Chapter 56: Second Princess of Rallnedia

Comincia dall'inizio
                                    

Katabi ko si Mocha sa kanan, si Tuzy naman sa kaliwa habang katabi niya rin si Calli.
Kasya naman kami sa sasakyan, medyo hindi lang ako makagalaw dahil medyo malaki ang space ni Tuzy.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis na rin kami sa lugar na 'yon upang maabutan namin ang dalawang van na nauna ng umalis kanina.

.

.

.

Dia's POV

"Everything will be fine Your Highness." Hindi ako mapanatag sa sinabi ni Doctor Luson sa kabilang linya, halos mag-aalas otso na ng umaga ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababalitaan sa resulta ng DNA test ko.

"Your Highness naghihintay na po sa inyo si Duchess Eve sa baba, kailangan niya rin po kayong makausao bago tumungo sa capital city."

"Sige salamat, susunod na lang ako." Matapos masabi iyon ay nagpaalam na rin ako kay Doctor Luson sa kabilang linya.

Nakapagtataka lang ang sinabi ni Doctor Luson. Tila kompeyansa siya sa sarili matapos sabihin na nasa ayos ang lahat, so ibig sabihin ba no'n positive ang resulta? Ibig sabihin ba no'n mawawala na rin ang agam agam ko dito sa aking dibdib? Dahil maski ako ay hindi naniniwala lalo na noong una na ako ang anak ng dating Hari at Reyna. Pabulong kong tanong sa aking isipan habang nakaharap sa salamin.

"Your Highness?" Tumayo na rin ako at lumabas ng kuwarto. Suot ko ang korona ko bilang Prinsesa, at mamaya ay korona bilang Reyna ang ilalagay sa uluhan ko bilang tanda na ako ang ruler sa bansang ito.

Kaya ko bang pamunuan ang bansang ilang buwan ko pa lang nakikilala? Kaya ko bang pangunahan ang isang bansa tulad ng Rallnedia? Karapat dapat ba ako sa tatanggapin ko? Sapat ba ang alam ko upang mabigyang solusyon ang mga posibleng kakaharapin ko?

"You are the right ruler of this country. No matter what others think and no matter what will be the future I know you can handle it, we're here to help and support you Your Highness." Natigilan ako sa pagtatanong ko sa sarili matapos marinig ang boses ni Nico.

Nakatayo siya sa ibaba ng hagdan habang naghihintay sa akin.

"Her Grace are waiting for you." Matapos makababa ay hinawakan niya ang kamay ko upang alalayan. Tila may kuryenteng dumaloy mula sa aking daliri patungo sa bawat nerve cell ko sa buong katawan.

Nico, sa loob ng halos kalahating taon magmula ng magkakilala tayo sa bus station may inis pa rin ako sa'yo dahil sa ginawa mong pag-agaw sa upuan ko sa jeep. Pero nagpapasalamat ako, kung hindi dahil doon siguro nasa MVF pa rin ako bilang designer. Kung hindi dahil doon hindi ako matatanggal sa trabaho at hindi mag-aapply sa panibagong clothing company tulad ng Swisly Corporation.

Noong nalaman ko na ikaw pala ang boss ko ay mas lalo akong nainis lalo na sa tuwing nakikita ko ang mga reaksyon mula sa iyong mga mata. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako, basta ang alam ko lang that time gusto ko sa akin lang nakatingin ang napakagandang kulay turquoise mong mata. And I hate the way you treat me like your own Princess.

"Princess?"

"My apologies Your grace." Bigla akong bumalik sa realidad nang mapansin na nasa harap ko si Ma'am Vel.

"Alam kong nakapagprepare ka sa posibleng gawin ni Duke Markus. Pero gusto ko lang ipaalam sa'yo na matagal ng lumabas ang resulta ng DNA test mo last month." Nagulat na lang ako sa sinabi ni Ma'am Vel sa mga sandaling iyon.

"Pasensya na kung hindi ko ipinaalam ang bagay na ito. Hindi ko idea na itago sa'yo ang tungkol dito, kaya sana pakinggan mo ang paliwanag ko."

"Isang linggo matapos ka makunan ng specimen ay lumabas din agad ang resulta ng DNA test. Sa akin ibinigay ng mga doctor ang resulta at ipinaliwanag na rin nila ang lahat ng lumabas na resulta sa specimen na nakuha sa'yo."

May dalawang papel na iniligay si Ma'am Vel sa table, isang long specialty paper at isang short na kulay cream.

.

.

.

Someone's POV

"Sa tingin niyo po ba maniniwala silang lahat sa aaminin niyo?" Tanong sa akin ni Carson habang abala ako sa pagtingin ng mga magazine na kalalabas lamang.

"Hindi ako sigurado Carson, pero gagawin ko pa rin ang plano ko sa tamang panahon. Sa ngayon ay mag-oobserba muna ako sa posibleng kaharapin ng Prinsesa."

"Nasa likod niyo lang po ako, kung anuman po ang kailangan niyo ay nakasuporta ako."

"Salamat Carson." Nakangiti kong sambit. 

"Tungkulin ko po ang pagsilbihan kayo. Inihabilin po kayo sa akin ng Prinsesa kaya marapat lang na gawin ko ang trabaho ko."

"Wala bang ibang inihabilin si Mama bukod sa pagsilbihan ako?"

"Lahat ng kailangan niyo ay gagawin at susundin ko."

"What I mean is, wala ba siyang nabanggit tungkol sa Papa ko?" Halos tatlong taon lamang ako magmula ng mamatay ng aking Ina sa sakit, isang buwan matapos kaharapin ng Reyna at Hari ng Rallnedia ang trahedyang sinapit nila.

"Pasensya na po, ngunit ang Tita ko lang po ang nakakaalam ng iba pang impormasyon kung ano pa ang mga inihabilin ng Prinsesa noong ihabilin ka niya sa akin."

"By the way, hindi mo pa rin ba nakakausap ang Tita mo? Kailangan ko rin kasi siyang makausap ng personal, marami akong tanong sa kanya."

"Sa ngayon po ay hindi ko pa siya macontact. Halos ilang taon na rin po kasi na wala akong communication sa kanya matapos ang trahedyang sinapit ng Hari at Reyna."

Si Carson na lang ang pamilya ko sa ngayon, wala na si Mama at hindi ko naman kilala ang Ama ko kaya wala akong idea kung nabubuhay pa ba siya dito sa mundo sa ngayon. Ayaw ko pang ipaalam kina Dia ang tungkol sa totoo kong pagkatao. Alam kong tungkulin ko na pangunahan ang Rallnedia sa mga panahong ito, ngunit hindi ako kasing galing ng Tito ko na si King Louise ang Ama ni Dia. Namuhay ako sa magarang pamumuhay ngunit kakaunti lang ang alam ko sa mga bagay na pag-aari ng pamilya namin. Hindi ako magaling sa business tulad ng ginagawa ni Dia, hindi rin ako matapang upang harapin si Duke Markus, at wala rin akong lakas ng loob upang umupo bilang panganay na Prinsesa sa bloodline ng mga Wayler.

Oo isa akong Wayler, ang nag-iisang kapatid ni King Louise Wayler ay kapatid ng aking Ina na si Princess Wayler. Oo, dumadaloy sa katawan ko ang dugo ng isang Wayler ngunit hindi ako ang karapat dapat sa trono. 

Darating din ang araw na malalaman ng lahat kung sino ako, ngunit darating din ang araw na mas kailangan kong itago ang pagkatao ko kaysa ipaalam sa lahat na ako ang anak ng kauna unahang Prinsesa ng Rallnedia, ako rin ang kauna unahang babaeng apo ni Great King Dean Wayler, at apo sa tuhod ni High King George Lamber Wayler, at ang apo sa talampakan ni Emperor Geeno Wayler. Ako ang pangalawang Prinsesa ng Rallnedia, habang si Mama naman ang kauna unahang Prinsesa. Ang totoo niyan, si Dia ang pangatlong Prinsesa ngunit kinikilala ng lahat na kauna unahan sa history ng Rallnedia.

"Your Highness hinahanap na po kayo ng manager niyo." Tumayo na ako at lumabas ng dressing room.

Unexpected RoyalDove le storie prendono vita. Scoprilo ora