A guy who is not even worth of attention? It was disappointing.

''Sorry talaga, Lucy. Hindi ko na gusto si Javier! Gago pala 'yon kasi!'' she threw a tantrums. ''Nakakainis! Noong nag-date kami na siya ang nag-aya, ako ang pinagbayad sa lahat! Kahit 'yung pang-gas sa sasakyan niya, ako ang pinagbayad! Leche! Hindi manlang humati!''

Napatawa kami ni Bea. All in all, it was a fun lunch. Not until it ended and I realized that Jarrell was waiting for me. Hindi ko tuloy alam kung pupunta ako o hindi. I'm torn because what if he hasn't eaten yet? Pa'no kung naghintay nga siya? Baka ako pa ang sisihin niya. 

''Bea, uhh, pwedeng sumaglit tayo sa Cafe San Vicente?'' nag-aalinlangan kong tanong nang nasa gitna na kami ng falcon bridge. Nakikita ko na ang Cafe mula rito ngunit iba pa rin kung nasa loob. We still have enough time for the next class, anyway.

Ayokong pumunta ro'n, pero gusto ko lang talaga makita kung nando'n pa siya. Kung wala, edi mabuti.

''Huh? Gutom ka pa?'' tanong niya, nagtataka.

''Hind-''

''Ay, sige! Boring pala klase ngayon sa poldynamics, bibili na lang ako nang makakain.'' Humagikhik siya at inunahan akong maglakad.

Kabado akong sumunod sa kan'ya. Kung nando'n pa rin siya, at maabutan niyang pumunta ako dahil sa kan'ya, mawawalan ng saysay ang halos isang buwan kong pag-iwas sa kan'ya. Pero.. aaminin kong hindi ko rin maaatim na paghintayin siya lalo na't baka hindi pa siya kumakain. 

Agad kong binuksan ang pintuan nang makarating. Katulad ng dati, tahimik pa rin dito sa loob. The only difference is the noise coming from a table near the window. At halos matanggal ang mata ko sa pag-irap nang makitang si Jarrell 'yon, kasama ang isang babae na nasa harap niya, mukhang nagpapa-picture. He was smiling so much that he looks like he's enjoying the attention.

''Oops!'' ani Bea nang didiretso sana counter ngunit nakita rin sina Jarrell. Tumalikod siya at ngumuso, matapos ay nagkibit balikat. ''Tara na pala, Lucy. Mukhang kailangan kong mag-CR. Maglalabas ata ako ng sama ng loob. Samahan mo 'ko. Ilabas mo rin 'yang sa 'yo.''

Hindi ko siya pinakinggan at pinagpatuloy silang tignan. The girl looks like a normal fan, there's no issue in that. While Jarrell is unusually giving the girl so much attention. So unlikely of him.

Bakit noon, hindi naman siya ganyan sa 'kin? Ni pag-ngiti nga niya ay hindi ako mabigyan.

Hindi ko tuloy maiwasan magtanong kung anong kaibahan ko sa mga babaeng hinahangaan siya? Dahil habang mas iniisip ko iyon, mas napagtatanto kong wala akong pinagkaiba.

Hindi sumang-ayon si Jarrell noong tinanong ko siya kung gusto niyang ipakilala ko siya sa pamilya ko. Ayaw niyang isapubliko ang relasyon naming dalawa. Bukod do'n, puro sa condo niya ang date namin.

Hindi naman sa nagre-reklamo.. Pero alam kong gusto niya akong itago. Ayaw niyang malaman na mayroong Lucy sa buhay niya. 

Napasinghap ako nang nakaramdam na naman ako nang pangambat at pagseselos. Parang bumalik 'yung inggit sa akin dahil sino ba ako kumpara sa mga babaeng nakapaligid sa kan'ya? Sino ako kumpara kay Ely?

Nag-lapat ang tingin naming dalawa kaya agad siyang lumayo sa babae. Umawang naman ang labi niya nang makita ako. I guess he didn't expect that I would come. 

Inayos niya ang gamit at nakangiting nagpaalam ro'n sa mga babae. But it was too late. Tumalikod na ako at umalis. Ayoko siya kausapin.

''Lucy!'' sigaw niya. 

Binilisan ko ang paglalakad. Si Bea, lumiko at iniwan ako. Mukhang nararamdaman niya ang tensyon sa aming dalawa.

''Lucy! Wait!'' muli niyang sigaw. Napatingin tuloy sa kan'ya ang mga nakatambay sa walkway rito sa CS building. Napatungo naman ako dahil ayokong malaman nilang ako ang hinahabol niya.

Hinaklit niya ang braso ko nang maabutan ako. Agad ko 'yong hinila palayo sa kan'ya. 

''Huwag mo nga akong hawakan! Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba?'' tanong ko, mataas ang tono.

''Sorry..'' He swallowed hard. His expression says that he was conflicted. Para bang kahit wala naman siyang ginawang kasalanan, humihingi na siya agad ng tawad. ''Kanina pa kita hinihintay. Kumain ka na ba?''

''Wala kang pakialam,'' sambit ko. ''Bumalik ka na ro'n sa loob. 'Wag mo kong susundan!''

''Wala na akong gagawin do'n, Lucy. Susunod ako sa 'yo. Ikaw ang pupuntahan ko,'' aniya at bumuntong hininga. ''Alam kong may kasalanan ako kaya pagbabayaran ko 'yon. But please, hayaan mo naman ako na kahit mahawakan ka manlang..''

''E', ayoko nga, 'di ba?'' sagot ko. ''Hindi kita ino-obliga na sundan ako, Jarrell. Kung pagod ka na, edi tumigil ka kasi hindi ko naman kailangan niyang atensyon mo! Mas mabuti pa, sa iba mo na lang ituon 'yan. Doon sa may kailangan. Kay Ely, o' 'di kaya ay ro'n sa babaeng nasa Cafe. Bahala ka! Wala akong pake!''

He bit his lips. Bumibilis ang paghinga ko at kapag hindi ko pa 'to napigilan, baka umiyak lang ako ulit. Baka sumabog lang ako sa harap niya.

''Ikaw ang gusto ko. Kaya bakit mo 'ko pinapamigay sa iba?'' sagot niya. ''Ilang linggo ko na 'tong ginagawa, Lucy. Hindi pa ako pagod. At sa tingin ko'y kailanman ay hindi ako mapapagod. Just give me another chance.. I'll make it right..''

''You should have done that long ago,'' I said with an extreme tone of agitation. ''Nakakapagod ka, e. Kung ikaw, hindi ka mapapagod sa 'kin. Ako, pagod na ako sa 'yo.''

Umigting ang panga ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero saglit na lumandas ang sakit sa mata niya. Agad din siyang nakabawi.

''Edi bibigyan kita ng oras para magpahinga.'' Lumapit siya at pinagsalikop ang mga kamay naming dalawa. Halos mapatalon ako sa gulat. ''Tara na. I'm going to hold your hand until we reach your room. I don't want you to be extra tired.''

Hinili niya ako para makapaglakad. My brows furrowed in confusion. What the hell?!

''Ano ba! Bitawan mo nga 'ko, Pessumal!'' Hinampas ko siya. Humalakhak lang siya. ''Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo! Bitawan mo 'ko!''

''Nope.'' He shook his head. He stopped walking to lean on my ear then whispered. ''I miss you so much, Lucy. I miss being this close to you.. I miss being with you.. So please, let me atleast hold your hand. Hmm?'' He then leaned on my face then smiled. Halos mapapikit ako nang mababaw niyang hinalikan ang noo ko.


Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Where stories live. Discover now