Patience

11 2 2
                                        

Baket nga ba kailangan nating maghintay? Kase kailangan?

Parte na ng buhay natin ang paghihintay. Araw-araw tayong naghihintay, simula sa pagpapainit ng tubig sa umaga hanggang sa pagtulog naten sa gabi, naghihintay tayong mag umaga para sa panibagong araw at panibagong pag-asang binigay ni God, kaya wag kakalimutang magpasalamat araw-araw sa Diyos.

Maraming tao ang hindi marunong maghintay o sabihin na nating mga mainipin, laging nagmamadali na parang wala nang bukas. Ikaw ba na nagbabasa, mainipin kaba? Syempre hindi kase binabasa mo parin to at dahil naumpisahan mo na, kailangan mo na tong tapusin wala nang bawian yarn. Kaya balik na tayo sa topic, masama ang pagmamadali sa lahat ng bagay. Pero syempre itatanong niyo, "Paano kapag natatae kana tapos nasa kalagitnaan ka ng klase?" owshiii~, syempre di parin naten kailangang magmadali kase mas lalong lalabas yung alam niyo na. Tae!!!! Kailangan lang nateng maging kalmado para di lumabas o kung taeng tae kana talaga, magpaalam kana sa ma'am mo baka lumabas pa yan. Okay balik na tayo sa topic, bumabaho na eh! puro tae, Basta No need to hurry, if you hurry diretso ka cemetery. Joke lang po ehe~ Cherish the time po, habang may oras kapa sa mundong ito, iwasan po naten ang pagmamadali, amen! Ama namen sumasalangit kaa~ char minus points sa langit.

Okay balik na tayo sa tanong, ang haba ng intro eh. Baket nga ba naten kailangang maghintay?. Maghintay sa mga bagay, tao o anumang hinihintay mo ngayon. Lahat naman tayo may hinihintay. Ako kase ang hinihintay ko ngayon ehh ano ahmm edi sagot sa module!!!! Charot pero beke nemen sponsored sa sagot kahit slight lang. Pero ang hinihintay ko talaga ngayon isang tae ayiiee isang tao! Tao kase yun ikaw ah! Okay eto na talaga, daming satsat eh.

1.) Kase Masama Ang Pagmamadali.
Hindi niyo ba napapansin na kapag nagmamadali tayo o excited tayo sa isang bagay hindi natutuloy. Kase nga masama ang pagmamadali, at ayaw yun ng Diyos kase parang pinangungunahan mo siya, kaya naman di niya tinutuloy yung mga bagay na yun. Kaya iwas iwas na sa pagmamadali kapatid.

2.) In God's time.
Sabi ko nga kanina ayaw ni God yung pinangungunahan siya, kaya mas maganda na yung hinihintay mo ngayon ipaubaya mo nalang kay God, planado niya na yan kaya no need to worry na, give it up to God pati yung buhay mo, kase kapag pinaubaya mo na kay God lahat, Promise hindi ka magsisisi sa magiging outcome niyan.

3.) Para malaman ni God kung deserve mo ba yung bagay na yun.
Gawin nating halimbawa ang paghihintay ng dalawang lalake sa kani-kanilang nagugustuhang mga Babae, yung lalake 1 sa gitna ng paghihintay niya kay babae 1, nainip siya at humanap ng bagong babae na ready, yung tipong hindi niya na kailangang maghintay, ibig sabihin kumaliwa siya, hindi kumanan, hindi niya deserve si babae 1 at hindi na kailanman ito ibibigay ni God sa kanya. Yan kase babaero lalake 1, Wag tularan. Ngayon punta naman tayo kay lalake 2, ang ginawa ni lalake 2 hindi siya nainip o nahirapan, kase alam niyang magiging worth it ang kanyang paghihintay, hindi siya nainip. Instead, sumaya pa siya kase mas naiimprove niya pa yung sarili niya para maging ready kay babae 2, Kaya naman sinabi ni God na "Itong babaeng to, ibibigay ko sa lalakeng to". Kase makikita kung gaano ka Faithful at kaloyal si lalake 2 kay babae 2. At yon nga, ganon yon sana nagets niyo.

4.) Kase Worth It Ang Magiging Outcome nito.
Kung hindi ako nagkakamali, Nasabi ko na to kanina kaya idagdag narin naten. Ansaya maghintay kung gustong gusto mo talagang mapasayo yung bagay na yon. Yung di mo na iisipin kung gaano kahirap kundi iisipin mo kung gaano to kaworth it.

5.) Kase Gusto Naten Yung Bagay O Taong yon.
Eto na huli, wala nako maisip eh.
Tama naman baket mo nga naman hihintayin yung taong hindi mo naman gusto, depende siguro kung magbibigay ng sagot sa Math charrr. Syempre kaya nga naten hinihintay kase alam nating worth it at ramdam mong para sayo talaga.

Yun lang , At dahil natapos mo to, Maraming maraming so much este Salamat at Congrats dahil ikaw ay hindi nagmadali. Wag kakalimutang magdasal lagi, it works.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Randomized Where stories live. Discover now