Prologue

23 6 0
                                    


Prologue

Ang buhay ng tao ay pantay-pantay sadyang ang mga tao lamang ang hindi. Paano ko nasabi? Tanong mo sa pagong. Hindi biro lang. Totoo ang sinabi ko dahil base na rin sa mga nangyari sa buhay ko. Kahit na mayaman kami, hindi ako masaya. Hindi ko makuha ang pinaka-hinahangad ko. Sabihin na nating oo may pera nga ako. Nabibili ko nga ang mga materyal na gusto ko pero hindi ang atensyon ng mga magulang ko. Nagsimula sa pag-tatampo hanggang sa lumaki at natupok ng apoy kaya naman lumaki ang galit ko sa kanila. Nagliyab! Mahal na mahal ko sila pero siguro dahil sa pagdadalaga kaya hindi na ako naghangad pa. Minsan hinahanap sila kapag napupunta ako sa guidance office pero ang sinasagot ko lang madalas doon ay ganito.

"May nakikita ka ba na ibang kasama ko?"

Napailing na lamang ang matandang nasa harapan ko. Hawak-hawak ang sentido at napapamasahe na lamang. Nakita ko ang pagpindot nito sa kaniyang mahiwagang sinaunang telepono palibhasa'y matanda na. Nakakulubot ang balat niya sa kaniyang noo kaya nagsilabasan ang kaniyang mga mahihiwagang wrinkles. Ang kaniyang wangis ay nagsusumigaw ng pagiging strikto pero hindi ako, not me. Sa halos walong taon ko sa unibersidad na ito sanay na ako lalo na kung suki ka sa loob ng opisina niya. Tandang-tanda ko pa nga ang wangis niya na ultimo sa pagtulog ay nakikita ko siya. Ang kaniyang mga nabuburyong mga mata, ilong na matangos at mapupulang labi ng dahil sa kolorete. Isama mo na din ang salamin nitong hindi nakatakas sa pagiging itim. Halos lahat kasi ng gamit nito ay itim. Nagmukha tuloy siyang bruha sa paningin ko. Hindi sa pagiging maarte pero parang ganun na nga. Nakakainis ang pagmumukha ng matandang ito. Iww!

"Miss Garcia, natatandaan mo naman ang usapan natin noong huling parito mo, hindi ba?" Tanong nito sakin.

What the hell is she talking about? Walang akong matandaan sa sinasabi niya. Huling pagparito ko? Ano ba ang sinabi niya? Bakit wala akong matandaan? Interesante ba iyon o mapaki-kinabangan? Kailan nga ba ako huling naparito? Oh, I remember. Yesterday? I'm not sure though. Ano na naman ba kasi ang ginawa ko? Masyadong big deal sakanila. Hindi naman ako prinsesa pero kung makasubaybay sila sa pagba-bash sakin eh parang numero uno ko silang taga-hanga. Gosh! Ano nga ba ang dahilan ng lahat kung bakit nandito ako? Duh, it's just a kiss pero kung makasumbong ang mga officer na nakakita samin eh parang may milagro kaming ginawa. It's just even a peck! Damn those officers! Bullshits!

"Hindi mo matandaan, miss Garcia?" May pagkasarkastikong tanong ng matandang babae.

Takot ako? I mimicked it in my head. I looked at my beautiful nails that has pink little flower design, as if it is the most beautiful and interesting thing in the whole world. Though it is true. I just heared her heavy sigh. Mukhang stress na stress na ito sakin. Pasensiya na, mabait akong bata kaya dapat kayo din. Napangisi ako sa sariling naisip. Nawala lang ang ngisi ko ng mainip ako. Nasaan na ba kasi si Jace? Nang makita kaming naghahalikan parang bula na naglaho. Takot masyado. Nanginginig pa.

"Pwes, ipapaalala ko. Ang sabi mo kahapon dadalhin mo na ang mga magulang mo. Nasaan na sila?" Tanong nito sakin.

Aba malay ko. Ako nga na anak hindi masagot kung nasaan sila ikaw pa kaya na, matanda? Naalala ko tango lang ako ng tango kahapon kahit hindi ko naman talaga alam ang sinasabi niya. So, iyon pala iyon. Pasensiya na hindi ako nakikinig. Sabi ko naman sayo mabait ako na bata hindi lang halata. Pahalata ko na ba?

"Ang tanong... May sinabi ba akong ngayon? At saka hindi naman ako ang nagsabi kung hindi ikaw, po." Saad ko at halos makalimutan ko na gumamit ng paggalang. "Sa pagkakaalala ko kasi tumatango-tango lang ako. Pa'no ba niyan, po?" Tanong ko na parang nalilito, nang-aasar.

"Ikaw na bata ka! Alam mo ba'ng!" Dinuro duro ako nito at kung ano-ano ang pinagsabi nito sakin. Sinalampak ko nang pasimple ang headset ko sa tenga ko ng hindi nito mapapansin. Nang makitang tapos na siya sa mga pinagsasabi niya ay inalis ko na ang headset na suot ko.

TEARAWhere stories live. Discover now