Mas okay na ito kaysa iyong ginawa ko noong nakaraan lang. Nasira ko iyong badminton racquet ng kapatid ko tapos winala ko lahat ng shuttlecock. Hindi ko pa rin nga nababanggit sa kaniya, e. Nasira ko kasi talaga.

Actually, hindi ko nasira. Sinira ko. Doon ko kasi binuhos lahat ng frustration ko.

Kung magalit man ang kapatid ko, bahala na, lalambingin ko na lang. Favorite niya naman ako. Dahil siyempre... ako na lang naman ang kapatid. Saka marami naman kaming badminton set sa bahay, e.

"You good, Sio?" pangangamusta ni Coach sa akin bago kami magsimula ulit matapos ang sandaling break.

I grinned widely, showing a thumbs-up. "Yes, Coach!"

In other words, saling-pusa lang talaga ako rito. Kilala naman ako ni Coach bilang kasama ako sa team niya noong senior high school kaya pinayagan ako.

Actually, Zeo just suddenly appeared out of nowhere. He was obviously not after the training. Bukod sa hindi niya naman kilala ang mga tao, hindi rin siya naglalaro ng badminton. He just barged in to ruin my day, making me think it was his choice of sport.

Habang iniisip si Zeo sa mga unang minutes pa lang ng drill, nanunulis ang nguso ko at nagsalubong nang kaunti sa gitna ang mga kilay ko.

Bakit ko nga ba kasi ex-boyfriend ang isang 'yon? Bakit nga ba sinagot ko siya noon? Bakit ba lagi na lang talaga may ganitong moment? Did majority of exes really equate to regrets?

Hindi na rin ako nagulat kung paano nalaman ni Zeo kung nasaan ako. I saw his account along with the other viewers of my online story update earlier. Kung alam ko lang sana.

I was already yearning for my bed during the cool down exercises since I knackered all of my muscles. Kaya mabilis na akong nagpalit ng damit. Pinuno ko rin ulit ang flask ko mula sa water fountain ng center na ginamit namin.

I didn't have a car of my own. Maliwanag pa naman sa labas at baka nasa klase rin ang kapatid ko para magpasundo pa ako. In the end, nag-book na lang ako ng masasakyan. Pagod na rin kasi talaga ako para piliing mag-commute.

Nakaidlip ako pagkauwi, gumising sa lunch, at gumawa ng mga courseworks na malapit na ang deadline. Dagsaan na sila kasi malapit na talaga ang finals nitong unang semester ko.

At sa muling kamalasan, habang kumakain mag-isa ng dinner sa kuwarto ay binulabog na naman ni Lizeo ang sira na ngang araw ko.

Zeo:
Aside from that one earlier at the center, sino pa mga lalaki mo?

Ngumiwi ako at masama ang loob na sinalpak ang kutsara sa bibig ko.

Iyon lang naman ang text niya. I didn't have both the will and energy to reply. Asa naman siya, 'no. Noong sinabi kong ayaw ko na, 'yon talaga ang totoo.

I had already tried and endured so much and enough. Hindi naman kasi ako basta-bastang umayaw at sumuko lang sa relationship namin. I fought, then I eventually came to realize how worthless it was.

Awtomatiko kong inirapan ang screen nang may bagong dumating ulit na text message sa notification center. There were two successive texts and to my complete surprise, none of those was from my ex-boyfriend.

I pursed my lips. Nakonsensiya tuloy ako sa pag-irap ko kanina. Kasi akala ko... si Zeo na naman, e!

Unknown Number:
Hi, what's up!

Unknown Number:
Sabi mo kasi nung araw na yun mo lang hihiramin raketa at mga shuttle ko. Malapit na kasi mag-two weeks.

I lifted an eyebrow out of instinct.

Naghinala agad ako na wrong sent. I replied after a moment of contemplating to reassure and to make the person from the other end aware.

Me:
Huh? Who are you?

Unknown Number:
Uno Zorca.

It didn't ring any bells.

Me:
Wala naman akong hiniram?

Assuming that I already succeeded in sending a hint, I confidently put my cellphone down and resumed eating my meal. Hinadlangan ng replies niya ang ikatlong subo ko.

Unknown Number:
Hala biglang ganon? 😅

Unknown Number:
Kunin ko na sana bukas.

Hindi ko inasahan ang mga nabasa dahil wala naman nga kasi akong hiniram. I found it slightly off that my eyebrow was highly arched as I stared at the texts. Nakaramdam ako ng iritasyon at ibinaba na lang ang cellphone, wala nang balak sumagot.

Kaso nakatanggap ulit ako ng sunod-sunod na texts matapos ang ilang minuto lamang. Sino ba ang isa pang epal na 'to?! Sumabay talaga ngayong badtrip ako sa ex ko.

Unknown Number:
Nakakadala ka naman, bro. Ako na nga itong nag-reach out tapos itatanggi mo lang na hiniram mo.

Unknown Number:
We are not even close but I still lent you my things and this is what I get in return?

Unknown Number:
Nuyon haha

My lips went ajar and I even moved my head back a bit in shock. For a moment, I doubted my recollection. Hindi kaya nanghiram nga ako?

Pero... hindi talaga, e. Hindi ako nanghihiram. Sa akin ang lagi kong gamit. Saka wala talaga akong maalala na nanghiram ako.

Sino ba kasi ang isang 'to? Baka naman nanloloko lang 'to, ha!

Me:
First and foremost, Uno Zorca, ni hindi naman kita kilala.

Unknown Number:
But it wasn't like that when you were borrowing my things. Ngayong solian na, di na ko kilala bigla? 😅

So close to getting into my nerves... I blinked my eyes in disbelief over this Uno Zorca—whoever she or he was.

Sa huli, hindi na ako sumagot.

Sinipat ko ang pagkain ko na ang pangit na ng lasa para sa akin, ang courseworks sa laptop na hindi ko pa rin tapos, ang cellphone kung saan may nakakairitang wrong sender, at ang bagong text ng ex-boyfriend ko na copy-paste lang ng nauna niyang text.

I squeezed my eyes close. Gusto ko na lang tulugan ang lahat.

SmashedWhere stories live. Discover now