Chapter 57: The Accession

Start from the beginning
                                    

"By the way, Miss Guevara ipasok mo na sa room niyo ang gamit mo. Kailangan kita dito," bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Mr. Castor.

.

.

.

"Enjoy this vacation! After nito ay balik trabaho na muli tayo para sa next project natin, isa sa big event natin ang next project kaya sa lahat ng nasa event syling, prepare yourselves. Is that clear?"

"Yes sir!" sabay sabay na tugon ng mga kaworkmate ko.

"Miss Guevara after dinner I have something to discuss with you."

"Copy that sir," tugon ko sa team manager namin.

Umupo na rin kami nina Mocha sa table at sinimulan ang dinner. Hindi muna ako kumuha ng pagkain sa halip ay chineck ang cellphone ko.

Hindi naman ganito ka-active si Mr. Castor sa mga event dati ah, what a sudden change? Tanong ko sa sarili habang abala pa rin sa cellphone ko.

"Here," napako ang mata ko sa babaeng nasa harap ko habang hawak ang isang plato na may lamang pagkain.

Inilapag niya sa table namin ni Mocha ang platong iyon sabay alis.

"So totoo pala talaga ang sinabi mo Mocha."

"Yes naman, ako pa. Kaya tama lang na pumayag ka na ako ang makasama sa room, diba?"

Nilingon ko sina Mocha at Miss Acosta na nagbubulungan habang abala sa kanilang kinakain, samantalang rinig na rinig ko naman ang kanilang pinag-uusapan. Mabuti na lang may bakanteng upuan sa kasunod naming kasama dito sa table kaya for sure hindi nila maririnig ang pinagbubulungan ng dalawang ito. Sinamaan ko lang sila ng tingin bago tumayo mula sa pagkakaupo.

Lumapit ako sa buffet table at kumuha ng sarili kong set ng pagkain.


.

.

.

"Mr. Solis already told you about the big event, right?"

"Yes sir," magalang kong tugon sa team manager namin.

"I see. Well, hindi lang iyon. Mamemeet niyo rin in person ang Prinsesa kaya magkahalong excitement at pressure ang nakapasan sa akin ngayon. Alam mo naman siguro kung ano ang tinutukoy ko."

Hindi ko nagets ang sinabi niya sa huling bahagi kaya medyo napakunot ang kilay ko.

"Here," iniabot niya sa akin ang tablet at nakita ko mula roon ang isang schedule.

"Dahil successful ang last event niyo, ikaw ang aatasan ko sa big project natin. But this time, you are no longer an office in charge. You'll be an acting administrator for the meantime."

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko matapos marinig ang sinabi niya.

"For three days and two nights."

Hindi ako makapaniwala na natupad ang plano kong makita at ma-obserbahan ng tatlong araw ang Prinsesa na tinutukoy ni Mr. Castor. Gayundin ang maging acting administrator for at least 3 days.

"Ikaw at si Miss Rosales ang maiiwan sa lugar na iyon. Habang si Mr. Solis naman at si Miss Gallegos ay may ibang appointment sa Lei Faisean clothing company that time, aasahan ko ang malawakang kooperasyon mo kay Miss Rosales,

"Napansin ko rin after event niyo last time ay hindi na maayos ang kilos mo against Miss Rosales. Kaya tinatanong kita kung may problema ba sa ginawa kong pag-aasigned sa'yo bilang in charge sa event na iyon?" mahabang salaysay ni Mr. Castor.


Oo si Mr. Castor ang nag-assigned sa akin bilang in charge sa event. Ang nag-iisang half brother ni Mr. Solis, ang Director ng Lavender E.S.

Napatango ako sa mga oras na iyon habang binubuo sa aking isipan ang aking isasagot. Hindi ko naman kasi alam kung bakit.

"My apologies Mr. Castor, I think it's better to assign me elsewhere instead."

Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Soft but strong spirit kind of voice.

"What do you mean by that Miss Rosales?"

"I think she's not comfortable with me, kaya mas better po kung sa iba niyo ako i-assign," sambit niya.


.

.

.

Shaine's POV

Nasa loob na kami ng simbahan kung saan hinihintay ang pagdating ng Prinsesa. Mag-aalas otso na ng umaga kaya ramdam ko ang excitement ng mamamayan ng Rallnedia.

"Jeyya nasa labas na ba ang Prinsesa?" tanong ko sa personal assistant ng Prinsesa.

"Yes Milady, kanina pa po sila dumating ni Duchess Eve."

Maya maya pa ay tumunog na ang trumpeta bilang hudyat na papasok na ang Prinsesa sa loob ng simbahan. Tumayo na kaming lahat sabay harap sa malaking pinto ng simbahan.

Mula roon ay agad na mapapansin ang suot niyang pulang gown na kumikinang dahil sa liwanag na nagmumula sa mga bintana ng simbahan. Dahan dahan niyang tinahak ang pasilyo ng simabahan papalapit sa altar kung saan naghihintay ang Head Priest.

"Are you deserving to be the leader of this country?" tanong ni Duke Markus sa Prinsesa matapos nitong makarating sa altar.

Narinig ko pa ang bulungan ng mga tao sa paligi na naging dahilan upang magpanic ang ilan.

"Yes, I am."

"How can you prove it?"

"I, Gissela Dialaldi Rosales Wayler, the only daughter of late King Louise Achelles Madrid Wayler and Queen Elisita Rosales Wayler, through these pieces of evidence that I have in my possession, I can truly prove that I am the rightful heiress to the throne," may kumpyansang tugon ng Prinsesa sa harap ng Head Priest at lahat ng tao.

Maya maya pa ay may dalawang lalaking lumakad papalapit sa altar dala ang isang pulang envelope. Binasa iyon ng Head Priest at ipinakita sa malaking monitor dito sa loob at sa labas ng simabahan upang makita ng marami.

"The presented pieces of evidence demonstrate authenticity and supports Princess Dia's DNA test results that were gathered from her hair, saliva, and blood samples," paglilinaw ng Head Priest.

Napangiti na lang ako nang marinig ang sinabi ng Head Priest, naramdaman ko naman ang kamay ni June sa mga sandaling iyon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin na tila ba kinakabahan siya sa susunod na mangyayari.

"People of Rallnedia, may I present to you Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. The real scion of the late King and Queen of Rallnedia," tila may bumara sa tainga ko matapos marinig ang sinabi ni Duke Markus.

Ang lahat ay nagulat at hindi makapaniwala nang lumabas mula sa likod ng kurtina ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Nakabraid ang kanyang mga buhok na kapareho ng style ng Prinsesa, gayundin ang suot niyang pendant ngunit hindi ang kulay.

Nilingon ko si Tita Vel sa kanyang assigned chair ngunit wala na siya roon gayundin si Mr. Hienz na kasama lang namin kanina, nilingon ko rin si Nico ngunit tila hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan sa mga sandaling iyon.

"June, tawagan mo si Mr. Yong," utos ko kay June.

Agad naman niyang sinunod ang iniutos ko sa kanya habang ako naman at si Jeyya ay agad na lumapit sa kinaroroonan ng Prinsesa.

Siya ang nag-iisang ex girlfriend ni Duke Aeneas Nicolai Swisly apat na taon na ang nakakalipas magmula ng pagdesisyunan niyang hanapin ang Prinsesa. Bakit siya? Tsaka kailan niya pa naging kamukha si Dia? 

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now