Napatingin ako sa paligid at napansin kong nakatigil ang oras dahil wala ako maramdamang paggalaw ng mga presensyang nandito maliban sa — isang babae na naglalakad papasok sa loob ng isang portal habang kasunod sa likod nito ang lumulutang na si Queen Freya. Bigla kong naalala ang scene na ito — Right! I've been here before. And if I'm not mistaken, ito ang pagkikita nila mama at ni Queen Freya para pag-usapan ang tungkol sa propesiya.

At kung tama ang pagkakaalala ko, the one who entered the portal, na kasama ng lumulutang na Queen Freya was also me. Or should I say, the original one, dahil siya ang gumawa ng isa pang Alexis para magpanggap na Queen Freya.

I shifted my gaze at the fake Queen Freya na kaharap ngayon ang aking ina, si Reyna Azaria.

Kasunod ng pagsasara ng portal ay siya namang paggalaw ng buong paligid, maging ang pag-ihip na hangin. Na isa lang ang ibig sabihin, umaandar na ulit ang oras.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Reyna Freya. Tungkol sa propesiya," umpisa ni mama sa fake na Queen Freya.

Kahit pangalawang beses ko na itong nakita ay na-a-amaze pa rin ako sa sarili ko. Imagine, I can make a clone. Panis! Anong sinabi ng Kage Bunshin ni Naruto sa old self ko?

"Ano ang tungkol dito?" Ang mukha ni Queen Freya ay punong-puno ng pagtataka. Wow! In fairness, I'm so proud of myself. Galing um-acting, ah! First line pa lang mapapaniwala ka na kaagad, eh. Kung uso lang ang Famas Award noon, for sure, mananalo ako bilang best actress. Now I know kung kanino ako nagmana.

"Kailangang ialay ang buhay ng tagapagmana ng ikaapat na henerasyon, ang aking anak na si Prinsesa Alexis Queinsville upang makamtam na'tin ang kapayapaan. Iyan ang nakasulat sa propesiya, kung kaya't handa akong makipagkasundo sa'yo para nang sa gayon ay hindi ito matuloy..."

Hindi ako makapaniwalang, sa ikalawang beses na pagpunta ko sa lugar na ito, akalain mong iba na ang nararamdaman ko. Kung dati, nasasaktan pa ako at nanghihinayang. Ngayon ay hindi na.

Bet na bet ko pa nga ang mga linyahan ni mama that time. Though masyadong madrama, pero sa sobrang bet ko, ay hindi ko makalimutan. Kaya para lang akong nagre-rewatch ng isa sa favorite scene ko sa movie ngayon.

"...handa akong gawin ang lahat para sa aking anak." Napangisi ako nang matapos si mama na magsalita. I can still remember how painful it was when I first heard this line from her. Iyon 'yung feeling na parang gusto ko siyang yakapin at maiyak. Pero ngayon... hindi na.

I don't know why I have this feeling na hindi totoo ang pinapakita niya. Dahil unti-unti na ring bumabalik ang mga memories kong nawala.

And because I'm already familiar with this scene, tanda ko rin ang susunod kong sasabihin. "Mama..."

Inaasahan kong hahanapin ako ni mama at magpapalinga-linga siya sa paligid gaya ng nangyari noong una pero... huh? Ano'ng nangyari? Hindi ako nainform na binago na pala ni direk ang script.

"Mali ang nakasulat sa propesiya Reyna Azaria." Nagpatuloy lang ang usapan nila na pinagtaka ko, at the same time, it excites me dahil kaabang-abang ang mga susunod na tagpo. Sana ganito rin sa mga kdrama na pinapanood ko 'di ba? Nagbabago scenes kapag nagre-rewatch. Beke nemen.

"Mali? Paanong mali?" tanong ni mama.

"Dahil ako mismo ang nagsulat ng propesiya Reyna Azaria, ngunit sa isang kadahilanan ay nagbabago ito at pilit na binabago ng isang nilalang."  Nakatanaw lang ako sa hindi kalayuan. Tila ba takang-taka si mama sa kung ano ang sinasabi ng fake Queen Freya sa kanya.

Writer's BlockWhere stories live. Discover now