Agad akong napalingon sa kanya ng seryoso siyang magsalita, "bunso, kung anuman malalaman mo mamaya," paninimula niya saka lumingon sa akin kaya nagkasalubong ang tingin namin. "Sana intindihin at hindi ka muna magsasalita at magagalit," dagdag pa niya saka siya lumapit sa akin at inakbayan ako, "sana hayaan mong maipaliwanag nila ang lahat, sana hindi magbago ang tingin mo sa ating pamilya, sa mga Tito, Ninong, Lolo natin pati Kay Daddy," lumungkot ang boses ni Kuya Carlo ng mabanggit si Daddy, ramdam na ramdam ko rin ang kalungkutan niya. "Alam mong simulat sapol kung ano ang sakit niya, alam din ni Mommy at napaliwanag din niya sa atin iyon. Kaya sana makinig ka muna, at sana hindi karin magbago sa akin kapag nalaman mo ang buong katotohanan, bunso," hindi ako nakaimik sa huling sinabi ni Kuya Carlo, naguluhan ako kaya agad akong nagsalita.

"Anong ibig mong sabihin, Kuya?"

"Marami kang dapat malaman bunso," sagot niya agad saka bumuntong hininga, "tungkol sa akin at sa pagkatao mo," mas lalong lumungkot ang tono ng boses ni Kuya Carlo. "Basta lagi mong tatandaan, andito ako palagi sa tabi mo, bilang Kuya Carlo mo na mahal na mahal ka kahit anong mangyari," dagdag pa niya saka ako pinaharap sa kanya at napatingin ng diretso sa kanyang mga mata, kitang-kita n dalawang mata ko ang brown color ng mga mata niya. Kahit medyo madilim nasa kinauupuan namin, kitang-kita ko parin ang malungkot niyang mukha, "ako parin ang kuya Carlo mo na handa kang protektahan dahil kapatid kita."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Kuya dahil agad niya akong niyakap. Lumipas pa ang ilang minuto namin pagyayakapan na walang nagsasalita bago kami napalingon ng sabay sa nagsalita.

"Nandito lang pala kayo," tinig ng taong bagong labas mula sa pintuan ng building at naglabas ng sigarilyo saka sinindihan, hindi ito naninigarilyo madalas, gumagamit lang ito ng sigarilyo kapag stress siya at maraming problema, "kanina ko pa kayo hinahanap kasi tumawag na si Mama at pinapauwi na tayo," dagdag pa niya. Nakasandal ito ngayon sa dingding at seryosong nakatanaw sa kabuan ng Syudad dito sa Batanggas, ang hot niya tignan ngayon sa suot niyang black jeans, and white shirt. May itim ding hikaw sa kabilang tenga niya. Saka nagpatuloy sa pagsasalita ay inapakan pa ang sigarilyo saka pinatay, "bumaba na kayo para makasabay na kayo sa akin at uuwi na tayo sa bahay," huling kataga niya bago pumasok at iniwan kami ni Kuya Carlo.

Nagkatinginan kami ni Kuya saka tumayo narin at tinungon ang pintuan pababa at tinahak ang daan papuntang parking lot. Pagkarating namin sa kotse ay naabutan namin si Kuya Axel na doon na kasama si Tito Michael sa sasakyan. Nasa Passenger seat si Tito Michael habang si Tito Axel ang magmamaneho.

Agad na kaming pumasok ni Kuya Carlo sa likod ng walang imikan. Pinaandar na ni Tito Axel ang sasakyan saka namin iniwan ang hospital. Nakakabinging katahimikan ang nasa loob ng kotse, hindi ako sanay sa ganitong set up pero hindi na ako nagsalita dahil ayokong magkaroon pa ng problema.

Naramdaman ko na lamang nakahawak si Kuya Carlo sa kamay ko. Nanginginig siya kaya agad akong napatingin sa kanya, nagtataka ako ng makita ko ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga mata, "Kuya?"

Nagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi siya umimik, nakahawak lang siya ng mahigpit sa kamay ko at patuloy na umiiyak, "bakit Kuya? Anong problema?"

Nag-aalala na ako sa inaasal niya, hindi ganito ang Kuya Carlo na kilala ko, hindi ganito ka-vulnerable ang Kuya Carlo na ini-idolo ko. Magsasalita na sana siya ng marinig namin magsalita si Tito Axel.

"Nagugutom na ba kayo?" Napatingin kaming dalawa ni Kuya Carlo sa kanya at naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak ni Kuya Carlo sa kamay ko. Simula pa sa rooftop kanina ay kakaiba na ang awrang pinapakita ni Kuya Carlo sa twing nakikita niya si Tito Axel. Parang may mali, ramdam na ramdam ko.

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now