" City of Pines "

2 1 0
                                    

"Aaahhhhhh!!!" Halos panawan na ako ng ulirat sa kakasigaw sa tuwing bigla nalang babaliktad saka mabilis na susulong papaitaas ang sinasakyan naming stream ride. Pakiramdam ko nag buhol-buhol na ang mga bituka ko!

"Aahhhhhh!!!!! Walang hiya ka C'zejjjjjjjj!!!!!!!!"
Mahigpit akong nakakapit sa takot na mahulog. Hihiwalay  na ata ang kaluluwa ko sa katawan!

"HAHAHAHHA!" Mariin akong pumikit at sige parin sa kakasigaw habang minumura 'tong lalaking siyang dahilan kong bakit para na akong hihimatayin sa takot. Habang sigaw ako ng sigaw,siya naman ay tawa ng tawa na parang kaligayan na niya ang makitang ganito ako kamesirable ngayon!

"Papatayin talaga kita kapag nakababa tayo dito!!Aaahhhhh!!!"

"Ayoko naaaa!!!Ahhhhhh!!!"

"Hahahaha! Takot na takot ang bebe na yarnn!" At nagawa pang mang asar!!!

"Gagooo!!!" Malakas kong sigaw, wala na akong pakialam kahit maraming nakakarinig sa sigawan namin! Halos lahat naman ng sakay ay sumisigaw sa sobrang kaba! Hindi na ako uulit sumakay sa pesteng ride na ito!

"I love youuuu!!!!! Malakas na sigaw niya pabalik sa akin.

"Ayos kalang ba?" Nakaalalay siya akin dahil parang hindi ko na kayang tumayo mag isa. The ride drained me. Daig ko pa ang sumali sa fun run marathons.! 
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang lakas ng tibok ng puso ko at naghahabol parin ako ng hininga. Binabawi ang lakas na nawala sa kakasigaw kanina.  Masakit narin ang lalamunan ko.

"Namumutla ka,'Be.." May bahid na ng pag aalala ang boses niya. Hinaplos niya ang mukha ko saka inabot sa akin yong plastic bottle ng miniral water,siya narin ang nagbukas at tinulungan akong uminum. "Sorry bebe,hindi na kita pipilitin ulit na sumakay doon!" Parang bigla itong nagsisi sa pag-aaya sa aking sumakay sa nakakatakot na rides dito sa amusement park. Niyakap niya ako habang para parin akong walang lakas, inakay niya ako paupo sa malapit na bench. Pinagpapawisan ako kahit malamig ang panahon.

Nagkataon na sabay ang sembreak namin at dahil malapit na ang First Anniversary namin nagpaalam kami kay Mama na mamasyal. We planned a trip for  four days. Four days before our Anniversary. At uuwi kami sa ika-limang araw. Gusto naming sulitin ang pagkakataon habang pareho kaming walang pasok at hindi abala sa pag-aaral.

Ang bilis ng panahon,parang kailan lang noong stalker ko pa siya. Tapos ngayon magcecelebrate na kami ng First Anniversary. Our relationship was not perfect. May mga pagkakataong may tampuhan at hindi pagkakaintindihan. At kagaya ng pangako namin kay Mama, top priority parin namin ang pag-aaral.

City of Pines. Malamig na klema at maraming tourist attractions. Maraming mga dayuhan ang dumadayo dito dahil sa nag gagandahang tanawin.

"Ayos kanaba?Sorry na bebe," kagat ang ibabang labing inabot niya 'yong ponytail ko at inayos ang pag-kakapusod ng buhok ko. Parang sising-sisi ang itsura niya ngayon na para bang hindi ako pinagtatawanan kanina. Napalabi ako at isinandal ang ulo sa dibdib niya. Ang cute-cute ng bebe ko,paano pa ako magagalit niyannn?

Hindi naman talaga ako galit. Kahit takot na takot ako kanina,masaya ako. Masaya akong subukan ang mga bagay -bagay kahit nakakatakot pa ito basta siya ang kasama. I want to experience things with the man I love. I want to explore everywhere with him.I want us to create memories that we will surely cherish someday,memories that we may won't be able to make again in the future but atleast once upon a time,we'll able to do it.

"Kain na tayo." Pag-aaya ko sa kanya. Ginutom ako sa kakasigaw.

"Hindi galit ang bebe na yan?" Malambing niyang tanong, nakayakap siya sa baywang ko. Ngumiti na ako sa kanya at umiling lang.  "Kiss,muna." He puckered his lips as if waiting for me to kiss him. So adorable naman ng bebe ko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

There Was You Where stories live. Discover now