Pinaandar ko na ang sasakyan at naisipan kong sa gotohan nalang kumain.







"Okay lang ba kung dito tayo kumain? Namiss ko na rin kasi 'to eh." Sabi ko sakanya pagkahinto ng sasakyan.

"Yes, pwedeng-pwede, Luv. One of my favorite food kaya 'to." Sabi naman niya.

"Tara?" I said at tumango naman siya. Pinagbuksan ko siya ulit ng pinto at tsaka nilock ang sasakyan.


Mabilis lang kaming kumain dahil mahirap din malate at tsaka magkikita-kita pa kami nila Amy sa parking dahil yun ang nakasanayan.







6:50 nakarating na kami sa school at saktong nandun na rin si Amy at Laney, sinundo siguro ni Laney si Amy dahil sasakyan lang ni Laney ang nakikita ko.







"Oh my God! totoo ba 'tong nakikita ko? Magkasama kayong dalawa?" Gulat na gulat na sabi ni Amy, ang OA ah!

"Obvious ba na magkasama kami?" I asked at inirapan siya.

"Kailan pa kayo naging okay? Parang nung isang araw lang aso't-pusa pa kayong nag-aaway ah?" Tanong naman ni Laney.

"Kahapon lang. Basta it's a long story so will you please shut up muna?" Yan nalang ang nasabi ko at inirapan ulit sila.


"Teka, nasaan na ba kasi si Gabo? Himala siya yung huling dumating ah." Sabi naman ni Amy. Sige, kunwari nalang wala akong alam hehe.

"Aba malay ko, can't you see na magkakasama tayo rito tas tatanungin mo pa kami." Inis naman na sabi ko kay Amy. Ganto talaga kami mag-usap guys, parang anytime magbabardagulan kami.

"Calm down, luv! Baka natraffic lang si Gabb." Sabi naman ni Queen at sabay namang tumingin saamin si Laney at Amy.

"Luv?!" Sabay pa nilang sabi.

"Boomerang ka girl?" Sabi ko naman

"Ow my gosh, what's the meaning of this? Kayo na agad?" Pabirong tanong ni Amy at this time kami naman ni Frances ang sabay umiling.

"No, it's our call sign as magbestfriends. Wag kayo mag-isip ng kung ano-ano, kakagaling ko lang sa break up." Sabi naman nitong katabi ko at tumango nalang ako.

"Yes, and as her bestfriend, I'm helping her na makapagmoveon." I said


"Teka si Gabo ba yun?!" Sabi ni Laney at itinuro ang sasakyan sa may entrance gate, huminto ito at may bumaba naman na babae mula rito. Pagkatapos nun ay tsaka dumiretsyo ang sasakyan dito.


"Si Gabo nga." Maikli kong sabi, kailangan ko magmaang-maangan kahit alam ko naman talaga na si Ate Ella ang kasabay niya.



Lumabas naman si Gabb mula sa sasakyan niya at lumapit samin.


"So sino yung kasama mong pumasok?" Tanong naman ni Laney habang naglalakad kami papuntang room.

"Ah wala, nakita ko lang yung sa daanan kaya naisipan kong isabay na." Sabi nito habang nakakamot sa ulo niya, halatang nagsisinungaling.

"Weh? baka mamaya isa sa collections mo yun ah." Pabiro namang sabi ni Laney.

"Collections?" Takang tanong naman ni Frances. Nagulat nalang si Gabb na kasama pala namin siya, lagot ka ngayon pag nagsumbong yan sa ate niya Hahahaha.

"Collections ng mga babae." Maikling sagot naman ni Laney.

"'Di mo ba alam na certified babaero yan si Gabo, siya yung may pinakamaraming naging jowa samin, siguro lagpas 20 na." Sabi naman ni Amy.

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now