"Maybe you," turo ni Zoe kay Athena para mapataas naman ang kilay nung isa. "Ikaw lang naman ang sutil sa inyong mag kakapatid."

"Hoy, wag ka nga mamintang. Wala akong ginagawa sa kapatid ko,"

"Siguraduhin mo lang," nanggigil na banta pa nito at muling tumingin sa akin.

Tipid na ngumiti lang ako kay Zoe bago tumingin kay Althea na prenteng naka upo sa sofa habang nakataas ang dalawang paa nito sa center table.

Na parang hinihintay ang gagawin at sasabihin ko.

"Wala silang ginawa sa akin Zoe," nakangiting saad ko.

Sasabat pa sana ito ng biglang dumating si Mommy Sandra, kasama ang family Lawyer namin na kanina pa namin hini-hintay, para mapa upo na kameng lahat.

"Andito na pala kayo, settle down please."

Pero mas pinili kong umupo sa di kalayuan sakanila para pakalmahin ko muna ang sarili ko.

Napa buntong hiningang napasandal na lang ako sa upuan habang naka titig sa isang sulok.

Naramdaman ko ang pag upo ni Zoe sa likuran while giving me a small massage.

"Malaki talaga ang problema ng kapatid niyo ngayon, I'm just messing with her lang kanina to light her up dahil na kaka miss yung dating Athena na mahangin at mayabang." Natawa pa ito ng mahina. "Pero parang wala siya sa mood makipag bangayan sa akin." Sapat na para kame lang ang nag kakarinigan.

Busy na kasi sila Mommy at Athena sa pag tatalakay about sa kaso kaya wala na sa amin ang atensyon nito.

Tahimik lamang akong nakikinig kay Zoe habang nakatitig parin sa iisang lugar,

I'm really zooming out.

"Kung may maitutulong lang sana ako." Pag papatuloy parin nito habang sinandal ang ulo nito sa balikat ko.

Napatingin ako sa harapan ko ng umupo si Arabella kasunod naman si Althea ng di parin inaalis ang mga titig ng dalawa sa akin.

"Kakausapin ko kaya si Ate, baka makumbinsi ko pa siya ng wag na niya ituloy ang kaso." Suhestyon ni Zoe.

Nagkatinginan pa kameng mag kakapatid ngunit agad akong umiwas.

"Buti pa ang asawa mo, may naiisip na paraan kahit papano." Malamig na tugon ni Althea at tumayo na ito sa kina uupuan.

"Coward." May pahabol pang bulong ito habang patungo sa wine section para sumalin ng alak.

Di ako naka imik at napayuko na lang.

"Nag away ba kayo?" Takang tanong ni Zoe sa akin.

"No," mariing tanggi kong sagot.

"Bakit parang kanina pa nag paparinig ang kapatid mo---"

"What? Bakit?!

Di na naituloy ni Zoe ang pagtanong ng biglang tumaas ang boses ni Athena.

Para mapatingin kameng lahat sakanila.

"May laban ba tayo Atty. Soriano?" Tanong ni Athena sa abogado ni Mommy.

"Honestly, iha. We have a little chances na pwedeng hindi papaburan ng korte ang custody ng bata sa kabilang panig." Paninimula nito.

Parang nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito at napatingin pa kay Mommy.

Ganun din si Athena dahil biglang umaliwas ang mukha nito, umaasa parin sa kahit na maliit o anong katiting na pag asa na makukuha niya si Maddie.

"Pwede kong ihain sa korte ang medical record ni Rachel, kung saan na kasaad na hindi pwedeng mapunta sakanya ang bata because of her unstable health, conditions, she is a bipolar woman, pa bago bago ang pag uugali.... and she's an ex-con. Doon pa lang malaki ang chansang matatalo siya."

"Kung ganon, that's a good news......That's good..... So to make it short mananalo ako----"

"Honestly..... No Ms. Guevara." pag pipigil nito.

Napakunot noo naman akong nakatitig dito.

"What? Bakit?!" Gulat na tanong ng isa.

"Pwede rin na hindi din sayo papanig ang korte."

"Bakit? Dahil ba sa pagiging surrogate mother ko? Atty. I'm suitable to be Madison's guardian kahit hindi ko anak ang batang yan akin parin yan, ipag lalaban ko siya. Sa akin siya lumabas! Kaya sino sila para layuan ang anak ko sa akin."

"Athena," pag aalo ni Mommy Kay Athena para pakalmahin.

"No!!!" Binawi ni Athena ang braso niya mula Kay Mommy at napatayo. "Sila ba nag palaki jan? Sila ba nag puyat sa bawat iyak ng anak ko!? Andoon ba siya ng unang bigkas ng Mama ng bata? Andoon ba siya sa una niyang pag hakbang??? Nang mag kasakit?! unang araw na natuto siyang sumulat? Kapag sinusumpong siya ng tantrums niya? Wala diba?!! Wala!!!!! Lahat ng una ng anak ko wala sila, wala siya." Halos sumabog na ang ugat sa leeg ni Athena dahil sa galit.

Nanghihinang napa upo na lang ito habang naka takip sa palad niya ang mukha nito habang napapahagulhol na lang.

Napatingin ako kay Althea dahil napansin kong nakatingin ito sa akin.

Napailing na lang ito dahil malamang sa pag ka dismayado na diko parin nagawang sabihin ang totoo sa kapatid ko.

"Anong ibig mong sabihin na posibleng di papanig sa kapatid ko ang custody ng bata Atty? She's suitable to comply Madison's needs." Suhestyon naman ni Arabella. "Bakit nagkaganon?"

"Di ko naman sinabi na sigurado akong di papanig sa kanya ang korte, ang ibig kong sabihin, ang possibilities na mangyayari."

"Anong mangyayari kapag hindi pinanigan ng korte ang both parties Atty. Ano mangyayari sa bata?" Tanong ni Zoe para mapatingin ako sakanya bago ilipat sa abogado ni Mama.

Mukhang natigilan din ang abogado sa tanong ni Zoe kaya napa upo ng maayos habang inaayos ang kurbata niya habang pasimpleng tumikhim.

"Mapupunta ang bata sa social welfare, at sila na ang may karapatan sa bata, to find a new family and home to Madison."
________________________________
To be continued.......

Natutuwa ako sa chapter 31 comments niyo, each everyone of you really defend Athena's problem at nag bigay pa ng payo.

Some of you din got mad at Ayesha being coward and not telling the truth.

And I love it.... :-)

Ps

Sorry, now lang naka u.d, wala kasing time dahil sa work at pag taas ng kaso natin.....

Stress really killing me and specially us...

Dagdagan mo pa ang walang sahod kaya walang pang update. 😂😅

Babawi ako.......

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now