Sixteen ♥ - Not okay

Magsimula sa umpisa
                                    

Di ko na siya pinatapos kasi lumangoy na ako papunta kay Shay at inalalayan siya. Umuubo ubo pa siya. Dinala ko na siya doon sa surface. Nanghina siya. Sumusuka sya ng tubig tas namumutla siya. I feel guilty. :/

"Uy Shay! Ok ka lang?" -Ako

Sinasampal sampal ko siya pero mahina lang syempre.

"S-sa tingin mo ok lang ako? Ha?" -Shay

"Um....hindi pero gising ka na eh. Sorry ah." -Ako

Napalip bite ako sa hiya.

"Tss...kaya ko na sarili ko." -Shay

Tumayo siya pero patumba tumba pa pero nagwalk out na siya. ANO BA YAN VINIEL! IKAW NANAMAN MAY KASALANAN EH. Lumapit sakin si Colette.

"Viniel, hindi lahat ng bagay, biro." -Colette

Tumango lang ako atsaka kumuha ng towel.

"Oh bro? Di ka na magswswimming?" -Lance

"Di na. Kayo na lang. Happy birthday ulit Lewis." -Ako

"Ge." -Lewis

Sya nga pala. Kasabay ni Lewis sila Luke at Maru sa kiddie pool. Astig noh? HAHA.

RACHELLE'SPOV

Hinahawak ko yung leeg ko at umubo ulit. Isang galon ata ng tubig nainom ko. Tss kase yung Viniel na yon. Akala nya lahat sa kanya biro. -___________- Di pa siguro talaga nagbabago yon.

*tok tok tok*

"Oy pasok." -Ako

Pumasok si Hailey. Hayyysss salamat.

"Hi Hailey." -Ako

"Hello. O kumusta ka na?" -Hailey

"Yes. Ok ok na naman din." -Ako

"Good. Pag pasensyahan mo na si kuya ah. Ganon lang talaga yon pero mabait yon." -Hailey

"Eh kasi naman. Ganyan lahat sinasabe niyo. Ganyan pero mabait. Di niya naman pinapakita. paano ako mababaitan sa kanya?" -Ako

"Try nyo wag magaway kahit isang araw lang pls." -Hailey

"Nako. Mukhang malabo ata yan. Araw araw kami nagbubunganga ng kuya mo." -Ako

"Try mo lang naman. Hindi naman imposible yan eh. Just try." -Hailey

Nagisip muna ako. Ano? Magpakabait ako kay tukmol at pahabain pa ang patience ko? Isa lang naman eh.

"O sige. Pero pag ganyan parin pinakita niyang ugali sakin, nako, hindi na talaga kami magkakasundo ng matino niyan." -Ako

"Ok deal. Sige goodnight." -Hailey

"Goodnight." -Ako

Tas lumabas na siya ng kuwarto ko. Sige. Try ko yang deal mo Hailey.

-NEXT DAY-

Bumangon na ako sa kama ko pero nakapikit pa mga mata ko. Nagyawn ako at nagstretch saka bumangon sa kama pero parang may nalaglag. Pagtingen ko, isang pink box. May sulat ito sa ibabaw.

Hi, I just wanna say sorry. Di ko naman alam na totoo yon eh. Sorry talaga. Goodmorning pala. 43. -Viniel

Napasmile narin ako doon. Kahit ganon din yung mokong na yon, naguguilty rin pala. Binuksan ko yung box. Maliit na teddy bear. ANG KYUT. :'''''> Tapos sa tiyan niya may nakasulat na PRESS ME. Pinress ko yung tiyan tas biglang nagsalita ng I'M SORRY. Hahaha aww. :)))))))) O'sya babangon na nga ko. Dinisplay ko yung teddy bear at tinabi ko yung box at sulat baka sabihin, sinasayang ko.

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon