Chapter 5: Picture

Start from the beginning
                                    

"I... I don't remember my past," wika ko na siyang ikinatigil nito sa paghakbang. Mabilis itong bumaling sa akin at seryosong tiningnan ito. "I wanted to remember but... but every time I tried to remember about my past, may masamang nangyayari sa akin at sa pamilya ko."

"Amari..."

"I'm happy, actually..." muling wika ko at tipid na nginitian ito. "May isang taong nakakakilala sa akin. Someone from my past exist. I felt happy and in an instant, let my guard down. And... and in just a blink of an eye, I lost it again. Hindi ko nakontrol ang emosyon ko at naapektuhan nito ang kasalukuyang buhay na mayroon ako."

"Amari, calm down," rinig kong sambit ni Xavi. Napakurap ako at noong makita ko itong nakalapit na pala ito sa akin, napaatras ako palayo sa kanya. Kita ko ang gulat sa mga mata nito at mabilis na umatras na rin palayo sa akin. "I'm sorry," anito at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin.

"I'm... I'm sorry, too. I shouldn't have said that. Pasensiya na, Xavi."

"Aalis na ako," paalam muli ni Xavi sa akin at mabilis na tinalikuran ako. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tahimik na pinagmasdan na lamang ang papalayong bulto nito. Napabuntong-hininga na lamang ako at maingat na naupong muli sa upuang kinauupuan kanina. Muli kong binalingan ang pinto ng operating room at nanalanging muli na maging successful ang operasyon ng anak.

Maingat kong kinagat ang pang-ibabang labi noong lumipas muli ang isang oras. Hindi pa rin tapos ang operasyon kay Ayah kaya naman ay mas lalong hindi ko napakalma ang sarili. Napahugot akong muli ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Wala sa sarili akong napatingin sa may pasilyo at nanalanging makita ang kahit anino ni Veron. I sighed. Mukhang hindi pa rin ito tapos sa operasyon niya.

I wanted him to be here, to wait for Ayah, with me, pero alam kong mahalaga rin ang operasyon niya ngayong araw. At isa pa, hindi maaring sumama sa loob ng operating room ni Ayah si Veron. They won't allow him to join and scrub in. It's part of the rule here. Hindi maaring mag-scrub in sa isang surgery ang family member ng pasiyente.

"Where are you, Veron?"Mahinang tanong ko at napailing na lamang. Muli kong binalingan ang pinto ng operating room at noong may mahagip ang mga mata ko, mabilis akong napabaling sa upuan kung saan naupo kanina si Xavi.

Napakunot ang noo ko noong may nakita akong envelope roon at wala sa sariling dinampot iyon.

"Don't tell me sinadyang mag-iwan na naman nito ng envelope?"

Muli akong naupo at binuksan ang envelope na nakita sa upuan.

Unang litrato pa lang ay natigilan na ako. Halos hindi ko kumurap habang nakatitig ako dito.

"Who... who is this?" Mahinang tanong ko at mas inilapit sa mukha ang hawak-hawak. Pinagmasdan ko itong mabuti at tiningnan kung may iba pang laman ang envelope. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi noong makitang tanging ang larawang ito ang laman ng envelope at sa pagkakataong ito, hindi na si Xavi ang kasama ko. Mataman kong tiningnan ito at kumbinsidong ibang tao ang nasa larawan. Kamukha lang ito ni Xavi pero alam kong hindi siya ito!

In the picture, it was me and a guy. At mukhang nasa hospital bed ako noong panahong kinuha ang litratong ito, nakaupo ako at may nakakabit na IV sa kamay. Naka-patient gown ako samantalang mukhang bisita lang ang lalaking kasama ko. I was smiling at the photo. Smiling while looking at the man in front of me. What the hell is this?

"Who..."

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko noong biglang bumukas ang pinto ng O.R. kung nasaan si Ayah. Mabilis kong isinilid sa bag ang hawak-hawak na larawan at tumayo na mula sa pagkakaupo.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now