''Nah. I'm fine.'' I shrugged. I have enough money. Besides, he'll pay me. I'm sure he would pay me a lot. ''Just send me the payment. Lakihan mo ang bayad, a?''

Tumawa siya. I'm joking but I'm sure he really would pay me a lot. Ayos na rin para sa una kong commission. Iniisip ko pa lang na magkakapera ako dahil pinaghirapan ko, natutuwa na 'ko kaagad.

Nilipat niya ang tingin sa labas at biglang nagbago ang ekspresiyon niya. Tila nalilibang na siya ngayon. ''Ano? Tapos ka na?!'' sigaw niya at ginamit ang tinidor na hawak para ituro-turo 'yon. ''Hindi gan'yan ang paglilinis, boy! Kung hindi mo 'yan gagawin nang tama, hindi ka matatapos! Astang-asta na anak mayaman, naknamputa! Magsisibak ka pa ng kahoy, oy! 'Wag kang pabagal-bagal! Ginusto mo 'yan!''

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa pagta-trashtalk niya. Lumingon ako sa likod upang tignan kung bakit ganoon at sino ang pinagsasalitaan niya. 

From what I could remember, he's kind to our helpers! This is new!

Halos matuyo ang lalamunan ko nang makita kung sino ang sinisigawan niya. The light of the scorching sun is too bright yet I could clearly see him. 

Jarrell is right across of me, with no top on, wearing only a dusty white denim jumper pants, with his newly cut hair! I almost drooled when his chest caught my eyes. Hindi naman ako mahilig sa abs, pero bakit parang ang sarap hawakan ng kan'ya? Kumikinang din ang nagpapawis niyang balat!

Pero.. bakit may hawak siyang pala bilang pang-linis? Wala namang huhukayin!

Punyeta!

Nahinto lamang ang pagtitig ko sa kan'ya nang binato siya ni Kuya Ismael ng puting t-shirt. Mukha siyang galit!

''Suotin mo nga 'yan! Sinusubukan mo pang akitin ang kapatid ko, e!'' Sinubukan niyang hampasin si Jarrell pero lumayo lang 'yon sa kan'ya. Jarrell then looked at me and gave me a smile. 

Bumilis ang tibok ng puso ko kaya kaagad akong napatayo at lumapit sa kan'ya. 

''Ba't ka nandito?!'' tanong ko, halos nakasigaw.

''I'm visiting you,'' he answered, smirking.

''Visiting amputa,'' sabat ni Kuya Ismael, nakapamewang. ''Ano ka, bata?''

''Kuya.''

Umirap siya at may kung ano-anong binulong. Si Jarrell naman ay tinapunan siya ng tingin na para bang nang-aasar. Inambahan tuloy siyang sasapakin ni Kuya.

''Palayasin kaya kita dito?'' sabi niya, nanghahamon. ''Ginagago mo ba 'ko?''

''Hindi, Kuya,'' sagot naman ni Jarrell, sarcastic. Umigting ang panga ng kapatid ko't aamba na naman sana kung hindi ko lang pinigilan.

''Hep! Hep! Magsitigil nga kayo!''

Napapikit ako nang madiin at malalim na bumuntong-hininga. Hinila ko ang braso ni Jarrell para makausap siya nang mag-isa, 'yong walang abala at palasabat! Baka mamaya, magsapakan lang sila ni Kuya! Wala pa namang aawat dahil walang pakialam si Kuya Roman!

Besides, kailangan kong malaman kung bakit siya nandito at bakit siya naglilinis ng garden! For someone who's rich, it is so unlikely! For someone who has no reason at all, this is unsual! Lalo na sa personality ni Jarrell?

Oh God.

''Saan kayo pupunta?!'' sigaw ni Kuya.

Hindi ko na 'yon sinagot at mas pinag-igi na lamang ang paghila kay Jarrell papunta sa likod ng bahay. Hearing that he's here irritated me already, but to see him myself?! Ayoko na lang mag-isip pa. I don't want him here! Not in my territory!

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora