"Let's go." Aya ko kay Giselle, at nauna ng lumabas ng kwarto.

Bumungad sa'kin si Precious, na naka-upo sa mahabang sofa, habang may hawak na libro. Precious was wearing a long sleeve mustard dress above the knee.   Naka-tirintas ang buhok and she left a few strands of hair on the side of her face. Again, suot na naman niya ang mahiwagang eyeglasses niya.

"What!?" Mataray na tanong nito sa kanya.

Umiling lang ako dito. Ayaw kong punahin ang ayos at pananamit ng pinsan ko. Doon siya sanay at do'n na 'to kumportable, kaya dapat ay hindi ko na  ito papaki-alaman.

Habang sabay-sabay kaming naglalakad sa hallway, bigla  nalang nagsalita si Giselle.  "Dapat you must also request a new car from Tito Leo. Para when you and your futured husband fight. You will use that car, to go here to your condo." Natatawang sabi nito.

Inirapan ko nalang siya. "Hindi ko na nga iniisip ang pagpapakasal, tapos... haayy... bobo ka talaga! Kailan talagang ipaalala pa, no!" Pagsusungit ko dito.

Giselle, stopped walking and looked straight at my eyes. "W-what? Me," Hindi makapaniwalang tanong nito habang itinuturo ang sarili. "Bobo? I'm magaling kaya... Magaling akong gumiling, lalo na kong nakapatong... Magaling tumuwad, kapag may ipinapasok... Magaling pang lumuhod, habang pinapatirik ang mata ng sino mang lalaking makakasama ko." Nakangisi at taas noo na sabi nito.

Minsan iniisip kong may saltik ang pinsan ko. Maayos naman ang pananalita nito, straight naman kong magtagalog, pero kadalasan inaartihan nito ang pananalita.

Naputol lang ang titigan naming dalawa ng makarinig kami ng malakas na sigaw.  "Weewww! Sure 'yan ate? Patry naman kami." Pare-pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo ang apat na kalalakihan, hindi kalayuan sa amin. Halos hubaran kami sa paraan ng pagkakahagod ng tingin sa aming tatlo. Nakangisi at parang mananalo sa luto, kapag nakuha nila ang gusto nila. Isa-isa ko silang tinignan at sinuri. Halos nanlaki ang mata ko at ilang beses napakurap. G*go! Wala akong type, wala talaga! Napahilot nalang ako sa sariling sentido. Akala mo kasi nagdodroga, dahil sa payat at halos labas na ang mga buto sa katawan.

Nagtinginan kaming tatlo at sa paraan ng mga titigan namin, agad namin naintindihan ang gustong sabihin ng bawat isa. Sabay-sabay kaming nagtakbuhan at nagkatulak-tulakan pa, naririnig pa namin ang malamanyak na sigaw ng apat na kalalakihan. Mabuti nalang at agad ng nagsarado ang elevator, bago pa kami mahabol ng mga 'yon.

Habol ko parin ang hininga, habang pababa sa sasakyan. Nakasunod lang ako kay Giselle. Nangunguna kasi 'to sa paglalakad papasok sa club. It's different from the club we went to before. Hindi 'to kagaya na amoy agad ng sigarilyo ang maaamoy pagpasok na pagpasok palang. Dito kasi, pagpasok palang amoy agad ang mabangong halimuyak ng mamahaling alak. Napalingon ako kay Giselle, nang bigla nalang may humila dito. Hinayaan ko nalag 'to at nagpatuloy sa paglalakad. Nasiyahan ako pagmasdan at hangaan ang kabuuan ng mamahaling club. Kaya naman, hindi ko na napansin na nahiwalay na pala ako kay Precious. Habang inililibot ang paningin, my eye caught a poster taped to the wall. Hindi naman 'to kalayuan sa'kin, kaya naglakad ako palapit dito at parang gusto kong sumigaw sa tuwa. Ito na ba 'yon? Ito na ba ang sagot sa paghihirap ko?

Dahil sa sayang nararamdaman ko. Agad akong humingi sa bartender ng isang bote ng whisky. Sunod-sunod akong nagsalin ng alak sa shot glass at nilagok 'to. Napangiwi pa ako ng maramdaman ang hapdi sa lalamunan ko. Para itong napupunit sa sakit, dahil sa ginawa kong paglagok dito. Hindi ko na mabilang kong ilang lagok na ang nagawa ko, basta nararamdaman kong nahihilo at  nanlalabo na ang paningin ko. Mariin kong ipinikit ang mata at hinilot ang sentido. Papikit-pikit pa akong dumilat na agad tumuon ang nanlalabong mata sa mga taong sumasayaw sa gitna ng dance floor.

Promises turn to changedWhere stories live. Discover now