Story siya ni Franco na kaibigan niya at may pa-caption pa ito.


Selling my friend @redserrano.

Issue: May sira lang ang puso at pati na rin yata ang atay.


Napapikit na lamang ako ng mariin at itinabi ang phone. It's been 5 months... Time will heal, Jared. I'm sorry...


Pinasadahan ko ang itsura ko bago ako umalis. Ang kulay tsokolateng buhok ko na hanggang balikat ay naka-beach wave. Inayos ko lamang ang kilay ko at naglagay ng mapulang lipstick. Kahit hindi na ako maglagay ng makapal na make-up, maganda na ako!

"O, saan ang punta mo?" tanong ni Isha nang makalabas sa cr. Pinasadahan ako nito mula ulo hanggang paa. "Bar?"

Nakasuot lang naman ako ng leather skirt at halter top. "Hindi, Isha. 7 eleven lang! Malay mo may papa akong makita, e'di ready to sunggab na ako!" sagot ko bago isinukbit ang shoulder bag.

Sumimangot lang ito bago magtungo sa mesa kung saan nakakalat ang mga papel niya. "Mag-iingat ka ha! Sino kasama mo? I-text mo ako kung nakarating ka na roon. Huwag ka masyadong magpapakalasing tapos—"

"Opo, Nay Inocencia! Huwag ka po mag-alala! Memorize ko na ang mga bilin mo," putol ko at nilapitan siya para halikan sa pisngi. Dahil sa ginawa ko, nagmarka ang lipstick ko sa kanya at napangisi na lamang ako.

"Tsk, Anda! Kaka-hilamos ko lang!" sabay punas niya rito.

"Ba-bye na! Huwag ka rin masyadong magpaka-stress! Magpahinga ka na," pamamaalam ko bago ko paluin ang pang-upo niya at pisilin. Nasanay na ito sa panghahawak ko sa pwet niya pero noong unang gawa ko nito sa kanya ay grabe ang ilang at hiya sa akin.


Nang makarating kami ni Sara sa The One, hinila niya ako sa may dulo at isang grupo ang naroroon at masayang nagku-kuwentuhan. Some of them are already familiar to me. Masyadong buhay na buhay ang paligid. Malakas ang tugtugin, tuloy-tuloy ang hiyawan, at nagsasayawan ang makukulay na ilaw sa dilim.

"You two came! Akala ko iti-ts niyo na kami eh," ani Rag, kaibigan ni Sara at naging ka-close ko na rin.

Umirap ako at umupo na sa puwesto nila. "Exam week, so bear with us!

Para sa iba, ang gabi ay pagtatapos na ng araw nila pero para sa amin ngayon, nagsisimula pa lamang kami magsaya! Lumakas lalo ang tugtugan sa loob at lahat ng tao ay humahataw at humihiyaw sa saya.

Samu't saring mga alcohol drinks ang nakakalat sa lamesa at ang mga kasama naming mga lalaki ay may kanya-kanyang babaeng nilalandi at ganoon din naman ang mga kasama naming mga babae.

Ang kaibigan ni Rag na si Chan ay tumabi sa akin at inabutan ako ng alak na nasa harap ko lang din. "This is the second time we met," aniya. "Miranda, right?"

I nodded. Noong unang beses naman kami na magkakasama sa isang bar ay hindi naman kami masyadong nag-uusap. Pinakilala lang at ayun, tamang pakisama lang din but we never really talked like this close.

"Do you have a boyfriend?" padaskol na tanong nito na nakatukod ang kaliwang siko nito sa tuhod at bahagyang nakaharap sa akin.

Umiling ako at inisang inom ang baso. "Do you have a girlfriend?" pabalik kong tanong.

Last time na may lumandi sa akin, napagbintangan pa akong nang-akit! Aba! Aba! Kasalanan ko ba na 'yong mismong boyfriend nila ang lumalapit sa akin? Anong magagawa ko kung ganito ako kaganda? At hindi ako basta-basta pumapatol 'no!

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now