"Oh, Vina, aalis ka na?"

Napatingin ako kay Mama na kalalabas lang ng kwarto. Sa kaliwang kamay niya ay inaalalayan niya si Papa paupo sa sofa. Agad ang paglapat ng ngiti sa labi ko sa nasaksihan. Parang mahikang nawala ang inirereklamo ng utak ko,

"Mamaya pa po," sagot ko bago sila lapitan.

Her brow arched as she nodded. Sa bahagyang pag-aayos ng salamin ay kapansin-pansin ang mga mga mata niya na may natural na sungit at lamig. Ang buhok na may kaunting puti ay malinis na naka-bun. Just by looking at her, one would understand that she wasn't one to mess around with.

I bit my lower lip and sat beside my father.

"Good morning, Papa." I kissed him on the cheek. "Uminom ka na ba ng gamot mo?"

Lumayo si Mama sa amin para pumunta sa kusina. When I returned my focus to my father, he was already giving me a puzzled expression.

I smiled at him. Dala ng katandaan ay halos puro puti na ang buhok niya. His face and neck lines made him seem much older than he was.

Now that I think about it, I hadn't imagined seeing him in this state—old and sick. He was a loving father and husband. He used to take me everywhere he went, play with me endlessly, and always know me by name.

But now, his amber-colored eyes—which mirrored mine—were staring at me as if it were the first time he had seen me.

"Sino ka?" tanong niya.

Something throbbed in my chest. I was more of a papa's girl. Strikta kasi si Mama at hindi ko siya madalas makakwentuhan dahil natatakot ako sa masasabi niya.

"Duh!" I grinned. "Pangalawang anak n'yo po ako ni Vivienne. Si Vina!"

Kumunot ang noo niya bago dahan-dahang umiling. I swallowed hard but kept my smile on anyway. He had Alzheimer's disease. Sina Mama at Kuya Rexter lang ang kilala niya.

Hindi na rin siya nakasagot sa akin dahil dumating na si Mama bitbit ang pagkain niya.

"Huwag mong pagurin ang tatay mo."

Tumayo ako para makaupo si Mama. Hindi rin naman nagtagal at sinimulan na niyang subuan si Papa. Pansin ko ang pagngiti ng huli, marahil ay naaantig sa ginagawang pag-aalaga ng asawa.

Forty-five years of marriage, and my father was still so smitten.

"Anong oras ang pasok mo?" kuha ni Mama sa atensyon ko.

"Alas-nueve po."

Tumango siya. "Narinig ko ang pang-aasar sa 'yo ni Mark. May boyfriend ka na ba?" Ibinaba niya ang kubyertos at mariing tumingin sa akin. "Ano ang trabaho n'yan?"

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. "Wala 'yon, Ma. Nagbibiruan lang ho kami."

"You're at the right age to get married, Vina. Hindi naman kita pipigilan d'yan kahit na ikaw ang nagsusustento sa pag-aaral ng pamangkin mo. Your brother has to learn his lesson," she said in a monotone. "Kung mag-aasawa ka, huwag kang kukuha ng kagaya ng asawa ng kuya mo na puro paglulustay ng pera ang alam."

I licked my lower lip. "Opo, Ma. Kaya ko pa namang pag-aralin si Mark. Hindi naman malaki ang tuition fee niya."

Lumabas si Mark mula sa kusina, nahihiyang nakangiti sa akin. Kung titingnan, pwede na kaming mapagkamalang magkasintahan. I was only six years ahead of him.

"Mark, kailan ka ba kasi makakatapos? Pinahihirapan mo nang husto ang Tita mo. Limang taon lang ang Architecture pero pitong taon ka na sa college." Tuluyang tumigil si Mama sa pagpapakain kay Papa. "Idagdag mo pa 'yang si Rebecca! Palagi na lang iniiwan si Thalia rito. Sino ang mag-aalaga sa batang 'yon? Ako? Hindi na naisip na ako rin ang nag-aalaga sa Papa n'yo!"

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now