Para kay Sean Dela Cruz,
Hi! Nakita na naman kita sa park kanina. Ang tagal na rin noong nagkita tayo sa town market. Naalala ko tuloy yung High School life ko, yung mga panahong may crush ka sa akin. Haha. Ikaw, naaalala mo pa kaya ako?
Every Tuesdays, 8-10 am sa school quadrangle.
Palagi ko nalang nararamdaman na may dalawang pares ng mga mata ang nakatitig sa akin. Nanunuyo ako noon kasi nambwisit ako sa isa sa mga kaklase ko nang mapatingin ako sayo. Hindi kita naaninag kaya tinuon ko na lang ang pansin ko sa kaklse kong napaiyak ko. Akala ko titigil ka na pero nagkamali ako. Mag-iisang oras na. Hindi ka ba nagsasawang tumitig?
Ilang minuto pa ang nagdaan, naramdaman ko na wala na yung presensyang nagmamasid sa akin na siya namang naging resulta ng pangungulit sa akin ng tatlo sa mga kaibigan ko. May sasabihin daw sila. Bigla akong nakaramdam ng excitement sa hindi malaman na dahilan. Sakto naman na may hiniram akong 22 pesos na siyang ipinang-blockmail sa akin, kaya ayun. Napabayad tuloy ako ng wala sa oras. Yun naman pala, may isang lalaki raw na nagngangalang Sean na nagtanong kung may boyfriend na ako. Sayang din yung pinambayad ko, edi sana nakalibre na lang ako.
Sembreak.Nagsimula kang magparamdam gamit ang social networking site na 'Facebook'. Hindi ko nga alam na 'friend' na pala kita at madalas nakakasagutan sa comment box ng mga posts ko. At malay ko ba na kinikilig ka bawat balik ko ng comment sayo. Haha.
Sunday. Isang araw bago matapos ang sembreak. Nagpost ka in public. Doon ko nalaman kung ano ba talaga ako sayo.
Sean Dela Cruz posted 2 minutes ago: "Monday na ulit. Makikita ko na ulit si crush. <3"
Hindi ko alam kung mababading ba ako sayo dahil sa pagsasaad mo na may crush ka o dahil sa heart emoticon mo. Pero syempre, both. Nakakatuwa nga kasi parang nahihiya ka sa bawat tukso ng mga kaibigan mo sayo. Kesyo sino ba daw yan. Kilala ba daw nila. Hindi ko na yun pinansin kasi hindi naman talaga kita kilala.
Araw na ng pasukan at start na ng pagp-product selling namin sa Entrepreneurship. Nasa second floor ang silid aralan namin pero dahil may pagkapasaway ang klase namin, nagsibabaan kami para makapagbenta sa ground floor. Busy akong nag-aabot ng mga paninda namin nang maramdam kong may mga pares ng mga mata ng nakatitig sa akin. Napatingin ako sa gawi niyo. Hindi ko alam kung sino ka sa mga yun pero alam kong naroroon ka sa anim na mga lalaking nakatingin at nakangiti sa akin. Napaiwas ako dahil sa pagka-ilang. Duh. Sino ba namang hindi maiilang sa titig niyong nakakahimatay, diba?
Ilang minuto lang ang nakakalipas, bigla kayong nagsilitawan sa tabi ko. Bumili kayo ng isa sa mga products namin dahil sa pag-aambagan niyo. Natawa nga ako kasi talagang nakahilera kayo. Napatigil lang ako nang itanong ng una sa pila ang phone number ko. Nagdahilan pa nga na ite-text na lang daw ako kapag gusto nilang bumili pero agad akong tumanggi. Sus, mga paraan niyo ha.
Ang akala ko talaga kasama ka sa mga nakahilera. Walanghiya ka. Kaya pala may naramdaman na naman akong nakatitig sa akin, nasa taas ka pala. Tinignan kita noon pero wala akong nakita kung hindi ang anino mo. Nagtatago ka pala sa may post ng room at nakamasid na naman sa akin. Hindi ka talaga nagsasawa, ano?
Bumalik kami sa silid aralan. Kinse minutos na lang at labasan na namin nang bigla kayong dumaan sabay kanta ng "Cecilia" ng The Vamps. Pigil na pigil ang ngiti ko noon dahil alam kong maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa akin na ngingiti-ngiti at the same time, abala sa paglelecture. Kinagabihan, nagpost ka na naman sa Facebook.
Sean Dela Cruz posted 15 minutes ago: "Cecilia, you're breaking my heart. You're shaking my confidence daily."
Hindi ko alam kung bakit ako natawa. Mags-scroll down na sana ako nang i-mention ako ng isa sa mga kabarkada mo.
YOU ARE READING
Para Kay: Sean Dela Cruz
Teen FictionPara Kay: Sean Dela Cruz© (One Shot Story) [02.24.15]
