"Zelle, tara na. Pauwi na rin daw si Shani. Sasabay ka ba sa kaniya? Kita nalang ulit tayo..."
Napatigil si Thomas sa pagsasalita nang mapansin na hindi ako nakikinig sa kaniya at nakatulala lang. Akma akong tatayo sa pagkakaupo ko nang umikot na naman ang paningin ko. Napabalik agad ako sa pagkakaupo at hinayaan na bumalik sa dati ang paningin.
Tumingin ako sa paligid at nakita na kami-kami nalang ang naririto. Tiningnan ko isa-isa ang kasama ko at naabutan na nakatingin sila sa akin. Ganoon lang, hindi sila nagsasalita. Maya-maya ay napatingin sila sa bandang likod nang makarinig ng ingay doon. Ako naman ay hinayaan ko nalang ulit ang sarili ko na tumulala sa kung saan.
"Sinabi ko na sa 'yo, Rheezelle, 'di ba?"
"Lia naman... Hindi naman si Rheezelle 'yung may kasalanan... Bakit ba parati siya 'yung pinag-iinitan mo?"
"Wala akong pakialam kung sinong nagsimula," bigla, ay naramdaman ko ang presensiya niya sa gilid ko. "Alam mo na nga na ganoon ang takbo ng utak ng babaeng 'yon, dapat ikaw 'yung nag-aadjust."
Napapikit ako, kasabay nang pagtungo, dahil hindi ko na talaga alam ang isasagot ko sa kaniya. Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay at pinanatili ang nakapikit na mata, dahil ramdam ko na, na ano mang segundo ay papatak na ang mga luha ko.
"Ayos lang sa 'yo 'yung ganito?" Nathalia suddenly talked. "Walang peace of mind? Na hindi mo alam kung kailan may susugod sa 'yo. Hindi mo alam kung kailan ka mapapahamak. Rheezelle, Dea is not just a girl na immature... Kung gugustuhin niyang kumilos, kikilos siya, kahit pa may mapahamak."
Dahan-dahan akong nagmulat at tumingin sa kaniya. Ngayon, ibang Nathalia 'yung nakikita ko. Parang hindi siya 'yung unang tingin, mataray niya na kilay ang agad bubungad sa 'yo. Hindi siya iyong tingin palang niya, aatras kana. Hindi iyon.
"Sorry..."
"Aba, dahil ba sa kalat na nangyari? Dapat lang," mabilis na nagbalik ang nakasanayan niyang awra. "Just kidding... No need to say sorry, Rheezelle. Just take care of yourself next time."
Sabay kaming napatingin sa likuran namin nang parehas makaramdam ng presensiya roon. Napatakip kaagad ako sa mukha ko nang makita ko si Asher. But suddenly, napabalik din ng tingin nang marinig ko ang bungisngis niya.
Nagkataon naman na sa kasama niya unang napatama ang paningin ko kaya mabilis ko rin inilipat sa kung saan ang atensyon ko. Nararamdaman ko ang titig niya, pero nagkukunwari akong walang pakialam doon.
"Para namang hindi mo 'ko kilala, Rheezelle."
Mariin akong napapikit at napatungo dahil sa sinabi ni Brylle. Kung kanina ay hiyang-hiya ako sa kaniya, ngayon naman ay parang gusto ko siyang tirisin sa gigil.
"Kain nalang tayo sa labas! Sinong game?"
Sabay-sabay kaming napabaling kay Kier nang magsalita siya. Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na nagbikit-balikat.
"Libre ni Lia!"
"Gago ka?"
Bumaling naman agad ako kay Thomas dahil simula kanina ay hindi ko na naramdaman ang presensiya niya. Nangunot agad ang noo ko nang hindi siya mahagilap. Napatayo ako at agad na inilibot ang paningin sa loob.
"Lumabas."
Napatingin ako kay Cally nang magsalita siya bigla. Sandali akong nagtaka, at nang makuha ang sinabi niya ay malawak akong ngumiti sa kaniya.
"Thank you!"
Inilibot ko agad ang paningin ko sa madilim na paligid nang makalabas ako. Nang makita ko siyang nakaupo sa semento ay agad akong lumapit at rumatig sa kaniya. Mahina ko siyang dinagil nang mapansin na ang lalim ng iniisip niya.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
When I Met Mr. C
Любовные романыLast Love Series #2 Two families with different experiences, beliefs, and perceptions in life. Zelle, came from a family with long distance with each other. On the other hand, Cally, came from a family who were giving their best to get close with hi...
