Naligo ako ulit at nagpalit ng suot, lalabas ako ngayon ng mag-isa kahit hindi kasama si Daddy dahil alam kong didikit at didikit sa kanya ang babaeng 'yun. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya, maganda siya pero di ko siya gusto maging step-mo. Duh!

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng pekpek short na kulay itim, nagsuot naman ako ng T-Shirt na white, black g-shock na relo, black bracelet at gold long necklace.

Naglagay rin ako ng parang headband na maliit palibog sa ulo ko na kulay itim. Nagsuot ng medyas na itim at na may mahabang manggas hanggang gitnang binti. Then black valenciaga shoes. Tinignan ko ulit ng isang beses ang sarili ko sa salamin bago nagdecide lumabas.

Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Tito Nestor na parang hindi mapakali kaya nagtataka ako sa hitsura niya. Agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya napayakap din ako sa kanya, hindi man ako nagsasalit o siya man ay alam kong may problema ito pero wala akong balak alamin at makinig sa senti niya.

Agad akong kumalas sa kanya at tumitig ng diretso sa kanyang mga mata. Umiiyak siya.

"May problema ba Tito?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nang makita niya ang suot ko ay nanlaki ang mga mata niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinanggigilan.

"You are so precious, hot and handsome." Gigil na sabi niya habang kinukurot ang pisngi ko.
" Cute na talaga ng baby ko, manang-mana ka kay Tito mo at sa Mommy mo,"

Agad kong tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko dahil hindi na ako bata, "Tito Ano ba? Hindi na ako bata!" Maktol ko na ikinatawa niya.

Kita mo to parang tanga. Kanina may payakap-yakap at paiyak-iyak sa balikat ko ngayon parang tangang tumatawa at nagpunas ng luha.

Haist, makaalis na nga rito.

Agad ko siyang tinalikuran at umalis pero nakisabay siya sa akin. "I know na hindi ka na bata pero ikaw parin ang pinaka-poging pamangkin ko." Nakangiti niyang sabi at inakbayan ako. Tinanggal ko ito kaya ang ginawa naman niya ay ginulo niya ang buhok ko.

"Tito!" Maktol ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas habang bumaba tsaka tinungo ang harden. Nakabusangot akong pumunta roon at hindi maipinta ang mukha ng malapit na ako sa kanila.

Agad napatingin si Tita Loreli sa akin, siya pa talaga unang nakakita sa akin na nakatayo dito, mukhang nakalimutan nilang andito pa ako dahil busy-ng busy sila sa tawanan at kwentuhan.

"Miggy-miggy, ang pogi-pogi mo na!" Malakas na sabi niya at saka ako dinambagan ng mahigpit na yakap. Doon pa sila napatingin sa akin lahat. "You are really like your 1/4 Dad at 1/2 your mother. You are so fine!"

Hilaw na ngiti akong tumingin sa kanya at lumayo ng kunti, "Lo, La, lalabas po muna ako. May lakad po kasi ako." Sabi ko at kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Dad at agad na tumayo saka pumunta sa akin. Good, mukhang ngayon lang niya natandaan na may pupuntahan kami. Good! Super! Ang saya lang, p*tang ina!

"Gusto mo bang magpasama, apo sa mga Tito mo?" Tanong ni Lola Margarita.

Ngumiti ako sa kanya at tinignan ang mga Tito kong mariin na nakatitig sa akin at parang mga tangang nakabukas ang mga bibig. Tch. Fuck them, they are the fucking dominant top and alpha male.

"Hindi na po, La Marge. Kaya ko na po ang sarili ko, beside, dadalawin ko lang po si Tito Nicholas." Sabi ko at ngumiti. Niyakap ko si Lolo at ang dalawa kong Lola saka nagpa-aalam sa kanila pati sa mga Tito kong ngayon pa nagsalita ulit dahil ewan ko bakit sila biglang natahimik.

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon