Chapter 7- Sorry.

Start from the beginning
                                    

Patuloy lang ako sa pagtatakbo palayo hanggang sa nakita ko ang aking sarili sa isang malaking basketball court sa subdiviosn namin. Walang buhay akong naglakad, tutal wala namang tao umupo ako sa bleachers. Binuhos ko ang lahat ng luha ko habang nakayuko at sinandal ang ulo ko sa tuhod ko. Yakap ko ang aking sarili. 

Kung noon ay ayokong mag-isa… gusto ko palaging kasama ang kasintahan ko. Ngayon? Ngayon ko lang nakitang mas gusto ko na palang mag-isa. Kapag mag-isa ka, walang dadaya sa’yo. Walang magsisinungaling sa’yo. Masarap sa pakiramdam ang mag-isa, lalo na at balot na balot ka sa kalungkutan.

Wala akong pake kung namumugto na aking mata sa kakaiyak, basta ang alam ko nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil mahal ko pa rin siya, nasasaktan ako dahil siya pa rin, nasasaktan ako dahil minahal ko pa siya. Nasasaktan ako sa mga alaala naming alam kong hindi na babalik dahilsa kataksilan niya.

I know we are still young, he's 4 years older than me. I loved him since 3rd year. I really did. But,love really is something huh? I kept quiet just so I could keep him .This time, does it mean I'm weak coz I felt I lost? I did lose. He chose to marry another girl rather than me.

That should have been me. When we grow up, he promised me those things. He promised me our future.

Naalala ko pa yung mga binitawan niyang salita noon. Noon kung bakit minahal ko siya. Noon na Masaya pa kami, noon na hindi ko pa alam ang salitang pagtataksil dahil alam kong hindi ko mararanasan yon sa kaniya.

“uhh…hey.”

Naputol ang mag-iiyak ko dahil may kumalabit sa’kin. Agad akoong nagpunas ng luha at inayos ang mukha ko, baka may tumulo pang sipon. Kadiri pa naman.

Paglingon ko ay hindi ko inaasahang siya ang makikita ko sa ganitong sitwasyon ko.

“K-kael? Gawa mo dito?” takang tanong ko at umayos ng upo. Anong ginawa ng gunggong nay an dito?

Don’t tell me…

“I live here.” sabi niya habang hawak ang bola.

“Dito sa court?” Inosenteng tanong ko. Agad namang natigilan ito at sinusuyo ang kabuohan ko. Bakit?

“Akala ko mata mo lang namumugto, pati pala utak. tss”

0_o

“H-huh?” Natameme ako saglit.

“Well,duh… obviously we live in the same subD. And maglalaro lang sana ako ng basketball but… then I saw you. Crying.” Pahina ng pahina ang boses niya. Hindi naman ako sumagot at yumuko nalang.

Kahit saglit gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ilang saglit ay tumabi siya sakin ngunit hindi na lumapit bago nagsalita.

uhm… you… wanna talk about it?” Naiilang na tanong niya.

Hindi ko inaasahan na magtatanong  siya sa’kin ng ganiyan. Is he concerned? Agad ko naman siyang hinarap. Sinusuyo ang mukha niya na nakatingin rin sakin, nagaalala. No, he’s just being friendly.

“…Or maybe not. Sige-"

“No, may alam ka bang bar dito? I want to…drink” Agad na putol ko sa kaniya. Yes, oo sa ganitong paraan… kahit saglit makakalimutan ko siya.

“Kj, gabi na. May class pa tayo bukas. You can’t drink.” Seryosong sagot niya habang titig na titig pa rin sa’kin.

“Ugh, you’re no fun. Sinong tangang mag-iinom sa umaga? Di mo kasi alam broken hearted ako. Hindi mo alam kung bakit ako nasasaktan at mas lalong hindi mo alam ang pakiramdam maging tanga—“ Pinutol niya ang drama ko.

A Distractive God Sits Beside Me (I)Where stories live. Discover now