Hinihila... dahan-dahan
Unti-unting lumulubog sa putikan
Sa bawat pagsubok na umahon
Lalong hinihigop ng kawalan.
Puso'y punong-puno ng takot
Humihiyaw... humihingi ng saklolo
Ngunit tila ako'y nasa gitna ng kagubatan.. madilim...
Nakabibingi ang katahimikan.
Walang makarinig sa aking paghikbi
Tanging paniki ang nasa tabi
Sinisipsip dugong dumadaloy
"Lumayo kayo"aking panaghoy...
Ngayo'y di ko mawari,
Kung ako'y lalaban pa o
Tuluyang pagagapi...
Kawalan ng pag-asa,
Sa puso'y lumulukob na
at sa katauhang pagud na pagod na.
YOU ARE READING
KUMUNOY Ng KAWALAN
Poetrydepresyon... kawalang pag-asa... saan ka dadalhin ng negatibo mong damdamin?
