Ang mukhang pera naman inilahad agad ang palad sa akin saka kinuha ang pera. Naku! Dito ako naiinis kay mama, bilugan na nga, mukha pang pera.

"Tara na para mabilisan na tayo." tumayo na siya sa pagkakaupo at dumiretso sa loob ng kwarto ng bahay. Alam ko na ano kukunin niya, magsusuot pala.

"Ma, gabing gabi nakajacket ka. Takot na takot ka namang umitim." puna ko sa kaniya na balot na balot ang katawan.

"Ayaw kong umitim 'no! Sayang kutis ng angkan namin, sa akin ka kaya nag mana." pagmamayabang niya sa akin at nauna nang lumabas ng bahay at sinusian ang mio namin.

"Arte arte mong ayaw umitim eh tinatago mo nga singit mo. Hindi naman naaarawan pero makulimlim." binatukan pa ako ng putragis.

Mio pa lang ang napupundar namin na sasakyan dahil taghirap ang buhay ng lola niyo. Kahit na college graduate na ako wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Huwag kayong maniwala na kapag naka graduate na kayo, may trabaho agad kayong makukuha.

Kadalasan kasi ay kailangan nila ng two to three years na job experience para sa gaya kong nangangarap maging isang chef na nagmamay-ari ng isang malaking restawrant!

Basta ayan ang ambisyon ko sa buhay.

"Sasakay na ako ah." tumango si mama habang nakasuot ng helmet.

Nagsimula na siyang magpatakbo ng mio namin hanggang sa makarating kami sa isang lugar na malayo sa town proper. Halos mga puno na ang dinadaanan namin, isa sa mga dahilan bakit ayaw akong hatid ni mama.

Sadyang matatakutin lang siya sa mga multong 'yan, ako nga hindi pa nakakakita kaya hindi ako takot at sigurado akong kahit makakita ako ay kahit na magshot pa kaming dalawa.

Sino hinamon niya? Ako ba? Sa ganda kong ito.

"Dito na ako, ma." sabi ko nang matapat kami sa isang malaking building ng hospital. Naramdaman kong nanginginig siya sa takot kaya ginulat ko ang kike.

"Ano ba naman 'yan! Sa susunod hindi na kita ihahatid dito."

"Bahala ka maraming mumu riyan. Awoohhh." panakot ko sa kaniya kaya nagmamadali siyang nagpatako ng mio namin. Hahaha, such a pain in ass. Tiningala ko muna ang building at kapansin pansin na kakalubog lang ng araw.

Madilim na sa kalangitan at tanging pagkaluskos ng dahon sa paligid ang iyong maririnig. Umihip ang isang malamig at malumanay na hangin kaya napayakap aoo sa akinh sarili.

I walked through the entrance of the building and smiled at the guard, ngumiti naman ng pabalik si Manong sa akin.

"Nahuli ka ata ngayon, Sir?" tanong ni kuya Dani.

"Ah, oo ng po, kuya, eh. Wala si papa kaya si mama ang naghatid sa akin dito." tumango siya at kinuha ang logbook kung saan kami pumipirma bago pumasok sa loob.

"Salamat."

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng hospital, sa front desk ay isang babaeng nurse na nakasuot ng uniporme nila. Kahit na hindi naman ako nurse ay naka pang nurse pa rin akong attire.

"Linda! Kamusta mga ward?" tanong ko at nangalumbaba sa harapan ng lamesa. May tinitipa siya sa harapan ng kaniyang computer.

"Ayos naman, nagwala nga lang kanina, may napanaginipan daw." tugon ni Linda sa aking tanong.

"Tinanong niyo ba? Sabi ni Doc importante raw i-check ang kalagayan ng bawat pasyente, especially their mental health para umayos ang lagay nila." tanong ko pa sa kaniya.

Pumasok na ako sa front desk at naupo muna sa gilid niya para makipagchikahan. Sa totoo lang ay time ko na pero mukhang may nagwaward pa kaya mamaya maya na lang ako mag-iikot.

Fontabella 4: Taking The RisksWhere stories live. Discover now