Till The End (2)

5 0 0
                                    

KALE'S POV

Andito ako ngayon sa rooftop. Nagda-drama. Joke. Oo, nagda-drama siguro tawag dito. Yung naka-poker face ka lang at maraming iniisip. Yung mga ganun. Hahaha! Ako lang mag-isa dito. Sabi ko kasi lubayan nila ko kundi itutusok ko sa leeg nila yung kutsilyo ko. As if naman na may kutsilyo ka. Kilala niyo na kung sino nagsasalita. Tangina. Manahimik ka. Sabi ko.

Minsan talaga naiisip ko, paano ko nakakaya ang mga problema ko. Ang bata ko pa lang pero nakakaya ko na. Eto mga problema ko ha.

•Broken Family √

•Kulang sa love √

•Kulang sa care √

•Kulang sa attention √

•Kulang ang binibigay na pera √

Anim lang yan sa mga problema ko. Anim ba yan? Lima lang yan. Tanga. Ha?! One.. Two.. Thre.. Four.. HAHAHAHAHA. Five lang pala. Sorry.

Basta mahirap. Ang takaw takaw ko pero 25 pesos lang baon ko. Aarte ka pa? Ako nga ni singko wala. Sabi ni MK. Shatap. Di kita kausap. Sabi ko. Tapos yung sobrang pagmamahal, pag-aalaga, attention na binibigay sa kapatid ko, bat di na lang binibigay sakin? Saklap lang. Pero nagpapasalamat din ako kahit papaano, pinag-aaral pa rin nila ko. Yun ang mahalaga sa akin ngayon. Balewala lahat ng problema ko kapag naka-graduate ako ng college. Yun ang importante sa akin. Ang maka-graduate. Ang ganda k---

"Bhe." Taba.

"Diba sabi ko walang---"

"Oo na. Alam ko. Gusto lang kitang lapitan. Namimiss na kita, eh. Saka gusto rin kitang tulungan sa problema mo."

"Mahirap silang lahat. Sa sarili ko nga hindi ko kayang solusyunan, eh."

"Hindi mo naman kailangang isarili yung mga problema mo. Minsan kailangan mo rin ng tulong ng iba. Para san pa't naging boyfriend mo ko kung hindi kita tutulungan." Katats mga 'teh.

"Oo na. Oo na." Umupo na siya sa tabi ko.

"Kulang ako sa atensyon, pagmamahal, pag-aalaga at marami pa." Naiiyak na ko, shet.

"Hindi ko na alam gagawin ko, tabs. Ang hirap. Ewan ko nga sa sarili ko kung paano ko sila kinakaya. Bukod sa mga problema na yun, marami pa. Hindi nila ko pinapahalagaan. Feeling ko balewala ako sa kanila. Siguro sa paningin nila, isa lang akong hangin. Masakit isipin na para san pa't kung binuhay nila ko kung hindi naman ako pinapahalagahan. Dito na lang ako sa school masaya. Kasi pagdating ko sa bahay, back to normal nanaman ako. Kale na walang gana, mahina, moody. Pero kahit ganun ako, pinipilit kong ngumiti sa harap nila at harap ninyo. Kasi ayokong kaawaan niyo ko. Ayaw ko namang sabihin nila na broken family siya galing eh. Hindi siya love ng family nya. Ayaw ko ng ganun. Ayaw na ayaw ko? Kasi kahit ganun sila, nagte-thank you pa rin ako kahit papaano kasi pinapaaral nila ako. Kung hindi nila ako pinag-aral, hindi ko kayo makikilala. Lalo ka na, tabs. Palagi mo kong pinapasaya. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat ng ginawa mo para mapasaya mo ko. Sana dumating yung panahon na mahalin nila ko. Yung ramdam ko. Masakit man isipin pero gusto ko ng mamatay..." Nanghihina na ako nung sinabi ko yun. Todo iyak na ako, eh.

"Hindi! Hindi pwede! Hindi ka mamamatay. Hindi mo ko iiwan diba?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ko na rin kaya, eh. Mahirap makipaglaban sa marami lalo na't mag-isa ka lang. Mag-isa mo lang haharapin ang lahat. Hindi ko na kaya, nahiga na ko sa lap nya. Mahirap na eh. Nahihirapan na ko. Hindi ko na kaya.

"KALE!! HINDI MO KO IIWAN DIBA?! PLEASE BE STRONG, KALE." Inuuga uga na niya ko. Dahan-dahan ko na ding ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko na kaya, eh. Hanggang sa napapikit na ko.

~

"KALE!! HUHUHUHU! SABI MO HINDI MO KO IIWAN?! ANG UNFAIR MO!"

Langya naman. Sino ba yun? Ang ingay-ingay naman. Hindi na nga ko makahinga lakas pa ng bunganga.

"You'll be in our hearts forever."

Tangina 'to, ah? Hindi pa naman ako mamamatay.

"Gago. 'Di pa ko patay. I'm alive. Can't you see?" Mataray na sabi ko. Azar eh. Akalain ba naman na patay na ko. Hinimatay lang ako. OA.

"Oh ano? 'Di makaintindi ng english? Wala ka pala, eh. Weak!" Hindi na kasi sumagot. Nakapikit pa rin pala ko. Try ko kayang dumilat. Lol

Si Taba pala to. Nakanganga. Bat kaya?

Tinapik ko siya.

"Speechless ang koya nyo?" Sabi ko. Wala atang balak mag-salita, ah.

"PUCHA! MAY DAGAAAAA! WAAAAHHH!" Sigaw ko. Tignan natin kung 'di ka magsalita.

"PUTA! Asaan?" Sabay yakap sakin. Andito pala kami sa clinic. Buti kinaya niya ko. Lol

"HAHAHAHAHAHA. Tangina. Ang galing ko manakot." Sabi ko habang tumatawa. Tinignan ko ang itsura ni Seph, gulay siya. Maybe he can't believe that I'm still alive. Lol!

Magsasalita pa sana ko kaso pumasok sa loob ng clinic si Nurse.

"Okay ka na ba iha? Kung hindi pa, ipapasundo kita. Pero kung oo, you can go back to your classroom." Sabi ni nurse. Okay naman na ko. Kaya keri lang. Bumalik na din ako ng room.

~

Pagpasok ko pa lang ng classroom, bigla silang napabuntong-hininga. Parang guminhawa sila.

"OMG! Best friend, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Kat.

"Tanong mo kay taba. 'Di ko din alam, eh." Seryoso, hindi ko talaga alam. Pero may alam akong isang rason kung bakit ako hinimatay.

I can't handle now my problems. And it sucks.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'll Wait For You - Till The EndWhere stories live. Discover now