Ang Alamat ng Pan de Coco

269 0 0
                                    

Noong unang panahon, wala pang pan de coco. Ang mga tinapay ay karaniwang walang palaman at maalat.

May isang bata sa bayan na nag ngangalang 'Cocoy' (Short for Ernesto Julivega) na wala namang kinalaman sa totoo nyang pangalan. Si Cocoy ay isang batang may ginintuang puso. Madalas nyang kalaro ang mga kaibigan nyang si 'Kikay' at si 'Beks'.

Ala-una na nga hapon ng makakita ang mag kakaibigan ng isang tindahan sa daan. Nagutom ang mga ito at naisipang kumain. Subalit, kapwa walang pera ang mga bata, kaya't napagpasyahan nilang magpaligsahan. Kung sino ang mananalo, siya ang unang kakagat sa bibilihin nilang maalat na tinapay.

Ang laro ng mag kakaibigan ay simple at payak na laro ng mga kabataan. Ang laro ay ang "pataasan ng ihe sa Pader"

Sa bandang huli, nanalo ang kaibigan nilang babae na si Kikay. Kaya siya ang unang naka kagat sa tinapay.

Hindi nila nagustuhan ang lasa nito kayat hindi rin naubos ang tinapay.
"Kung pwede lang sana natin ipalaman ang buko ng niyog sa puno at gawing bukayo..." Ang nabangit ni Beks.

Sabay sabay napatingala sa puno ng Niyog ang tatlo.

"Ako na ang aakyat!" Buong lakas loob na sinabi ni Cocoy sa dalawa. Kayat umakyat ang bata sa karatig condominium at pumunta sa ika-anim na palapag ng gusali. Pilit niyang inaabot mula sa condo ang bunga ng niyog. Inilabas nya ang kanyang kanang kamay, na sinundan ng pangalawa. Ngunit hindi parin sapat iyon para maabot nya ang buko. Kayat nag pasya siya na bumaba ng gusali.

Mula sa baba ay inakyat nya ang puno, gamit ang kanyang air Jordan 4 na sapatos na padala sa kanya ng kanyang tatay na nasa Saudi. At narating ni Kikay ang tuktok ng puno dahil ayaw ni Cocoy na magasgasan ang kanyang sapatos.

Sa itaas ng puno ay kitang kita ni Kikay ang kabuuan ng kanilang bayan. Ang kagandahan ng mga haligi ng ospital, ang pabrika ng Asupre(Sulphur) at Asego (Mercury) na pawang bulaklak ang mga halimuyak. Sa kanan natanaw niya ang puno ng sampalok na namumunga ng plastik na takip ng 700ml na bote ng softdrinks at marami pang kaayaaya sa mata. Lingid sa kanyang ulirat ng makakita sya ng isang tumpok na Hantik hanbang pinipitas niya ang niyog sa puno. Sa takot na baka magka pantal sya kapag nakagat ay nabitawan nya ang buko at bumulusok paibaba. Sasaluhin sana ni Beks ang buko nang biglang lumihis ito patungo sa direksyon ng umuihing si Cocoy sa ibaba ng puno ng mangga.

Sa lakas ng pag bagsak ng buko sa ulo ni Cocoy ay nag tamo ng pinsala ang mga karatig probinsya dahil sa lindol na naidulot ng pag baon ni Cocoy sa lupa. Hindi na nakita pa si Cocoy simula nung araw na iyon. Kumalat sa Facebook ang mga trend na #RIPCocoy sa mga nakikisimpatya niyang mga kaibigan.

Ilang linggo ang nakaraan, dinalaw nila Beks at Kikay ang pinag baunan ni Cocoy. Naroon parin ang bakas ng Buko sa lupa. Malalim ito. Ngunit laking gulat nila ng makita nila ang isang napakagandang halaman na tumubo sa puntod ni Cocoy. Ngayon lamang sila nakakita ng ganoong klaseng halaman sa buong buhay nila.

Ang halaman ay may bunga. Nasa mistulang plastik na garapon na may takip na kulay orange. Pinitas ni Beks ang bunga at binuksan. May laman itong tila malapotlapot na Jam na lasang NIYOG! Simula noon ay tinawag ng nga mamayan ng bayan na iyon ang Jam bilang Coco Jam upang alalahanin ang batang si Cocoy.

At yan ang Alamat ng Coco Jam pala. :)

Ang Alamat ng Ano Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon