Nang makapasok na kami sa elevator ay may mga nurses at tao doon na napatingin sa amin, yung iba namamangha. Ang iba nangingiti at ang iba parang nandidiri. Hindi ko na lang sila pinansin at inisip ko na lang ang sarili ko, this past few days kasi, minsan hindi ko nakikilala ang sarili ko. Kadalasan nagigising na lang akong nakaupo at hawak ang kandila, posas, dog lace, rope, belt, at tape. Pero mas kinabahan ako bago ako nagising kaninang umaga, my hawak akong kutsilyo at may dugo pa itong tumutulo.

Naramdaman ni Ninong Lucas ang panginginig ko ulit kaya hinimas niya ang likuran ko at mahigpit na niyakap. Nakita ko sa peripheral vision kong napatingin din si Tito Kel at Ninong Liam sa amin. Nang makalabas na kami sa elevator ay sumalubong sa amin ang maraming tao sa hallway.

Parang nagkakagulo, maraming taong nakapalibot at parang hindi hospital ang pinuntahan nila. Napahinto silang tatlo at narinig ko pang napamura si Tito Kel saka pumunta sa lalaking pinagkakaguluhan nila. Pilit siyang nakipagsiksikan dito.

Nang makalapit siya sa nakangiting si Tito Tim at Tito Axel, napatingin sila sa akin ng may pag-aalala. Lahat ng tao ay nalipat din ang tingin sa amin. Ang ipinagtataka ko ay bakit may mga media sa labas ng hospital at sobrang daming tao.

"Anong nangyayari, Ninong Lucas?" Nagtatakang tanong ko.

"Kagagawan yan ng Dalawang tito mo at itong si Liam," seryosong sabi ni Ninong Lucas at binalingan din si Liam na napakamot ng ulo. "Ba't kasi pumunta kapa rito?" Parang naasar na sabi ni Ninong Lucas na ikinakunot ng noo ni Ninong Liam.

"Hindi ko naman alam na pati dito susundan ako ng media, Lucas." Seryosong sabi rin niya ng unti-unti siyang salubongin ng mga media ng makilala siya.

Nagpupumilit naman lumabas sila Tito Axel, Tim at Tito Michael sa kumpulan ng mga tao. Agad naming tinungo ang likuran kung saan nakapark ang mga kotse saka nakitang nakasunod sila Tito at naraming tao pero hinarangan na sila ng maraming security at pulis.

Masamang tingin naman ang ipinukol ni Tito Michael sa mga Tito kong seryosong nakatingin sa akin ng nasa Parking area na kami at wala ng tao rito kundi kami-kami na lang at ang mga kotse. Agad binalingan ni Tito Michael ang dalawa saka nagsalita.

"Anong pumasok sa kukote ninyong dalawa at nagpakita kayo sa buong tao at media ng hindi naka-disguise?" Naiinis na sabi ni Tito Kel pero hindi umiimik ang dalawa. "Alam niyo bang hospital 'tong pinuntahan ninyo at katulad niyo pang mga celebrity na sikat ang pumunta rito na parang normal lang na tao?" Bakas na ang galit at pangangaral dito kaya mas lalong napatikom ang bibig ng dalawa. Napahawak si Tito Kel sa noo na prang stress na stress sa nangyayari, "ang titigas talaga ng mga ulo niyo, bwesit."

Agad na tumalikod si Tito Kel at sinenyasan ang dalawa na sumunod sa kanila. Pasakay na sana si Tito Kel sa kotse niya ng mapatingin sa amin. Hindi kasi sumunod si Lucas kay Tito Kel at pinuntahan ang BMW nitong sasakyan. Mayaman pala siya?

"Saan mo balak isakay si Bunso?" Seryosong tanong nito habang nakahalukipkip.

Huminto naman si Ninong lucas at humarap dito. "Isasabay ko na siya sa kotse ko,"

"Hindi, iwan nyong dalawa ni Liam sasakyan niyo rito at dito kayo sasakay sa sasakyan ko," seryosong utos nito na ikinabuntong hininga ng dalawa saka sumunod.

Nakapasok na kami pero si Tito Kel ay hindi parin dahil binalingan si Tito Axel at Tito Tim na naghihintay sa kanya. Napalingon ako sa kabilang parking area at nakita ko ang sasakyan ni Tito Roman doon, kasama niya sa loob ng sasakyan si Daddy at anong ginagawa ni Mayo dito? Saka bakit kasama niya si Tito Nestor? Anong nangyayari at nandito sila lahat?

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now