I wanted to ask her why she didn't like men but my mouth just remained silent.

"Hale! Yen! Nag-aaway na naman kayo kakakita niyo lang ulit! Kayong mga bata talaga kayo." Lumapit sa amin si Nanay Sefa.

"She started it," mariing sambit ni Hale.

"I'm sorry, Hale. I'm sorry, 'nay."

"Jusmiyo. Kumain na kayo. Ipaghahanda ko kayo," ani Nanay Sefa.

"No, thanks. I just want to rest." Tinalikuran na kami ni Hale kaya napabuga ako ng hangin.

"Bakit kayo nag-away?" tanong ni Nanay Sefa.

"It was my fault, 'nay. Hindi ko kasi sinunod ang gusto niya," sambit ko. 

"Paano naman ang gusto mo, anak?"

Natahimik ako. Namuo ang mga luha sa mata ko. Sa buong buhay ko ay puro gusto lang ni Hale ang sinusunod ko dahil gusto ko siyang pasayahin kasi kapatid ko siya... at dahil mas matanda ako, ako na lang ang umiintindi.

"Magpapahinga na po ako," iyon na lamang ang sinabi ko at umakyat na sa kwarto.

Tinignan ko ang phone ko at nakita ko ang bagong post ni Mommy sa Instagram. Bumagsak ang luha ko nang makita ang caption na "Family" with heart emoji... pero ang nasa litrato ay si Hale, si Mom at si Dad lang.

Napahawak ako sa puso ko. Ang bigat. Ang sakit.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at humagulgol. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ako gusto ni Mommy. I am her first daughter but she only sees my sister.

Paggising ko ay nakita kong kumakain si Daddy at Hale. Nagtatawanan sila at mukhang masaya si Dad na nakauwi na si Hale.

"Oh, Yen. Come here, honey. Let's eat," tawag sa akin ni Dad kaya tumango ako at ngumiti.

Pagpunta ko ay natahimik si Hale. Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.

"Dad, why don't you teach her a lesson? Nagdala ng lalaki 'yan kagabi rito." Napalunok ako dahil sa sinabi ni Hale.

I bit my lower lip. Natigilan si Daddy at tumingin sa akin. "I-I'm sorry, Dad..."

Gusto ko na lang humingi ng tawad sa lahat kahit hindi ako sigurado kung mali nga ba talaga ako. Ayoko lang na may nagagalit sa akin. Ang bigat sa dibdib.

"Is that true, Yen?" mahinahong tanong ni Daddy.

Saglit kong itinikom ang bibig ko at dahan-dahang tumango.

"See?" si Hale.

"And what was your reason, Yen?" tanong ni Dad pagkatapos niyang uminom ng tsaa.

"Tinatanong pa ba 'yan, Dad? Syempre maland—"

"You are in front of your father, Chayanne! Watch your words!" tumaas ang boses ni Daddy kaya natahimik si Hale.

Napayuko na lang ako. This is all my fault. Hindi ko dapat hinayaang makapunta si Mr. Damian dito.

"What was your reason, Yen? Tell me. You're already at the right age so if you had feelings for him, I won't stop you." Umangat ang tingin ko kay Dad.

F-feelings?

"Dad, wala po akong nararamdaman sa kanya," mabilis kong sambit. "Hindi ko alam na pupunta siya rito. Bigla ko na lang siyang nakita na nakatayo sa harap ng mansyon."

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang masamang tingin ni Hale. Tumango-tango si Daddy at tumayo.

"Then it wasn't your fault. I have to go. Finish your breakfast." Lumapit sa akin si Daddy at hinalikan ako sa pisngi at ganoon din kay Hale bago siya umalis.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now