Simula palang ito
Unang segundo
Mula sa oras na
Bente-kwatro
Unang araw mula sa pito
Upang mabuo ang isang linggo
Unang buwan mula sa
Labing dalawa upang isang taon ay mabuo
Unang pahina
Para sa susunod na
Kabanata
At marami pang kabanata
Upang mabuo ang isang
Aklat ng kuwento
Kuwento na binubuo
Ng mga salita, talata
Sa pagsilang ng bata
Hanggang sa pagtanda
Sa pag-iyak at
Paghalakhak
Sa paglaban
At pagsuko
Sa pagkadapa
At sa muling pagtayo
Sa paggising mula
Sa mahimbing na
Pagkatulog
Mula sa panaginip
At dasal na nagkatotoo
Sa mga minamahal natin
Na binago ang takbo ng
Mundo
Ang tiwala na nasayang
Pangakong nanghihinayang
Ipagpapatuloy pa ba
Oh hihinto nalang?
....
....
...
...
...
....
YOU ARE READING
After Seconds
Short StoryNothing last forever. Everything that starts, ends. Everything fades away. Everyone forgets. Now I'll tell you, this story will teach you how valuable life is. How every person in your life matters whatever and whoever they are. You can't take...
