CHAPTER 6

1.6K 142 9
                                    

"Good evening ate, ibinabalik ko na po ang bunso niyo HAHAHA." Pabiro niyang sabi kay ate Ella at natawa naman kami pareho


"Buti naman at nakauwi kayo before 10, thank you nga pala rito sa pizza, tara sabayan mo na kami kumain." Pag-aaya sakanya ni Ate ngunit umiling ito.


"Ay mauna na po ako ate, sa house nalang po ako kakain." She said at tumango nalang si Ate.


"Sige, Dong, ikaw bahala." Ate Ella said. Dong? sino yun?


"Dong?" tanong ko naman sakanila


"Yes, lil sis, that's her nickname." Sabi naman ni ate, ang cute naman ng nickname Hahaha


"Uh, Frances and ate una na po ako ah." She said.


"Mag-iingat ka, Dong. Salamat sa pagpapasaya sa kapatid ko and yung offer ko nga pala sa Student council pag-isipan mo mabuti." Tuloy-tuloy na sabi ni ate at nginitian siya.


"Opo, ate, titignan ko pa po kung kakayanin pa ng oras ko." She said. So sinasama pala siya ni Ate sa Student council?


"Frances, ihatid mo na siya sa labas." Ate said.







Hinatid ko na ito sa gate namin.









"Oh, pano, uwi nako ah. Pag may problema ka chat mo lang ako." She said. Hanggang ngayon pala hindi ko pa naaaccept ang friend request niya.


"Thank you!" I said at niyakap pa ulit siya, niyakap niya naman ako pabalik.


"Sige na, bye!" She said at sumakay na sa sasakyan niya.


"Bye, mag-iingat ka!" I said.







Inintay ko lang siya makaalis at tsaka ako pumasok ng bahay.



























Pagkapasok ko ay kumakain na si Ate Ella.







"Sabayan mo na ako rito, lil sis." Pag-aaya niya saakin. Umupo ako sa tabi niya atsaka kumuha ng Pizza.


"Ano ba nangyare? Wala na ba kayo ni Coco?" She asked at tumango naman ako.


"Oh, what happened?" Tanong niya pa ulit.


"Actually, hindi ko rin alam ate eh. Nagsimula siyang manlamig last week, hindi ko rin alam ang dahilan and then kanina she broke up with me." I said.


"Hindi mo siya tinanong?" Ate asked at umiling naman ako.


"I tried reaching her out kaso she blocked me, so ano pang magagawa ko? Sobrang sakit ate, hindi ako makafocus ng maayos sa acads kanina." I said.


"Hindi ko pa nararanasan yan, kasi alam mo naman, no boyfriend since birth ang ate mo at hanggang ngayon hanggang crush parin hahaha." she said at natawa naman kami pareho.


"So, who's your crush ate? Bakit ka nagsisikreto saakin?" I said at pabirong tinaasan siya ng kilay


"Tropa ni Jaydee." She said. Sino sa tatlo?


"Sino sa tatlo?" Tanong ko pa ulit.


"Yung pogi kahit babae." She shortly said. Si Gabb siguro, ayun lang naman yung gwapings pumorma sakanila eh.


"Si Gabb?" I asked at tumango naman siya, sabi na eh.


"Child abuse ate hahahaha."  pang-aasar ko naman sakanya.


FOOL FOR YOUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant