"Sorry hindi na mauulit" habang umaatras ay sinasabi nya ito ngunit ng maramdaman nyang wala na syang ma atrasan ay napaupo sya sa sofa at aalis sana sya ng biglang hinarang ni Yohanne ang braso nya magkabila kay Elisse.

"ilang beses ko bang sabihin sayo hindi kita kadugo at hindi kita kapatid?" mahinahon nitong sabi pero titig na titig pa rin ito kay Elisse napaiwas naman ng tingin si Elisse dahil hindi na nakayanan ang titig ni Yohanne

"sorry hindi na talaga mauulit" mahinahong sabi nito habang nakayuko

"you're so annoying alam mo ba yun?" sabi ulit ni Yohanne at saka naman napatingin si Elisse sa kanya

"nakakairita kapag tinatawag mo akong kuya sarap mong palayasin!" sigaw na nito saka naman napatingin sa kanya si Elisse na para na itong maiiyak

"so-sorry gusto ko lang naman na-" hindi nya na ito natuloy dahil biglang pumatak ang luha nya saka nya naman ito pinahid kaagad

"know your limit Elisse dahil baka ngayon din nasa probinsya kana" saka ito tumayo at papunta na sana sa pinto ng magsalita ulit si Elisse

"sige aalis ako sorry sa mga istorbo ko Yohanne hindi na ako ulit mangungulit at kung sakali man na ipapahanap ulit ako ni Sir Albert sabihin mo wag na syang mag aksaya ng oras sa akin pasabi salamat na din sa lahat lahat salamat din sayo" saka ito pumasok sa kwarto para kunin ang mga gamit. Ngunit habang nag aayos ng gamit si Elisse ay pumasok si Yohanne sa kwarto kaya naman nagulat si Elisse

"Nasa labas si dad" mahina nitong sabi pero parang kinakabahan

"mabuti naman tamang tama magpapaalam na ako sa kanya" akmang lalabas na sana siya ng kwarto ngunit hinawakan sya ni Yohanne sa braso.

"Iwan mo ng gamit mo hindi naman kasi  kita pinapaalis eh masyado ka namang madrama sa buhay" sabi nito kay Elisse

"pero diba ayaw mo akong kasama dito? mas gusto mo pa ngang umalis ako" saka naman sya napayuko

"Kailan ko yun sinabi?" taka namang napatingin si Elisse kay Yohanne sinabi niya kaya yun.

"naku naman Yohanne takot ka lang kay Sir Albert kaya ka ganyan, kapag umalis na sya alam kung papaalisin muna naman ako dito" pang aasar nito kay Yohanne pero medyo lumapit ito ng kunti

"Pero Yohanne sure ka ba? na hindi mo ako paaalisin?" naghihintay lang ito ng sagot ni Yohanne habang si Yohanne ay titig na titig pa rin sa kanya.

"depende pero lumabas ka na hinihintay ka ni dad" walang ganang sagot nito. Saka naman lumabas si Elisse patungo sa sala na kung saan nandoon si Sir Albert

"Sir Albert" masayang pagbungad pa lamang ni Elisse

"i told you don't call me sir hindi ka na iba sa akin" sabi naman nito kay Elisse na umupo naman agad sa tabi niya masyado ng close si Elisse sa kanya kaya naman aakalain na talagang para na silang mag ama

"Ang tagal mong lumabas" wika ulit ni Sir Albert. Saka naman lumabas ng kwarto si Yohanne galing sa kwarto ni Elisse at mukha na itong nagmamadali.

"Kailangan ko ng umalis dad tinatawagan na ako ng PA ko masyado na akong late" nagmamadali itong lumabas na hindi man lang tumingin kay Elisse

Kinumusta lamang si Elisse ni Sir Albert at napansin din nito ang nagkalat na buko salad lilinisin sana ito ni Elisse ngunit nagpatawag na lang si Sir Albert ng maglilinis doon atska siya isinama para sa pamamasyal pumunta sila sa mall para bumili ng mga damit ni Elisse hindi na nga sana sya nagpabili ngunit si Sir Albert lang ang pumilit sa kanya pumunta din sila sa grocery ito lang ang gusto ni Elisse dahil wala man lang kalaman laman ang ref ni Yohanne. Dumating ang dapit hapon ay mag isa na lang si Elisse na uuwi dahil merong emergency na gawain si Sir Albert kaya nagpaiwan na lang sya, kaya nya naman daw ang mag uwi mag isa papunta sa condo ni Yohanne.

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now