"ateeeeeeeeeeeeeee Hanniiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeee"
"AYYYY PWET NG KALABAW! ANO BA ELISA BAKIT KA SUMISIGAW!!?"
Aish! Hindi ako galit ha. Sadyang nagulat lang talaga ko sa pagsigaw ng magaling kong pinsan.
"eh kasi naman ate, kanina ka pa pinabababa ni tita. Kanina pa siya nag aantay sayo dun sa labas, nagagalit na."
"Aish! naman kasi. Bakit kailangan niya pa kong isama dun?"
"Aba malay ko! Bat mo ko tinatanong?"
"Stupid! I'm not talking to you"
"Wow umeenglish. Eh sino kausap mo multo? "
"Aish! tabi na diyan."
Tinabig ko na lang siya, at lumabas na ng pintuan ng kwarto ko. Taeng bata iyon, pilosopo.
Paglabas ko ng bahay, natanaw ko na agad si mama. At tama nga ang sabi ni Lisa.
"Ano ka bang bata ka, sinabi ko ng bilisan mo diba?"
"Aish! manenermon pa. Eto na ko oh! tara na. Di mo na lang kasi sana ko sinama."
After ilang minutes nandito na kami sa bahay ng friend ng mommy ko, sinama niya nga kasi ako diba!! Sabi ko nga na ayaw ko kasi may pasok na ko bukas, pero ayaw niyang pumayag kailangan ko daw sumama. Kaya ayon No Choice ako! Ewan ko nga kung bakit sinama niya pa ko, eh wala naman akong gagawin dito. Habang siya ayon, nakikipagchikahan na sa friend niya.
Aish! At dahil sa bored na ako napagdesisyunan kong lumabas muna ng bahay.
Paglabas ko, may nakita kong store, sakto may tinda silang Stick-O kaya bumili muna ko. Habang palakad lakad ako kinakain ko iyong Stick-O na binili ko. At dahil sa masyado kong naeenjoy ang pagkain ng Stick-O, di ko namalayan na andito na pala ko sa may gilid ng school na pinapasukan ko.
May narinig akong ingay galing sa loob ng school. Ah, by the way, I forgot to tell you na yung bahay ng friend ng mama ko ay near our school lang, kaya nga eto ako ngayon eh. Tinext ko si mama na nandito ko sa school, at itext niya na lang ako kapag uuwi na kami.
Pagkapasok ko sa loob nakita ko agad yung mga Basketball Player ng school pati yung mga cheerer, most of them mga friends and classmate ko. Naglakad ako palapit sa kanila. Nag Hi & Hello kami sa isa't-isa then nag continue sila sa nilalaro nila. Now I know kung bakit maingay.
Nakapacircle yung pwesto nila. Humanap ako ng vacant chair para makaupo rin. Nang makahanap na ko, tsaka ko lang nanotice kung sino iyong mga katabi ko. Sa left side ko si Fred, basketball player, friend ko, but not that close. Sa right side ko naman yung Coach ng varsity namin. Si Coach Renz Troy P. Alcantara. I call him coach Troy, pero yung iba coach Renz ang tawag sakanya. Close kami before when I was 2nd year, pero nung nag third year na ko bigla na lang siyang nawala. Not literally, nawala. I mean di na kami madalas nagkikita o nagkakasama unlike nung 2nd year na madalas ko siyang nakakabiruan. That's why umabot sa point na nagka crush ako sakanya. Pero konti lang naman, 1-10, siguro mga 3. Hahaha! Kaya tuloy ngayon, feeling ko medyo AWKWARD kasi naman siya yung katabi ko.
"Hi" -coach Troy. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nung bigla siyang nagsalita then tumingin sakin.
"A-ahmm h-hello" -ako.
"nagulat ba kita? sorry. :)) Kamusta?" tanong niya.
"ayos lang naman, ikaw ba?"
"Ok lang ren" then nag smile siya kaya nag smile na lang din ako.
They continue playing.
*laro*
*laro*
*laro*
