PROLOUGE
Isang five years na batang babae ang nakayukyok at walang malay na nakaupo sa upuang kahoy. Nakatali ang kamay nito sa likuran ng upuan at ang paa sa paanan nito.
"Kailan ba darating si Bossing?" humithit sa hawak na sigarilyo ang lalaking may katabaan ang tiyan. Isa sa mga bantay ng batang babae.
"Papunta na iyon. Maghintay ka lamg! Oh, panalo ako!" inilapag ng kasama nitong payat na lalaki. May naninilaw na ngipin ang hawak na baraha.
"Tsk. Naiinip na ako. Gustong- gusto ko ng mapunta sa heaven! So, high, Tsong!" saad naman ng isa pa, ang kalaban ng lalaking payat. May hikaw naman ang lalaki sa ilong at may katabaan ring tiyan. Malusog na binti at mga braso.
"Dude! Nandito na si Bossing!" sigaw ng kasamahan nilang may kaliitan ang height. May pagmamadali pa itong naglalakad palapit sa kanila.
"Bossing!" magiliw nilang bati sa bagong dating.
Isang lalaki na kinulang yata sa vitamina sa dugo sa kaputian ng balat. Tila isang buhok ng mais ang kulay ng kanyang buhok. Nakasuot ang lalaki ng corporate attire at may hawak na attache case. Nasa tabi niya ang dalawang bodyguard na hinasa pa sa mataas na antas ng martial arts.
"Wake her up!" malamig niyang utos sa mga tauhan.
Kumuha ng isang malamig na baldeng tubig ang isa sa mga tauhan niya. Ibinuhos sa ulunan ng naalimpungatan na batang babae.
"Hello there, Princess Akagie" nakangising bati sa kanya ng lalaki.
"Tsk. I really hate your face, Labanos" walang emosyon na saad na bata.
Iginalaw niya pa ang kamay na nakatali. Napabuntong hininga siya ng matantong nakatali siya sa upuan.
"You can't escape, Princess. That rope was made for you. Just for you" mariin na wika ng lalaking tinawag na Labanos ng batang si Akagie. "Ang hirap mong huliin. Mas madulas ka pa kaysa sa ina mong si Ayesha"
Mas dumilim ang aura ng bata nang mabanggit nito ang pangalan ng kanyang Mama. "Pero sa huli nakuha rin kita. Sayang kailangan ko pang idamay ang mga Mcneil. Mga pakealamero kasi"
Sinenyasan ng lalaki ang isa niyang tauhan na lumapit. Ang may dalang isang sealed box na puti. Nang mabuisan ng lalaki, lumantad sa paningin ng lalaki ang isang naka cooling na syringe.
Kinuha ito ng lalaki tyaka itinapat sa liwanag na nagmumula sa mapusyaw na bombilya. "Do you know what is this?" tanong niya pa sa batang walang pakealam sa nangyayari.
Bagot ang mukha na tiningala ang hawak niya. Napangisi nang maamoy ang pamilyar na amoy ng likidong nasa loob ng syringe. "The reason why my sibling died" malamig na sagot nito.
"Good answer" binalingan siya ng lalaki ng tingin. "Hawakan niyo siya ng mahigpit. Isa pa rin iyang Himoro!" utos nito na ikanatalima ng mga tauhan niya.
Hindi kumilos o lumikha ng ano mang ingay si Akagie habang itinuturok sa braso niya ang gamot. "Feel dizzy?" natutuwang palatak ng lalaki.
"Tsk. How was your mourning? I never expect, your wife is hot hostess?"
"How dare you! Katulad ka rin ng Ama mong bastos!" isang malakas na sampal ang nakapagpatabingi ng mukha ng batang si Akagie.
She laughed full of sarcasm. Binalewala ang nagsisimulang pag-inog ng kanyang mundo. Ang panlalabo ng kanyang paningin ay hindi naging sapat na dahilan para makaramdam ng takot ang batang si Akagie.
"She's weak. Bagay nga kayong dalawa eh, isang baliw na lalaki. At isang parausan ng bayan"
"You!" naggagalaite nasa galit na sigaw ng lalaki. Napapailing na lang na hinayaan ni Akagie na dumulas sa kanyang kamay ang naputol niyang tali. Tama ang lalaki, isa pa rin siyang Himoro.
"A Himoro" saad niya bago umigkas ang isa niyang paa na nawalan na rin ng tali. Gulat na gulat siyang tiningnan sa mukha ng lalaki ng tumalon siya sa ere. At marahan na tumuntong sa ibabaw ng backrest ng upuan. "Tsk. You still not know your lesson, Hayashi" pagbanggit na nito sa tunay na apelidong taglay ng kaharap.
"Mga tanga! Ano pang ginagawa niyo! Huliin niyo siya!"
Hindi kaagad nakakilos ang tauhan niya sa itim na aurang bumabalot ngayon sa katawan ni Akagie. Dama nila ang panganib kung sakali na malapitan nila ang batang babae.
"Bossing!"
"Mga walang silbi!" mabilis na nawala si Akagie sa kinatatayuan niya nang paulanan siya ng putok ng baril ni Hayashi. "Papatayin kita!"
"Tsk. Just dream on, Loser Labanos" pang-aasar ni Akagie. Nagpatalon-talon siya sa ere pababa sa sahig, sa pader at kung saan mang aapak ang paa niya bago siya barilin ni Hayashi.
Ang pagsipa ng kirot sa sentido ni Akagie ang nakapagpilig ng ulo niya. Napahinto pa siya sa pagtalon at nagtago sa isang poste ng gusali.
"Akagie! Alam kong ume-epekto na sa sistema mo ang Kratos Invega. Wag ka nang manlaban pa. Makukuha rin kita!" malakas na sigaw ni Hayashi.
Ibinukas sara ni Akagie ang kanyang kamao. Napabuntong hininga sa nangyayari. Kinalma ang sarili, at kinontrol ang kanyang paghinga.
"Gaya ng nasabi ko! Umasa ka sa wala, Labanos!"
Mabilis ang kanyang kilos na iniwasan ang pagpapaulan ng bala ni Hayashi nang lumantad siya. Walang kahirap-hirap na tinalon at binangga ang salamin ng gusali. Tinakbo ang nakitang bilog na saraduhan ng isang drainage. Maingat subalit may pagmamadali niya itong binuksan at pinasok bago isinara.
"Mga hangal! Hanapin niyo siya! Hindi iyon makakalayo! Hilo na iyon sa Kratos Invegang itinurok ko!"
Panibagong buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Napakapit pa siya sa maruming pader ng tunnel na tinatahak niya. Pinilit na makalakad at marating ang duluhan ng tunnel na hindi niya alam kung saan patungo.
"Grrllll...
Napahinto siya nang tumambad sa kanya ang isang hayop na nakahiga sa damuhan. Duguan rin ito at may sugat ang buong katawan.
"Tsk"
Nanghihina siyang napabagsak sa damuhan malapit sa naalarmang hayop.
Kung anong tamis ng naranasan niyang pagmamahal na mayroon sa kanyang mga magulang. Ito naman ang pait ng lasa ng kanyang kinahantungan.
Isang mahinang tawa ang kumawala sa kanyang labi bago siya tuluyang mawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
CHOCOLATE (Psycho Series #2)
Romance"Ang Paupher na nagmahal sayo sa kabila ng pagiging kulang-kulang niya. At ang mailap na babaeng pulubi na napaamo mo nang dahil sa TSOKOLATE" tumingkayad ako at ginawaran siya ng halik sa labi. "Na ngayon ay mahal na mahal ka"
