Addie is not her type. Kabilaan ang mga flings niya at ikinakama. He's a playboy. At first nagalit ako pero di ko pinahalata. I doubt din kasi sa simula pero kalaunan ay natanggap ko na din na he is serious with Addie. I can see how much he cares for Addie.

Duwag din ako eh and barkada kami kaya ayaw ko ding masira ang pagkakaibigan namin. Napakatanga ko lang that time. Dapat pala ipinaglaban ko na lang ang nararamdaman ko. Siguro pansin na din niya nun kaya ayun hindi sinabi sakin ang plano. I felt betrayed din. Sa lahat ng kaibigan sa tropa ni isa walang nagsabi.

Napadpad ako sa dulong bahagi ng resort. May naaninagan akong bulto ng tao na papunta sa malalim na parte ng dagat. Maputi si Addie and mahaba ang buhok, it's her! Buti na lang maliwanag ang buwan ngayon.

I tried to call her pero wala. Tumakbo na ako at agad lumusong sa dagat. Shit! Maalon pa naman.

Hanggang sa nakita kong sumisid siya kaya mas nagmadali na ako. Balak niya bang magpakamatay?

"Addie! Addie!"

May narinig akong naghahanap din kay Addie. Boses ni Morgan. Sinundan ba niya ako? Gago ampota kung kanina mo pa kasi hinanap.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng hindi ko na makita ni buhok ni Addie. Hanggang sa isang malakas na alon ang dumating.

"Addie..." Mangiyak-ngiyak na ako sa pagsisid. Wala akong pake kung ano ang mangyari sa akin. I'll try my best para mailigtas siya.

"Rain si Addie where is she?" Morgan shouted.

"Tangina!" Mura na lang ang nasabi ko.

Gusto kong umahon ulit at bugbugin ang mukha niya sa sobrang galit na nararamdaman ko s kaniya ngayon pero I need to find Addie first. Palalim na din ng palalim. Baka nalunod na siya.

Nung makarating na ako kung saan ko siya nakita kanina ay hindi ko na makita ang katawan nito. Sumisid akong muli pero wala akong mahawakan o makita. Napamura ako uli.

No! Hindi pwede!

Nabuhayan ako ng pag-asa ng may mahawakan akong buhok. Agad-agad ko itong inangat at mukha ni Addie ang bumulaga sa akin.

Mukhang marami na siyang nainom na tubig. Sa lakas ng makakaya ko I tried na iahon siya sa dalampasigan. Nandun si Morgan at nung makita kami ay lumusong na din ito sa dagat umiiyak na lumapit.

"Pre ako na." Sabi ko saka ko siya tinabig. Walang kwenta.

Pagkalapag kay Addie ay agad akong tinulak ni Morgan saka niya ginawa ang CPR. Langya. Now you cared huh?

"Addie please wake up. Addie." Patuloy pa din siya sa pagCPR at nag-uunahan ang mga luha niya. Gago ka kasi pre.

Hindi ko na din napigilan at bumuhos na ang mga luha ko. Napayuko na lang ako sa pagod at panghihina.

"Rain hindi na siya humihinga! Tumawag ka na ng ambulansya! Damn it. Addie! Addie naman oh huwag mo akong iwan." Gusto kong matawa sa reaksyon ngayon ni Morgan. Iwan? Tssk. Hindi ka niya deserve pare. Kay Zoey ka na lang tutal parehas naman kayong basura.

"Kasalanan mo! Yang mga kagaguhan mo sa buhay!" Napahilamos na lang ako sa mukha.

"Tabi nga! Ako dyan. Tangina pare baka kung anong magawa ko sa'yo kapag nawala si Addie." Sa natitira ko pang lakas ay tinulak ko siya at lumapit ako kay Addie.

I do the CPR. Hingal na hingal na din ako. Halo-halo ang galit, takot at pag-aalala.

Nabuhayan ako ng loob ng naubo siya ng tubig. Thank god. Akala ko mawawala na siya.

"Addie!" Ampota gustong-gusto ko na talagang ibalibag si Morgan.

Patuloy pa din siya sa pag-ubo. Binuhat ko siya ng pabridal style. Not minding Morgan na mura ng mura sa tabi. Na siya na daw ang bubuhat kasi siya ang boyfriend. Ulol.

"San mo siya dadalhin? Ako na!"

"Sa simbahan siguro papakasalan ko na. San ba dapat? Sa hospital Morgan! Will you please shut up na lang. Call an ambulance! Sira ang phone ko nabasa."

"Addie. Hey it's me Rain."

"R-rain..." Nag-umpisa na siyang umiyak. Durog na durog siya sa kalagayan niya. Namamaga ang mata sa pag-iyak at sugat-sugat ang labi niya.

"It's okay Addie. You're safe now. Dadalhin ka namin sa hospital."

"Thank you Rain." Then nawalan na siya ng malay.

Dinala namin siya sa hospital at pinatignan. Taranta ang lahat ng makita kami sa entrance ng hotel. Ang sabi nila tinawagan sila ni Morgan para hanapin si Addie. Nagkukumahog ang lahat at di alam ang gagawin.

Si Sean umiiyak nung makita si Addie. Nasuntok niya din si Morgan sa mukha. Kulang na lang mabugbog eh. Ang daming pasa sa mukha.

Nailabas din agad si Addie sa hospital that day. Natapos ang aming 1 week na vacation sa Hawaii. Umuwi kami ng Pilipinas and a lot had changed. Wala na din si Addie and Morgan.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon