Mas lalong nanliit ang mga mata niya. ''Bakit? May atraso ka ba ro'n?''

Agad akong umiling. Kung mayroon mang may atraso sa aming dalawa, siya 'yon.

''Please, Kuya? Pakisabi rin.. na h-huwag na siyang bumalik.'' Kinagat ko ang labi ko at lumunok nang nanginig ang boses ko.

His expression changed from clueless to agitation. He quickly removed my sunglasses that I wasn't able to move. Agad akong napatakip ng mukha.

''K-kuya naman, e! Lumabas ka na nga!'' nanginginig kong sigaw ko dahil unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko. I know.. I know that he noticed. 

Ayoko lang na malaman niya.. Dahil alam ko kung gaano magagalit ang kapatid ko. Bukod do'n ay gusto kong sarilihin ang sakit. Kasi kasalanan ko naman, e. Kung hindi ko lang siya hinabol nang hinabol, siguro hindi magiging kami.

''Tsk.'' Hinila niya paalis ang nakatakip kong kamay sa mukha. ''Alisin mo. Bakit ka umiiyak?''

Ilang beses akong umiling habang pinipigilang humikbi. Kuya Ismael was so persistent to remove my hands away from my face hence why I was left with no choice. Naiyak na lamang ako sa harapan niya nang tuluyan niyang maalis ang kamay ko.

''K-kuya.. 'W-wag mong sasabihin kay Daddy,'' humikbi ako. ''M-magagalit si Daddy..''

He clicked his tongue. ''Anong akala mo sa 'kin? Hindi magagalit?'' Lumapit siya at niyakap ako. Hindi ko na napigilang mas lalong maiyak. ''Did he hurt you?'' he asked with an authoritative yet concerned tone.

Agad akong umiling. I hugged my brother back as I continued to cry on his shoulder. He was patting my back as he comfort me, too.

Ngayon lang ulit gumaan ang pakiramdam ko. I didn't know that I needed help. All along I thought pain should not be shared and shall only be kept for myself. Hindi rin naman pala masamang humingi ng tulong.

''Shh. Hush now, Lucy.. Kuya's here..'' he whispered as he patted my hair. I cried harder. ''I knew there's something wrong but I didn't ask you because I know you'd only prefer to stay more quiet. Now, please tell me what happened. Paaalisin ko mamaya 'yong lintek na iyon.''

Umiling ako. ''Ayaw..''

''Lucy,'' he warned.

''Ayaw ko, Kuya.. Ayaw ko pag-usapan..'' hikbi ko sa mga panibagong luha.

Bumuntong hininga na lamang siya bilang sagot. Nababasa ko na ang t-shirt niya kaya tinapos ko na ang yakap. I felt a little better. Somehow, I felt like there's someone who understands me. Somehow, the pain lessen.

Nang muling magpasukan ay ganoon pa rin ang nangyari. Jarrell would either go to our house or meet me at the school. Kahit pa kinausap siya ni Kuya, hindi pa rin siya tumitigil.

And today, nothing has changed. Dahil pagkatapak na pagkatapak ko sa university, siya agad ang nakita ko.

''Lucy,'' pagtawag niya sa 'kin matapos ko siyang lampasan sa simbahan.

Hindi ko siya pinansin at patuloy na lamang na naglakad dahil ayoko siyang makita. Why is he here, anyway? 

Graduate na siya. Hindi na rin siya player ng university dahil tapos na ang eligibility niya last season. He isn't supposed to be here. Dapat do'n na lang siya kay Ely pumunta.

''Hanggang kailan mo ako iiwasan?'' aniya, ramdam ko ang pagkabigo sa tono niya.

Napalunok ako at pinigilan ang sariling magsalita. Nasa tabi ko na siya habang inip kong  hinihintay na mag-green ang stop light para makatawid na sa kabilang building.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Where stories live. Discover now