Chapter 3: The Sex Slave

Kisha's POV

Isang linggo na siyang nakatira sa bahay ko at isang linggo na din niya akong pinahihirapan! Sobrang kalat niya! Ang likot pang matulog! Yung  tipong bigla na lang may lalagabag yun pala nahulog na siya sa hinihigaan niya! Argggh! 

Buti na lang at ilang araw na siyang hindi nagpapakita sakin, buti naman na ganun, pero sa tuwing uuwi ako sa bahay na wala siya parang ramdam na ramdam ko na na mag-isa na talaga ako, pero dati wala akong pakealam kung mag-isa ako, nung dumating siya nasanay na din ako na may kasama. Tss...

Naglalakad na ako ngayon pauwi, medyo gabi na kasi kaletchehan nung teacher namin hindi ako pinauwi at pinilit ipatapos sakin yung papers na dapat sa isang linggo pa naman kasi parusa daw kasi nalate ako! Bwisit talaga! -__-

Sobrang dilim pa naman tapos magkakalayo payung poste ng ilaw...

Biglang umihip ang hangin...

Pakiramdam ko may sumusunod sakin?

Lumingon ako sa likod...

Wala naman...guni-guni lang siguro...

Lumakad na ako ng mas mabilis pero parang meron talaga eh kaya lumingon ulit ako...

Wala din...

Binilisan ko pang maglakad hanggang sa maging takbo na hanggang sa may nakabangga ako...

"S-Sorry po hindi ko sinasadya may------" tiningnan ko ang lalakeng nakabangga ko at bigla akong nakaramdam ng matinding takot...

Nananaginip lang ba ako?

"Hahaha! Hindi ka nananaginip magandang binibini, ito na ang huli mong gabi dahil gagawin na kitang hapunan" hindi ko alam ang gagawin ko, totoo nga siya, at nababasa niya ang iniisip ko, ang hahaba ng pangil niya at handa na siya para kagatin ako, natatakot na ako...

Gusto ko mang magpumiglas pero ang higpit ng hawak niya sa akin at ang pula ng mata niya, nakatingin siya sa aking mata na para bang tagusan ito hanggang sa aking kaluluwa...

Wala na akong nagawa, parang unti-unting nauubusan ako ng lakas...

Lumapit pa siya sa akin at ibinaba ang mukha niya papunta sa leeg ko...

Inantay ko ang masakit niyang kagat pero wala. Anyare? Ready na ako eh! XD Pero joke lang! Ayoko pa mamatay!

Pero nagulat ako sa nakita ko, isang napakagwapong lalake na puno ng dugo ang kamay, binutas niya ang dibdib ng bampira at kitang-kita ko kung paano niya ito hinugot muli kasama ang puso ng bampira, itinapon niya lang ito at dinilaan niya ang kamay niyang nabahiran ng dugo...

Dahil doon ay lumabas ang kanyang pangil...

Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil medyo nakatalikod siya sakin...

Kinakabahan ako kasi pamilyar ang lalakeng ito...

T-Teka...S-Si...a-ano...Si ano ito eh!

Lumapit siya sa akin na may mga ngiti sa kanyang mga labi...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!