''Duh! Girlfriend duties,'' I mumbled as I deleted the first instagram stories I recorded. Rinig na rinig kasi 'yung sinabi niya! Hindi pa naman publicize ang relationship namin ni Jarrell. 

I personally wanted everyone to know about our relationship, but Jarrell isn't in favor of it. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit, kaso noong pinag-uusapan namin ang tungkol do'n e' mukha naman siyang hindi interesado so..

''Wait! Kuha lang ako inumin. Nauuhaw ako!'' paalam ko kay Bea bago kami lumabas ng gate.

Tapos na ang bonfire at mayroon party dito sa quadrangle. There are bands that will later perform but I'm not interested. Ang basketball team naman ay nasa gym. Nando'n kasi ang sponsors nila. I texted Jarrell that I would eat. Hindi naman siya nag reply, siguro'y abala na ro'n.

Dumiretso ako sa isang booth na nago-offer ng energy drink at kumuha. Bumalik ako sa kan'ya matapos.

''Alam mo, akala ko talaga babagsak ka sa geopol kasi hindi na tinaggap ni Sir 'yung paper mo, 'di ba?'' aniya habang papunta na kami sa gate. 

''Yup! Akala ko rin. Buti na lang pinaki-usapan ni Liana.'' Nagkibit-balikat ako. ''Pumunta pa kasi ako kay Jarrell before the day of the deadline.'' Uminom ako ng energy drink. ''E', akala ko kaya kong gawin overnight 'yung paper! But to my fucking misfortune, nakatulog ako sa study table ko!''

Umiling-iling siya. ''Kapupunta mo kasi kay Jarrell 'yan! 'Yan, muntik kang bumagsak.'' Tumawa siya. ''Anong grade mo ulit?''

''Shining tres!'' Kumindat ako nang magkatinginan ko.

Okay na 'yon, 'no! Kaysa naman bagsak talaga ako. Ngayong malapit nang mag second sem, mas may oras naman ako dahil wala pang basketball games si Jarrell. Hindi ko alam kung sasali na ba siya agad sa PBA or the contrary pero at least, may oras ako for academics.

Nagtawanan kaming dalawa. Hindi ko napansin ang dinadaanan ko kaya ikinagulat ko nang mayroon akong nabangga. Natapon sa polo shirt niya 'yung energy drink ko!

''Shit! Sorry!'' Agad akong lumapit sa kan'ya, gulat. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Kinuha ko na lang ang panyo ko at umambang pupunasan ang basa niyang dibdib. Puti pa naman ang polo shirt niya! ''Sorry talaga! Oh my God!''

He flinched. ''You should have been more careful, hija,'' he said with a really, really hard baritone that made me real shit nervous. Marahas niyang tinapik ang kamay kong pupunasan sana siya kaso tumalsik na ang hawak kong panyo. Shit! Bayaran ko na lang kaya siya?

Umawang ang labi ko at napatingin kay Bea, humihingi ng tulong. Katulad ko ay mukha rin siyang kinakabahan. Inabutan niya na lamang ako ng panyo.

''I'm sor-''

''Where is the gym here?'' Inangat niya ang tingin habang pinupunasan ang sarili at halos mamutla ako nang mapagtanto kung sino siya dahil nasinagan siya ng stage lights.

Ang kaba sa aking dibdib ay napalitan ng galit. This is Jarrell's father! The scheming jerk!

I can't be wrong! Sa makailang ulit ko siyang nakita sa TV, at sa hindi mapagkakailang pagkakapareho ng facial features nila ni Jarrell, I'm sure I'm right!

Disgusto niyang pinalipat-lipat ang tingin sa amin ni Bea nang walang makuhang sagot. Nagtaas siya ng kilay kaya siniko ako ni Bea.

''Ah, Sir-''

''Hindi namin alam,'' matigas kong sagot, pinutol ang sasabihin sana ni Bea. Tinaasan ko siya nang kilay nang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. ''Bawal na hong lumabas ang mga senior citizen. Umuwi na lang po kayo.''

Nanlaki ang mga mata ni Bea. ''Lucy!''

He chuckled critically. ''Excuse me?''

Tumabi ako at nilahad ang daan. ''Leave.''

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Where stories live. Discover now