XXIII - Once upon a time...

Start from the beginning
                                    

"Ah, Oo.."

"Isa pa, gusto rin kitang alagaan at mahalin." 

Napakasaya niya marinig iyon mula sa kanya. Sa sobrang tuwa pa nga niya, hindi na niya namalayang napaluha siya. 

"B-bakit ka umiiyak?"

"Masaya kasi ako. Totoo ba iyan?" at ngumiti siya. 

"Oo, Totoo ito. Pangako."

---

Lumaki silang magkasama, parehas ng school na pinapasukan. Hirap talaga sila paghiwalayin. Madalas rin silang tinutukso ng mga kaibigan nila pero ang sabi nila, they're just best friends. Best friends pa lang talaga dahil alam nila na ang babata pa nila para maging magkasintahan. 

Everything was just so perfect. Life was just simple. They're enjoying the time of their lives. Walang iniisip na problema, masaya lang sila palagi. Basta kasama nila ang isa't isa. 

Hanggang sa isang araw, nang dahil sa isang aksidente ay nagbago ang lahat. 

Namatay ang Daddy niya. Grade six na sila noon...  aware na siya sa nangyari. Dahil sa isang car accident, nawala ang Daddy niya. Sobrang lungkot niya nun, hindi siya umiiyak sa harap ng Mommy niya. Ayaw niyang umiyak sa harap ng mommy niya dahil mas lalo lang itong malulungkot. 

Kaya nagpapasalamat siya sa best friend niya na laging nariyan. Siya lang lagi ang naiiyakan niya. Sa kanya siya komportable, sa kanya siya masaya. Lagi siyang tinutulungan nito. Laging pinapagaan ang loob niya. 

At nagdesisyon ang Mommy niya na sa States na sila tumira. Sure, malungkot siya at ilang beses siyang umiyak mag-isa dahil sa katotohanang malalayo siya sa best friend niya. Pero wala siyang magagawa kundi ang sumunod. Isa pa, kaligayahan naman ng Mommy niya ang mas importante. 

Umalis siya.

Iniwan niya ang kaibigan niya.

Hindi niya nagawang magpaalam dito.

Nung araw ng alis nila, nung nasa airlines pa lang sila, nagulat na lang siya ng dumating siya.

Oo, dumating ang best friend niya.

Papasok na sila ng eroplano nang makita niya ang kaibigan.

Itinaas ng best friend niya ang kanang kamay nito, kasabay noon ay itinaas na rin niya ang kanya.

Tanda iyon ng isang pangako.

Pagtanda natin, papakasalan kita.

--

Pagbalik niya sa Pilipinas, una niyang hinanap ang kaibigan.

MOVING CLOSER by EuniceWhere stories live. Discover now