"Ethan? Sino 'ya—OMG! 'Yung artista ba?!" Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin. "Omg ka! Ethan Real?" Nakisilip siya sa phone ko at nang makitang si Ethan nga ay hinampas niya ako sa braso.

"Te, jackpot! Sinong nag first move?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Siya," sabi ko.

"Weh? Gago ganda mo! Replyan mo na bilis!" sigaw niya kaya tumango ako.

@hopelevisay
Hmm... I'm not sure haha.

Tama ba ang isinagot ko? Hindi ko kasi alam, e.

@ethanreal
Oh I see. Are you free tomorrow?

"OMAYGAD TINANONG KA AGAD! SABIHIN MO OO!"

Bahagya akong lumayo kay Aster dahil sa lakas ng boses niya. "Bakit? Bilis! Jackpot 'yan, ma!"

"Wait lang... I'm not free tomorrow. Pupunta ako sa Orphanage bukas," I said.

"Ay? Edi magpasama ka na lang sa kanya?" she suggested.

Umiling ako. "He's a celebrity, Aster. Baka makuhanan kami ng mga paparazzi o pagkaguluhan si Ethan," sabi ko at tumingin sa screen ng phone ko.

"Oo nga 'no? Edi sabihin mo next time na lang. He likes you, Yen. Grab the chance." Tumayo siya at kinuha ang shoulder bag niya.

"I gotta go. Tinext ako ni Chester, e." Tumango ako kaya lumabas na siya.

Napatingin ulit ako sa screen ng phone ko.

Gusto yatang makipag kaibigan sa akin ni Ethan? Maybe.

@hopelevisay
No, I'm not free. May lakad ako bukas. I'm sorry.

@ethanreal
It's okay. Don't be sorry. Next time na lang? I'll treat you.

@hopelevisay
You'll treat me? No, I'll treat you. :)

@ethanreal
Ano ka ba, Yen? Ako 'yung nagyaya, e. Next time, I'll treat you, aight?

I heaved a small sigh. Nakakahiya kasi, e. Okay lang naman sa akin kung ako na ang mang lilibre. Wala namang problema 'yon sa akin.

@hopelevisay
Okay. Thanks in advance. :)

Tumayo ako at inilapag ang phone ko sa gilid ng lampshade. May party kasi na mangyayari mamaya dahil sa success ng pag momodel ko. My manager was offering me a big shot — meaning I would be an international model but I refused.

Hindi pa ako ready ngayon kahit pa alam kong professional na ako.

It's already 5 pm. 8 pa naman mag-uumpisa ang party kaya I still have time for myself.

I was wearing a dark blue fitted sleeveless dress and tacones altos. Mag shoshopping ako ngayon tutal ay wala naman akong gagawin.

This is my me time.

Tumigil ang kotse ko sa parking lot ng mall. I wore my sunglasses and went inside.

"Aw!" mahinang sambit ko nang may nagmamadaling naglalakad na bumangga sa akin.

"Thank God walang scratch," mahinang sabi ko at tinignan ang lalaking naka itim na jacket. Hindi man lang nag sorry pero ayos lang. Maybe he's running out of time.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. "I should have brought my driver. Mukhang marami akong bibilhin," I said to myself. Ang tagal na rin kasi simula noong mag shopping ako because I was always busy with my work.

Nakabili na ako ng ilan sa mga gusto ko at ngayon papunta na ako sa mga accessories.

Nabitawan ko ang mga dala ko at nanlamig ako  nang may biglang humawak sa akin at tutukan ako ng kutsilyo sa leeg. I can't move... even a bit.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon