"Of course not, silly," ani Sasa at hinawakang muli ang kamay ko. "Let me accompany you. Mamaya ko na hahanapin si Xavi. Hindi naman mahalaga ang lakad namin ngayon."

Tahimik na lamang akong tumango kay Sasa at sabay na kaming naglakad palabas ng ospital.

Naging mabilis ang biyahe namin ni Sasa papunta sa condo unit namin. Pareho kaming tahimik ni Sasa at noong makapasok na kami sa unit namin, mabilis akong nagpa-alam kay dito. Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ni Ayah at kumuha ng ilang gamit ng anak ko.

Noong makuha ko na lahat ng mga dapat kong dalhin, wala sa sarili akong napatingin sa kama ng anak. Mapait akong ngumiti noong makita ang paboritong stuff toy ni Ayah. Tahimik akong lumapit sa kama at maingat na kinuha ang paboritong laruan nito.

"Ayah is safe now," mahinang sambit ko habang hinahaplos ito. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inilapag muli sa kama ang laruan ni Ayah. "Stay here and wait for Ayah, okay? Uuwi rin kami dito." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at naglakad na palabas sa silid ng anak.

Noong bumalik ako sa sala, namataan ko ang nakatayong si Sasa habang tinitingnan ang mga naka-display na picture frames namin. Tahimik akong lumapit dito at itinuon ang paningin sa mga larawan ng anak.

"Ayah is such a little achiever," mahinang sambit ko habang pinagmamasdan ang mga larawan. "Manang-mana sa ama niya."

"You're an achiever too, Amari." Sambit ni Sasa na siyang ikinatigil ko. Wala sa sarili akong napatingin dito at namataan ang malungkot na ngiti nito habang nakatingin sa mga larawan ni Ayah. "But... Ayah... she looked different here." Dagdag pa nito at dinampot ang isang frame. "Ilang taon lang siya dito, Amari?" Tanong nito at hinarap ako.

"Two years old," maingat na sagot ko at matamang tiningnan ito. Tahimik kong sinundan nang tingin ang bawat galaw ni Sasa at noong ibinalik nito ang frame sa puwesto nito, muli niya akong hinarap.

"Kanina ko pa ito gustong itanong sa'yo, Amari, sorry pero, where's your wedding photos?" Maingat na tanong ni Sasa na siyang ikinatigil ko. "Oh, nevermind me. Napansin ko lang kasi na..."

"Bagong lipat lang kami dito sa unit na ito, Sasa. Uhm, hindi ko pa naaasikaso iyong ibang display namin since mas inuuna ko ang pag-aasikaso kay Ayah."

"Of course! Mas importanteng maasikaso mo si Ayah," awkward na tumawa si Sasa at nag-iwas nang tingin sa akin. Mayamaya lang ay niyaya na niya akong bumalik sa ospital. Mabilis naman akong tumango dito at nagpaalam na may kukunin lang sa kuwarto namin ni Veron.

Noong nasa silid na ako, maingat akong naupo sa gilid ng kama namin. Wala sa sarili akong napatingin sa picture frame na nakapatong sa bedside table at maingat na dinampot ito.

"Kung hindi lang sana ako naaksidente, sana'y hindi ko makakalimutan ang mga mahahalagang araw sa buhay ko," mahinang turan ko at hinaplos ang salamin ng frame. Tipid akong napangiti at pinagmasdan nang mabuti ang larawan namin nila Ayah at Veron. This is my family. With or without my memories, sila ang pamilya ko.

Mabilis akong kumuha ng ilang damit ni Veron at isinilid iyon sa dadalhing bag sa ospital. Noong matapos na ako, lumabas na ako sa silid namin. Muli kong nilapitan si Sasa at niyaya na itong umalis sa condo unit namin.

"Amari, I'm sorry about earlier." Ani Sasa na siyang ikinabaling ko sa kanya sa may driver seat. "Xavi told me to stay out of this but I just really can't stay still." Naiiling na sambit nito at napabuntong-hininga na lamang.

"What do you mean by that, Sasa?" Kunot-noong tanong ko sa kaibigan.

"Alam kong may ideya ka na tungkol sa kung ano ang koneksiyon mo kay Xavi," aniya at mabilis na binalingan ako. Segundo lang iyon at muling itinuon ang mga mata sa dinaraanan namin. "Yes, Xavi was part of your past and to my surprise, they were looking for you. The whole family was looking for you, Destiny Amari."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now