PROLOGUE

5 0 0
                                    

Noong unang panahon sa bayan  ng mapayapang Blue Blight's kung saan naninirahan ang pinakamalakas na nilalang sa buong Zalteria  ang namumuno sa mga Blue's  (mamamayan ng Blue's Kindom ) ang haring si Zolter . Ang bayan ng Blue Blight's ay binubuo ng tatlong kaharian , una ang Devil's Kingdom kung saan naninirahan ang mga demonyo at dyablo , ang mga mamamayan ng kaharian na ito ay gumagamit ng itim na mahika dito nagmumula ang mga  itim na magkukulam sila din ay nakikipag-usap at nakikipagsundo sa mga demonyo . Pangalawa  , ang Angeles Kingdom dito naninirahan ang mga anghel  kilala ang mga ito sa mga matitibay na mga kagamitang pandigma ang antas ng mamamayan dito ay binabatay sa kulay at laki ng kanilang pakpakPangatlo , ang Blue's Kingdom kung saan naninirahan ang pinakamakapangyarihan sa buong Zalteria  ang pinuno ng mga Blue's , ang mga naninirahan dito ay hindi ordinaryong mamamayan dahil kaya nilang kontrolin ang mga elemento ang tubig , hangin , apoy , lupa , kidlat , at yelo na dapat ay ang mga may dugong ginto lang ang nakakakontrol .

Sa kabilang banda ang bayan ng Ezkiella ay naghahanda sa paglusob sa bayan ng Blue Blight's lulusubin nila ang bayan ng Blue Blight's dahil sa inggit at galit nila sa mga ito dahil sa kapangyarihang taglay nila lalong lalo na ang mga Blue's . Ang bayan ng Ezkiella  ay binubuo ng anim na kaharian . Una ang Light Kingdom kung saan naninirahan ang mga puting mangkukulam , castermanggagamot at mga sub-element users .  Pangalawa , ang Dark  Kingdom  kung saan naninirahan ang mga bampira at lubo . Ang Aporaxos Kingdom kung saan naninirahan ang mga Phoenix at taong ang kakayahan ay may koneksyon sa apoy , ang Hybris Kingdom kung saan naninirahan ang mga sirena at taong may kapangyarihan ng tubig . Ang  Filyxe Kingdom kung saan naninirahan ang mga pegasus at nilalang na kayang kontrolin ang hangin . At panghuli ang Landemoxos Kingdom , dito naninirahan ang mga diwata at nilalang na ang kapangyarihan ay maykoneksyon sa lupa at gubat .

The Precious Angelic-DemonWhere stories live. Discover now