Yerim habang inaabot ang isang bote ng beer.

"You know I don't drink—"

"Just for tonight, c'mon! We're adults, Rae. Wala namang masama sa pag-iinom unless you won't take it responsibly," she insisted.

Lumingon ako kay Rafa na abala sa pagpapaapoy ng bonfire namin upang humingi ng tulong.

"Just one drink, pag ayaw mo talaga, edi huwag ka nang uminom," kibit-balikat nitong sinabi sa 'kin kaya wala na nga akong nagawa.

"Anyway, remember the guy in front of you sa eroplano? I saw him earlier. Taga rito ba 'yon?" Yerim asked.

Napalagok ako ng beer dahil sa gulat ko. Napangiwi ako nang gumuhit iyon sa lalamunan ko at muntik pa akong maduwal dahil sa lasa non. Buti na lang ay napigilan ko kundi ay sasabog lahat ng kinain ko sa harapan nilang dalawa.

"Who is it?" Rafa asked.

"The guy from the airplane. Kasabay natin kanina, I saw him sa resto. Bigla nga lang nawala. Weird, but I always caught him staring at Rae," Yerim answered kaya natawa ako.

"Guni-guni mo lang 'yon," tanggi ko sa sinabi niya.

Bakit naman ako titingnan ng gagong 'yon, e hindi naman kami magkakilala.

"Uh... maybe, but, nevermind. Let's just have a drink. Cheers!" She yelled.

We drink for an hour. I can't say if I'm already drunk but I can't feel my legs anymore. Para itong biglang namanhid na ewan kaya nagdesisyon akong tumayo para maglakad-lakad.

"Whoa!" I hissed.

"Careful, bitch! You're drunk!" Yerim yelled, I just laugh at her.

"I'm not," I simply answered to her then went on my way while still holding a bottle of beer.

Hindi ko alam kung nakailang bote na ako. Alam ko pa ang ginagawa ko at nangyayari sa paligid ko pero ramdam kong pagewang-gewang na ang lakad ko. I can't still feel my legs. Where are they?!

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDWhere stories live. Discover now